Chapter 3

12 4 3
                                    

CHAPTER 3

HENRY offered her a ride subalit mariin siyang tumanggi. Maaga pa ang kaniyang shift sa coffee shop kaya hindi na niya makuhang umuwi pa. Isa pa ay ayaw niyang maabala ang binata sa mga tsismosa sa kanilang baryo. Sa Tap Tea na siya pansamantalang matutulog. May folding bed naman sa staff room, may dala rin siyang kumot. Bago matulog ay hinubad ni Shivani ang kaniyang kasuotan, sinipat niya ang buong katawan sa harap ng full length mirror. May hinahanap siya, and there it is. May pasa sa tagilirang bahagi sanhi iyon ng pagkurot ni Brielle kanina. Mayroon din sa kaniyang braso at balikat.

Muli niyang sinuot ang damit at kinalikot ang cell phone. Binilang niya lahat ng naipong pera sa kaniyang e-wallet, maging sa bangko. Kulang na kulang parin. Kailangan niya pang maghanap ng ibang trabaho. Siguro ay kakausapin niya ang Tiya Milagros sa kaniyang plano. Umaasa siyang pumayag ito.

Malalim na buntong-hinga ang kaniyang pinakawalan, ilang sandali niyang tinitigan ang cell phone. Unti-unti na siyang nawawalan ng pag-asa. Nadama niya ang pag-init ng sulok sa kaniyang mga mata, agad niya itong pinunasan bago pa pumatak. But it was too late to stop her tears to fall.

"Kaya natin 'to Shi, magpakatatag ka lang. Kakayanin natin ang lahat." Muni niya sa sarili at nahiga sa folding bed. Sa buong araw na pagta-trabaho ay ngayon lamang siya nakadama ng pagod. Nais niyang magpahinga subalit kulang ang kumot at folding bed. Ngayon niya mas kinailangan ang mga magulang. Nauuhaw siya sa yakap ng dalawa. She was missing them, labing isang taon na ang nakararaan mula nang mamatay ang dalawa at hindi na niya maalala ang pakiramdam ng may kayakap. For eleven damn years she was alone and cold. Minsan niya ring naisip na sumunod rito, she tried twice when she felt she was out of option subalit may bahagi ng isip niya ang bumubulong na huwag gawin. Strangely, she followed that voice cause despite of the hardship she faced; she still wants to live.

Hindi namalayan ni Shivani na nakatulog siya. Sandaling idlip dahil tumunog ang kaniyang alarm clock sa cell phone. Alas kwatro pasado na, umpisa na ng kaniyang trabaho. Hindi na siya nag-abalang maligo bagkos ay naghilamos na lamang at nagbihis. Minabuti niyang magsuot ng sweater na turtle neck upang itago ang kaniyang pasa sa leeg at balikat. Maaga pa lang ay abala na siya sa pagpupunas ng glass wall ng coffee shop. Maya-maya pa lang ilang customer ang pumasok para magkape. Abala siya sa paghahatid ng order kaya hindi niya napansin ang lalaki sa kaniyang likuran. "Oops!" kamuntikan niyang matapunan ito ng mainit na kape, mabuti na lamang naging maagap ang lalaki at nakahakbang ito paatras. "Sorry," aniya.

"It's okay. Doon kana lang muna sa counter, ako na dito." And she handed him the tray. Hinayaan niyang ito na ang mag-serve. Panaka-naka niyang pinagmamasdan ang lalaki. Hindi siya nagkakamali, ito ang lalaking nabangga niya kahapon. Tila dininig ng tadhana ang kaniyang dalangin na makikita niyang muli ang lalaki. Kagaya noong una niya itong makita ay waring naging magnet ang kaniyang mga mata. Her eyes were locked up on him. Mukhang alagang gym dahil sa makisig nitong braso na humulma sa suot nitong polo tuwing naglalapag ng order. He had a wide broad shoulder, brusko ang pangangatawan. Above all, he was full of muscles that made him even more handsome and hot. Ano pa kaya ang magagandang tanawing makikita sa loob ng polo nito? She wonders.

"Shivani!"

"Hot! I mean ano? Brielle, you're here!" she snapped. She felt ashamed at the moment.

"Yes, kanina pa. 'Di mo lang napapansin kasi pinaglalawayan mo na si Zy."

"Zy?" uli niya. Zy pala ang pangalan nito. Tumango si Brielle. "Ang iksi ng name." she mumbled out of nowhere. "Oh, aalis na pala ako. Last day ko na kasi hayst." Aniya. Napag-usapan nila ni Sir Henry iyon kagabi. Though he offered her a job na maging personal assistant nito but she refused. Ang awkward naman kung gagawin niya iyon. Isa pa ay umiiwas siya sa mga chismis.

San Lazarus Series #2: Maybe, One DayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon