Chapter 2

21 6 0
                                    

CHAPTER 2

"NABALITAAN kong last term na raw ni Henry Ty, ibig sabihin tapos ang kontrata mo bilang JO. Ano nang plano mo Rel? Ang sahod mo rito sa coffee shop ay hindi sapat para makapag-ipon, do you have any option?" nag-aalalang tanong ni Brielle. Naroon ito sa counter gumagawa ng monthly inventory. Siya naman ay nagpupunas ng mga lamesa. Hindi lihim kay Brielle ang plano niya, dahil hindi lamang niya ito employer kundi isang mapagkakatiwalaang kaibigan. Mag-best friend na sila noong college, nauna lang itong magtapos dahil nga nakailang ulit siyang nahinto sa pag-aaral.

"Siguro ay mag-a-apply nalang ako sa mga hotel. Summer na rin naman kaya nakakasiguro akong maraming hiring ngayon. Dadagsain na naman ang San Lazarus ng mga turista." She lightens up her mode and smile a little bit. Kahit na ganoon ay nangangamba siyang baka hindi mangyari ang kaniyang inaasahan. Papaano kung walang bakanteng trabaho. Siguro ay ngayon pa lang maghahanap na siya.

"Hindi naman sa nangingialam ako sa personal mong buhay, pero bakit mo gustong lumuwas ng Maynila? Napapansin ko rin na halos hindi kana nagpapahinga sa pagta-trabaho nitong nakaraang buwan. Why Shivani?"

Bakit nga ba? Kiming na ngiti ang kaniyang pinakawalan. "Gusto kong subukan ang buhay sa Manila. Malay mo, may mabingwit akong matandang mayaman na malapit nang mamatay. Edi, instant milyonarya na ako." Pabiro niyang wika at tumawa.

Subalit hindi si Brielle. "Lokohin ma nang lahat but not me, kilala kita Shivani. Hindi mo gagawin iyon kung wala kang malalim na dahilan. May bagay bang dapat kong malaman. I'll listen. I'm your best friend after all."

Lumapit si Shivani sa counter at naupo. Dahan-dahan niyang nilapit ang mukha sa kaibigan. Brielle was waiting for her words but confused at the same time. "Most wanted kasi ako. I won't risk your life too, sweetheart." At nakatanggap siya ng kurot sa tagiliran. "Aray! Makakurot naman!"

"Babangasan na talaga kita Shi, 'yong seryoso kasi!"

"Seryoso na, sasabihin ko sa'yo kapag ready na ako. For now, pwede bang akin na muna 'to? Sasabihin ko naman ang iba kong secret basta huwag lang 'tong isa." Puno ng sensiridad ang kaniyang tono. Alam niyang nadismaya si Brielle sa sinabi niya pero kailangan niyang piliin ang sa tingin niya ay dapat.

"Fine. Basta, kung may kailangan ka, sabihan mo lang ako," and she does her comforting smile. "Pasado alas nueve na, babyhe ka pa pauwi. May masasakyan ka ba?"

"Nako, hindi na muna ako uuwi. May shift pa ako sa bar, alam mo na, extra income." Saka niya tinungo ang locker room upang magbihis. Hindi niya napansin na nakasunod pala sa kaniya si Brielle. Pagharap niya'y nakataas ang isang kilay nito at namaywang.

"When did you start working there? How come na hindi ko alam ang tungkol doon?" there she goes again.

"Last week, sasabihin ko naman dapat eh kaso naging busy ako. Brielle, alam mo naman na kailangan ko ng pera. Kaya hangga't kaya ko ay magta-tarabaho ako." She explained. Subalit hindi parin binababa ng kaibigan ang kilay nito.

"Hindi, sa bahay tayo uuwi, magpapahinga ka roon. You really need it." Parang nanay kung umasta sa harap niya ang kaibigan. Ginagawa iyon ni Brielle dati pa lang, hindi lang sa kaniya kundi sa iba rin. Nag-aalala ito sa kaniya and she really appreciate it.

Shivani pouted. "Para kang nanay, siguro sumapi sa'yo ang kaluluwa ng nanay ko. Wagas ka kung magsermon. Nay, nandiyan ka po sa loob ni Brielle? Hello?" pabiro niyang saad at sinakop ang mukha ng kaibigan. She acted like she was finding something in Brielle's' face.

"Ewan ko sa'yo. Para kang shunga. Tigilan mo nga ako. O siya, dahil kailangan na kailangan mo 'yan ay hindi n akita pipigilan. Basta, kung ano ang trabaho mo, 'yon lang ang gagawin mo. Ano bang trabaho mo doon sa bar?"

"Waiter lang naman po, pramis mag-iingat po ako. Babye best friend slash nanay!" and she wove her hands. Nakuha pa talagang humirit bago umalis. Malapit lang naman ang bar na iyon sa coffee shop kaya naglakad na lamang siya. Kahit gabing-gabi na ay marami paring mga tao ang naglalakad sa kalye, karamihan na roon ay mga turista.

Sa wakas ay narating na rin niya ang Offshore Bar. Marami-rami na rin ang mga customer. Maingay sa loob na halos mabingi siya sa lakas ng musika, nakakasilaw ang mga kumikislap na ilaw. Hindi na nag-abalang magpalit ni Shivani ng damit bagkos ay pinatungan na lamang ng apron.

"Ang akala ko ay hindi kana dadating. Tsk, kung kailan maraming customer saka naman late kung pumasok. Sige na, palalagpasin ko ito pero sa susunod na mali-late ka'y tatanggalin na kita sa trabaho! Kabago-bago pa eh, tatamad-tamad!" sermon ng kaniyang manager. Sa tatlong trabaho mayroon siya ay dito siya nahihirapang mag-adjust. Lalo na sa ugali ng kaniyang boss. But she has no choice, kailangan niya iyon kaya titiisin niya.

Humugot na lamang siya ng mahabang hininga upang pagaanin ang loob. Matapos niyon ay lumabas siyang dala ang isang tray nap uno ng pulutan. Habang nilalapag ang mga order ay hindi mapigilan ni Shivani ang mangamba. Uso pa naman ang e-table ang mga waiter doon. Gusto niyang iwasan ang bagay na iyon at naging mabait naman ang pagkakataon. Sa isang linggong pagta-trabaho ay hindi pa siya nakakaranas nang ma-table. Umaasang gayon din ang gabing ito. Unti-unti niyang sinanay ang mga mata sa hindi magandang tanawin. Kahit saan niya ibaling ang tingin ay may nakikita siyang naglalandian, sa table man o sa dance floor.

"Miss!" Narinig niyang tawag ng isang customer. Hindi nag-atubiling lumapit si Shivani sa kumpulan ng mga lalaki na tumawag sa kaniya. "Upo ka nga rito!" the man said in a domineering voice. Hindi na nakapalag si Shivani nang hatakin siya nito paupo. Gusto niyang hatakin ang kaniyang kamay mula sa lalaki subalit nag-atubili siya. Hinayaan na lamang sa ganoon. Nakahinga siya ng maluwag nang alisin nito sa kamay sa kaniyang braso subalit umakbay naman ito at pilit na nilalapit ang mukha nito sa mukha niya. Hindi na maganda ang ginagawa nito.

"Alam mo bang noong nakaraang gabi pa ako nagbabakasakaling ma-table ka pero wala akong mahanap na tyempo dahil sa mga chubebot na kasama ng mga kaibigan ko. Pero ngayon," at pinasadahan siya ng tingin mula ulo hanggang paa. "I can have you, hanggang magsawa ako." Narinig niya ang hiyawan ng mga kasama nito. Shivani gulped, nababastusan siya sa ginagawa nito. Agad niyang nilayo ang mukha nang akma itong humalik sa kaniya.

Gusto niyang sumigaw, subalit walang makakarinig dahil sa lakas ng musika. Hindi pa ito nakontento at nakuha pang himasin ang balikat niya pababa sa kamay. Ito na nga ba ang sinasabi niya, bagay na dapat niyang iwasan. "Paumanhin, kailangan ko nang umalis." Aniya at pilit na kumawala sa akbay nito, subalit malakas ang lalaki. "Ano ba! Bitawan mo ako sabi!" hindi niya alam kung saan niya nakuha ang lakas ng loob.

"Bakit ba ang arte mo? Parte iyan ng trabaho mo kaya dapat ay gawin mo ang ninanais ko!" sigaw nito. eksaktong namatay ang musika para sa susunod na performer na DJ. Mukhang nakuha nila ang atensyon ng ibang naroon malapit sa table nila.

"She's not allowed," muni ng tinig sa kaniyang likuran. Sa kaniyang paglingon ay pamilyar na mukha ang namataan niya. Napansin niyang lumuwag sa pagkakaakbay sa kaniya ang bastos na lalaki. Kinuha ni Shivani ang pagkakataong iyon at mabilis lumayo.

"Sino ka namang kutong lupa ka? Bakit ka ba nangingialam?" marahas na tumayo ang bastos na lalaki. Nanlilisik sa inis ang mga mat anito at tila naghahamon ng away.

"Hon. Henry Ty. At sa ginagawa mo ay pwede kitang kasuhan." Doon lamang nahimasmasan ang lalaki. Bumalik ito sa pagkakaupo at nilagok ang laman ng beer.

Niyakag siya ni Henry palabas ng bar. Malalim na tingin ang pinukol nito sa kaniya kaya hindi niya mawari kung galit ba ito nag-aalala. Either the two or maybe both. "Hindi kana babalik dito," ma-autoridad nitong wika.

Ikiniling ni Shivani ang ulo at pinagmasdan ang kaharap. "Why would I do that?"

"Hindi mo alam ang peligro sa loob ng bar, Shivani. Ang nangyari kanina ay gahibla lamang iyon. Papaano kung—"

"Alam ko iyon. Kaya ko naman ang sarili ko!" depensa niya.

Umiling si Henry at marahas na bumuga ng hangin. "Not in this state, you're way too vulnerable para protektahan ang sarili mo." Malumanay na ang tinig nito. "At ayokong mapahamak ka." He almost whispered.

Kunot noong tinitigan ni Shivani si Henry. "Alam mo, nagtataka na talaga ako sa'yo, bakit ba ganon na lang ang concern mo sa akin? Sumapi din ba ang kaluluwa ng Tatay ko sa'yo? O baka may gusto ka sa akin?" agad na tinakpan ni Shivani ang bibig nang ma-realise ang kaniyang sinabi. Huli na para bawiin. Inismiran lamang siya ni Henry.

San Lazarus Series #2: Maybe, One DayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon