Accident Prone Finale (I thought I'm gonna die)

175 20 36
                                    

Ito ang last, but definitely not the least sa mga aksidenteng nalampasan ko. Dito nag bago ang takbo ng aking buhay. Masasabi kong maswerte talaga ako. At napatunayan kong masama talaga akong damo.

P.S. Ang susunod na mga sanaysay ay naglalaman ng mga nakakasalukasok, nakakapanindig balahibo at nakakagimbal na mga pangyayari. Hindi ito para sa mahina ang sikmura. (YOU HAVE BEEN WARNED!)

November 30, 2013, nag invite yung "nililigawan" sa isang party sa Upstate New York, 2 hours train ride from the city.

Nag consult ako sa aking super friends na sina B at C. Para kaming 3 musketeers, kahit hindi pa kami nagkikita ni B. Ang tawag namin sa aming samahan ay ABC. Dahil first letter ito ng aming mga pangalan.

Wag na daw akong sumama. Magpamiss naman daw ako dun sa girl, at in the first place na ang gusto nga daw nung nililigawan ko na itago natin sa pangalang Mikaela ay si C. Pinsan ko at babae si C. Medyo may pagka-bisexual kasi si Mikaela.

Kaya nag "meeting" kami ni B via OoVoo. Pinaliwanag nya ang kanyang side, at pinilit na wag na lang daw ako sumama. Kaso mapilit ako. Nag toss coin na din ako para fair. Pero ultimo ang tadhana ayaw ako pasamahin. Ilang beses kong initsa ang aking quarter; laging lumalabas ang tails. Meaning wag na daw ako pumunta. Ngunit mapilit pa din ako, tumuloy pa din ako.

Walang balak sumama si C, maghahabol daw kasi sya ng tulog, pero pinilit ko pa din sya. Kaya dumiretso kami sa Grand Central Station at sinundo kami ni Mikaela. Kaso, lumabas pagkatorpe ko. Hindi ako naka "DA Moves"

Walang kiss, holding hand o whatsoever. Mediocre ang party at nagpakapagod at puyat lang kami sa byahe at party. Pabalik na kami sa train station dahil didiretso pa kami ng work ni C. Ayaw pa nga kaming paalisin ni Mikaela dahil masama daw kutob nya. Pero nagpumilit ako, hindi kasi ako pwedeng ma-late. Ako na kasi ang manager ng aking pinapasukang retail store at nasa akin ang susi.

December 1, 2013. Mga alas sais ng umaga. Lulan ng Metro North Train na nagmumula Poughkeepsie papunta ng Grand Central Station.

Nakasakay kami ng pinsan kong si C sa 2nd right seat ng 1st car. Ansarap ng tulog ko. Nang magising ako sa bilis ng takbo ng tren. Napansin ko ang sparks NA nagmumula sa riles ng tren na natatanaw ko sa bintana.

Maya maya pa ay nakalas ang tren sa riles at nayanig ang mundo ko. Pumihit bahagya pa kanan ang tren. Nagsisigawan na ang mahigit kumulang sampung pasaherong kasama namin.

Dahil sa impact at bilis, bumalandra ang pinsan kong si C sa aking harapan. Yung kundoktor sa kaliwa ko ay tumilapon sa upuang nasa harap nya. Ako naman ay bumalagabag sa may pader ng tren. Pinipigilan ng aking isang kamay ang paghampas ko sa pader at nakahawak naman ang kaliwa kong  kamay sa harap na upuan.

Nagsisigawan ang mga tao sa paligid. Namatay ang mga ilaw. Umaalingawngaw ang tunog ng bakal, ilang pagsabog at hinagpis ng mga kasama ko. Mataimtim lamang akong nananahimik, nagdadasal na hindi ako mamamatay ng ganitong paraan.

Ito na siguro ang pinakamatagal na isang minuto ng buhay ko.

Tumigil na ang paggalaw ng tren. Lalong lumakas ang hiyawan at hagulgol ng mga tao. Umaalingasaw ang amoy ng sunog na bakal, kahoy at dugo sa paligid. Kumalma na ako ng kaunti, tumayo at pinagmasdan ang aking paligid.

Ilang dipa na lang ay mahuhulog na ang tren namin sa ilog. Kung nagtuloy tuloy ang pag-ungos nito ay baka lumublob pa kami dito.

Nakita ko ang mga taong walang malay. Ang ilan ay sumusuko ng dugo at bumubula ang bibig. May ilang nagsisisigaw habang punong puno ng dugo ang katawan. Nakakapangilabot. Nakakapanghilakbot.

Napansin kong nag-umiiyak na din si C. Parang maga kasi ang braso kaliwang nya. Pero natawa ako sa unang reaksyon nya. Nasan na daw ang cellphone nya. Isang linggo nya pa lang kasi nagagamit ang Galaxy S4 nya. Pati yung kanang paa ng sapatos nya nawawala.

Sinusubukan kong tumulong sa mga taong pwedeng matulungan. Tinignan kung may naiipit ba ng kung ano na pwede kong ialis. Pinapakinggan ko kung may nagpapatulong, kaya ginawa ko ang mga Kaya kong magawa. Iniupo ko ang walang ulirat na konduktor. Pinakalma ko ang pinsan kong si C. At rine-assure ang mga kasama ko sa tren na help is on the way.

Tinawagan ko kaagad ang aking mga magulang nung magkaroon ng signal. Sabi ko hindi ako makakapasok, naaksidente kasi ang tren naming sinasakyan.

Lumipas ang ilang minuto ay dumating na ang ilang pulis at bumbero, inaasikaso ang mga napuruhan at nasaktan.

Nang maiuna na nilang ilabas ng tren ang mga critical at duguan, inasikaso na kami ni C; kitang kita kasi kahit balot sya ng jacket na nadisolcate ang kaliwang braso nya. Ipinahiram ko ang aking scarf para gamiting arm sling.

echebureche.a ay pinababa na kami ng tren at pinadiretso kami sa isang safe spot kung saan kukunin daw ang aming personal info at emergency medical treatment. Medyo nananakit ang aking katawan. Madungis na din ang aking jacket. Pero buhay pa din ako.

Kagimbal gimbal ang mga nakita ko sa labas ng tren. Yung dalawang kasunod ng train car ay nakataob. May ilang pasyenteng naka-strercher at isinasakay sa ambulansya. Mayroon ding matandang lalakeng nakabulagta, nakausli ang kanyang kaliwang binti sa kanyang pantalon at halos magwala sa sakit.

Pinadiretso na kami sa isang Medical Van, at na- interview pa ng media. Naks. Nasa TV na ako. Sayang hindi ko naisipan bumati.

Binigyan kami ng mga medical card. Nakaayon sa kulay kung deads, critical condition o hurt. Orange ata ang binigay sa amin, meaning ay humihinga pa naman.

Binigyan lang ako ng ice pack. Inayos ang sling ni C at pinasakay na kami ng ambulansya. Isusugod daw kami sa pinakamalapit na Ospital.

Pinachillax kami sa ward. Binigyan ng meryenda. Ipina Xray at pinainom ng gamot. May kumausap sa aming social worker para ibrief kami sa mga mangyayaring hospital bills at kung ano anong echebureche.

Pagsapit ng gabi ay na-discharge na kami ni C, ibinigay ang mga records na kakailanganin at pinayagan na kaming umuwi. Paglabas ng Ospital ay para kaming celebrity. Dinumog kami ng mga media para sa isang interview.

Instant celebrity na naman ang awesome na may-akda. Ang sabi ko pa "It's complete chaos. I thought I'm gonna die." (Nakanaks! English yun!)

Bago pa kami sumakay ng taxi ay may lumapit sa aking taga CNN. Bibigyan nya daw ng isang private interview na I broadcast live via satellite. Kaso tumanggi ako, masyado na kasing *Ehem* mabubulabog ang personal life ko.

Umuwi na ako ng bahay at sinalubong ng aking pamilya. Nangamusta at nagpapasalamat silang buhay ako. Nagpahinga ako ng kulang kulang isang buwan bago bumalik sa aking trabaho.

Para sa akin, second life ko ito. Nagbago ang pananaw ko lalo sa buhay. Tila isang "wake up call" ng Maykapal. Na magbibigay sya ng signs, symbols and divine interventions kung dapat bang ipagpatuloy ang mga bagay bagay.

Kaya siguro pinagbawalan na ako ni B. Kaya siguro ayaw sumama ni C. Kaya siguro ayaw pa akong pauwiin ni Mikaela. Dahil may nagbabadya palang panganib...

At alam nyo ang ironic dito? Mamatay matay na nga ako hindi pa din ako sinagot nung babaeng yun. Na-tv na nga ako't lahat wala pa din. Kaya tinantanan ko na lang din sya.

Moral of the Story: Kahit anong anggulo mo tignan, may tamang panahon ang lahat ng bagay.

Siguro may misyon pa ako sa mundo. Siguro may mga makikilala pa ako. Siguro kailangan ko pang ipabasa ito sa inyo...

Kaya live your life to the fullest. Baka malay mo, bukas makalawa. Tapos na ang oras mo sa mundong ibabaw.

The Siga Lord ChroniclesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon