1st Year in Wattpad

75 5 6
                                    

Hindi ko inakalang seseryosohin ko ang aking pagsusulat.

Last year nag-sign up ako sa wattpad dahil akala ko'y isa itong e-book website kung saan makakabasa ako ng mga sikat na published stories.

Hindi pala...

Last year nagsusulat pa lang ako ng prologue para sa una kong brainchild, ang Siga ng Universe.

Last year hindi pa ako marunong gumawa ng additional parts para sa una kong likha.

Last year sabay sabay ang sinasalihan kong book clubs.

Last year wala pang bumubulabog sa wall ko.

Nag-iba na lahat.

After 4 works, 700+ followers at ilang libong votes later ay nandito pa din ako.

Sinusubukang gumawa ng ingay gamit ang mga salita. Sinusubukang ipamalas ang aking kakayanan gamit ang mga kabulastugan ng aking isip at damdamin. Sinusubukang ipahiwatig kung ano ba talaga ang meron sa pagsusulat.

Hindi ako ang pinakamagaling kumatha, o ang may pinakamagandang mga ideya. Hindi ko din sinasabing mahusay akong gumamit ng makukulay na salita at bokabularyo.

Ang mayroon ako ay passion. Pagmamahal sa aking ginagawa. Pagmamahal sa bawat makabuluhang komento o hiniaing ng mga mambabasa at pagmamahal sa makulay na kultura dito.

Ang mayroon ako ay mga pinagdaanan na kinapulutan ko ng aral. Mga katangahan, kapusukan at kabalbalan na nagawa dahil sa murang edad, bugso ng damdamin at mapanlinlang na ego; na ngayon ay pinagtagpi tagpi, kinulayan at hinaluan ng palamuti para gamitin sa aking mga sinusulat.

Sa katunayan, hanggang ngayon, hindi ko pa maatim na pinanindigan ko na talagang magsulat.

Nakakatuwa lang. Iba pala talaga ang pakiramdam na may naaaliw sa mga kalokohan ko. Iba pala talaga ang pakiramdam na may nag-aabang ng updates ko. Iba pala talagang makipagsapalaran sa isang malaking palengke ng mga libro, na ang mga naglalako din ay kapwa mo mambabasa din.

Pero masyado na madrama, ito na lang ang sagot sa mga FAQ o Frequently Asked Questions sa akin.

Bakit po naisipan nyong gumawa ng kwento tungkol sa isang Siga?

*Para maiba naman. Feeling ko kasi wala pang gumagawa nun. At please lang, hindi po gangster o "gangstah" si Arch.

Bakit ang yabang mo?

*Hindi po. Confident lang. Mukhang suplado pero mabait ako promise.

Bakit po ang cute mo?

*Well... Ganun talaga.

Ano pong number mo kuya?

*Cannot be. Strict ang parents ko sorry.

Anong naisip mo at gumawa ka ng FAQ's kahit wala naman talagang nagtatanong sayo ng mga ito?

*Wala lang magawa. Haha


Pero seriously, salamat po sa inyong lahat! Sana yung mga sumuporta ipagpatuloy nyo pa din ang pagsuporta! Sana yung mga silent readers matutunan ng i-click yung vote button! At sana maging Awesome ang susunod na taon nating lahat!

The Siga Lord ChroniclesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon