A Writer's Responsibility

79 5 12
                                    

Bakit ka nagsusulat?


Iyan ang madalas kong itanong sa aking sarili kapag wala ako sa wisyo makapag-update ng aking mga kwento.


Bakit ka nagsusulat?


Iyan din ang gusto kong itanong sa mga taong nakasalamuha ko dito sa Wattpad.


Bakit ka nagsusulat?


Isa din iyan sa mga tanong na nagliliwaliw sa aking isipan sa tuwing nakatitig ako sa blangkong draft ng Wattpad.


Key Word: Sulat


Isa ito sa pinakamahalagang abilidad o kakayanan ng isang indibidwal. Isa din ito sa pinakaunang natutunan natin bago pa tayo pumasok sa eskwelahan. Isa din ito sa mga batayan para maituring na "literate" o may pinag-aralan. Kumbaga isa itong rite of passage; isa itong humane skill na nakapagbuklod sa atin sa iba pang living creatures sa ating mundong ginagalawan.


Pero ang nakakatawa dito'y bago ako magsimula ng Pre-School ay isa ito sa mga kinabibwisitan kong gawain. Hindi ako sanay humawak ng lapis. Sa katunayan, nakatandaan ko na ang aking "awesome" writing style kaya't wala ng improvement ang aking handwriting, cursive man o hindi; mukha pa din itong kinalahig ng doktor na manok.


Ngunit kalaunan, sa kabila ng aking majestic writing font ay naaliw ako sa konsepto ng pagsusulat. Dito ko naipakita ang mahiwagang nilalaman ng aking isipan.


Hindi naman sa pagmamayabang ngunit aliw na aliw ako sa mga Essay type exams noong nasa High School pa ako. Kahit kasi hindi ako nakapag-aral at mayroon lang akong kakaringot na stock knowledge ay nakakakuha pa din ako ng mataas na grado. Minsan ay hinahaluan ko na lang ng iba't ibang uri ng figure of speech, highfalutin words at pa-deep philosophical hugots mula sa soulmate kong si experience upang magmukhang intelihente.


Hindi maipaliwanag na kilig at pride ang aking nararamdaman tuwing napapataas ko ng kilay, napapanganga at napapa-Oh Em Gee ang mga kaklase ko tuwing makita nila ang perfect score na nakuha ko sa ginagawa kong may kinalaman sa pagsusulat. Kumbaga lalong lumalaki ang ulo ko tuwing magagawa ko ito. I was a big fish in a small pond.


Lalong yumabong ang aking bokabularyo at mga nalalaman. Umungos ako patungong Kolehiyo with high hopes and big dreams. Nakipagsapalaran ako sa UST at nangarap maging doktor.


Kahit science based ang kursong kinukuha ko'y hindi pa din nawala ang mga writing o language based subjects. Kampante ako sa aking abilidad, alam kong kaya kong pulbusin at pakainin ng alikabok ang mga kaklase ko.


But I was dead wrong. Marami pa palang mas magaling sa aking magsulat.


Marami pa palang mas malawak ang bokabularyo, mas mahusay magpahiwatig ng nararamdaman gamit ang mga simpleng salita at mas makulay gumawa ng mga essay. Walang binatbat ang mga metaphors ko sa mga alliteration nila't mga figure of speech na hindi ko nalalaman. Walang panama ang aking mga secret weapon na highfalutin words sa kanilang verbose at perspicacious vocabulary. Akala mo ba'y nakipagsabayan ako sa gyerahan ng mga salita kalaban ang isang wordsmith. In short, nagmukhang dilis ang kuya nyo.


Fast forward, nandito na ako sa Estados Unidos at nadiskubre ko ang Wattpad. At muling tinatanong ang aking sarili-


Bakit ka nagsusulat?


Palagay ko'y mayroon akong responsibilidad. Nakakaramdam ako ng kakaibang sensation sa tuwing tuloy tuloy ang galaw ng aking mga daliri sa pagtipa sa aking keyboard. Palagay ko'y mayroon akong pinaglalaban sa isang walang katapusang gyera laban sa kamangmangan.


Hindi ko sinasabing isa ako sa mga pinakamahusay na manunulat sa Wattpad. Hindi ko din naman sinasabing walang kakayahang makatanggap ng ilang daan boto at ilang libong basa ang aking mga likha. Hindi ko din sinasabing hindi ako naghahangan ng kasikatan o katanyagan. Nagpapakatotoo lang ako sa aking nararamdaman at pinapaniwalaan.


Hindi ako katulad ng ibang nandito na pinangarap maging makapaglimbag ng libro simula pagkabata. Hindi ako katulad ng ibang manunulat na nag-imbak ng milyon-milyong salita at nagsayang ng libo-libong tinta ng ballpen sa kanilang mga kwaderno bago pa magka-Wattpad. Hindi ko ako nandito para pagkakitaan ang literatura.


Nagsusulat ako dahil mayroon akong responsibilidad bilang isang manunulat na ipahiwatig ang aking nararamdaman. Nagsusulat ako upang ilabas ang aking mga hinaing, opinyon at pilosopiya. Nagsusulat ako upang bigyan kayo ng private tour patungo sa magulo ngunit makulay na imahinasyon. Nagsusulat ako upang ipaalam ang aking nalalaman, at matuto ng iba pang kaalaman mula sa iba pang mga manunulat.


Nabasa ko dati sa isang online article ang katanungang-

"Maituturing pa bang libro ang isang libro kung wala namang nakakabasa nito? O isa na lamang ba itong papel na naglalaman ng tinta?"


Oo nga naman.


Maituturing pa bang Wattpad Entry ang kabanatang ito kung iilang tao lang naman ang makakabasa? Maituturing pa bang parte ito ng literatura kung wala naman itong naimpluwensyahan?


Hindi ko alam.



Ang alam ko lang ay mayroon akong ipinaglalabang pilosopiya at ideya. At tanging ako lamang ang makakaalam kung nagtagumpay ba ang gyerang aking pinangahasang tahakin.


Ikaw ba?



BAKIT KA NAGSUSULAT?


The Siga Lord ChroniclesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon