Chapter 9

6 4 1
                                    

CHAPTER 9

NAALIMPUNGATAN si Shivani dahil sa ingay na ginagawa ng ceiling fan. Pagkamulat ng kaniyang mata ay tiningnan niya ito ng masama. As if the thing would know how annoying the sound it makes. It somehow ruined her morning.

Morning. Binaling niya ang tingin sa bintana. Nagkulay kahil na ang kalangitan at palubog na ang araw. Muli niyang sinipat ang kabuuan ng silid. The usual white thing and a wall clock. Fate must have played around. Seven years ago, or should she say two months ago ay doon rin siya naka-confine. The same old room.

“Alright, here we go again.” She mumbled. Maingat siyang naupo sa kama at pinagmasdan ang dextrose na nakatusok sa kaniyang kamay. “Sasanayin ko na ba ang sarili ko sa’yo?” tanong niya na para bang sasagot ang kaniyang kausap. She formed a faint smile.

Napaangat ang kaniyang ulo nang magbukas-sara ang pinto at lumapit sa kaniyang ang babaeng nakasuot ng kulay puti at may dalang clipboard. She was expecting the same person but it wasn’t.

“Expecting someone?” tanong ng doktor.

Tumango siya at ngumiti. “Akala ko kasi si Doc Ramirez.” Iyon ang kaniyang doktor two months ago.

“Siguro ay pabalik-balik kana rito at siya palagi ang doktor mo. I’m Doc Maria Bonificio, by the way.” Magiliw itong nakangiti habang binubuklat ang dalang clipboard. What would she expect, iyon ang nature ng mga doktor. Trying not to give you a shock of what they will say. “I’ve seen your chart from seven years ago and last month. So, we’ve run blood test on you again and here’s the result. Ayon dito, mababa ang haemoglobin mo, maging ang platelet mo. You have too much white blood cell.”

Humugot ito ng hininga bago magsalitang muli. “Nakakaramdam ka ng hilo, at may pasa ka. At nang dumating ka kahapon ay may dugo ang ilong mo. I’m afraid this will be a serious case, Miss Quezada.”

Muling nanlamig ang katawan ni Shivani sa narinig. But she held herself to calm down. Hindi siya pwedeng panghinaan ng loob. She overcome this before at magagawa niya rin iyon ngayon.

“You were diagnosed seven years ago, pero sa tulong ng medication ay naagapan, your body responded sa mga gamot na ibinigay sa iyo. But still hindi dapat magpakakampante since you have a history.”

Muling naagapan ni Shivani ang pagpatak ng kaniyang luha. Naiwasan na niya iyon two months ago. She gave a promise to Doc Ramirez na magpapa-second opinion siya. That she will take her drug. Hoping that she would fully recover from her illness. But now it’s happening again. Surely, this time hindi na siya makakaiwas pa.

“I may suggest the you need a haematologist. I can recommend you to Doc Joesen.”

Shivani was left dumbfounded. Her words were echoing. And everything she learns terrifies her! On the contrary, nais niyang malaman kung bumalik ba ang kaniyang sakit. She still wanted to live.

Sa ganoong tagpo naabutan siya nina Zyair at Brielle. Shivani clearly saw the pity in their eyes. Bagay na pinakaayaw niyang makita sa ibang tao. Hindi siya dapat na kinakaawaan. She will prove to them that she’s strong, that she can handle herself.

Agad siyang niyakap ng kaibigan. “I’m glad you’re awake.”

Ibinaba ni Zyair ang dala nitong paper bag sa side table at tumikhim para kunin ang kanilang atensyon. “Mind to talk to you alone?”

Napalipat-lipat ang tingin ni Brielle sa kanilang dalawa bago tumayo at lumabas ng silid. Nang maisara nito ang pinto ay bigla siyang niyakap ni Zyair. It was too late to react. The hug gives her goosebumps. Tila nakukuryente siya sa tuwing dumadampi ang kanilang balat. Shivani was aware of what happened in just a minute. She would have jerked out or maybe push him away but she didn’t. There was something in her inner self telling not to move a single nerve.

Zyair arms was so good to feel… nasasamyo niya rin ang pabango nito. It was a mixture of spice and musk.

“You’ve made me worried, red hair.” Anito bago siya bitawan. Naupo si Zyair sa kama at inabot ang kaniyang mga kamay. “Hindi ko mapapatawad ang sarili kung may nangyari sa iyong masama.” His eyes were wandering all over her body, as if he was checking her. Napako ang tingin nito sa kaniyang leeg. Her heart skips a beat nang matanto kung ano ang pinagmamasdan nito. Kung sa ibang pagkakataon ay tiyak na mahihiya siya.

“Bakit may pasa ka?” natatakang tanong ni Zyair.

Nag-iwas ng tingin si Shivani at nag-isip ng sasabihin. Hindi ito ang tamang oras para malaman nito ang kaniyang kondisyon. She has to undergo several tests and check-ups bago ma-diagnose if ever bumalik ang kaniyang sakit. Sana hindi. She would gladly think that this day was just a nightmare.

“Tumama siguro sa lababo nang mahimatay ako.” Patay-malisya niyang tugon. Mukhang kombensido naman si Zyair sa sinabi niya.

“Don’t ever scare me like that again, red hair. Please, promise me. Mamamatay ako sa kaba at takot.” Sumilay ang ngiti sa kaniyang labi. She really found it cute.

“I promise, mag-iingat na ako sa susunod.” Aniya.

“Did the result come out? Ano ang sabi ng doktor?”

Shivani formed a smile. “Maayos naman daw. Over fatigue lang kaya nagka-nosebleed at nahimatay. Okay na ako, pwede na nga raw akong ma-discharge.” Pinagaan niya ang boses to make it more convincing. “Ano iyang dala mo?”

Zyair hinted. “Right, I brought dinner.” Inilabas nito ang ilang plastic tube mula sa paper bag. Ito na rin ang prepare ng kaniyang pagkain sa tray. “Thought you would like fresh orange juice.” Inabot nito sa kaniya ang transparent tumble na may lamang juice.

Hindi maiwasang mapangiti si Shivani sa nakikita. Zy was so hands on. Gusto niyang managhili. Ngayon niya muling naranasang may nag-aalaga sa kaniya. Suddenly she misses her dad. Ganoon din ang ginagawa nito noon may sakit man o wala. He always cooks for her, pinapainom siya ng fresh milk and he also helps her to sleep. Kung buhay pa siguro ang tatay Edgar niya tiyak na ito ang nag-aalaga sa kaniya ngayon.

Her eyes stung and in just a blink of an eye, she burst into tears.

Muling nabalot ng pag-aalala ang pagkatao ni Zyair. Gayon din si Brielle na kakapasok pa lamang.

“What happened?” may pag-aakusang tanong ni Brielle sa kapatid.

“I’m alright. Bigla ko lang naalala si Tatay.” Pinahid ni Shivani ang bawat butil ng kaniyang luha at ngumiti. “Payakap nalang ako.” Brielle spread her arms open wide. Muling bumulahaw ng iyak si Shivani habang yakap-yakap ang kaibigan. It took a minute hanggang sa tumahan na siya. Bago siya lumabas ng silid na iyon ay pinagsaluhan nila ang dalang pagkain ng magkapatid.

Matapos kumain ay naunang inihatid ni Zy ang mga gamit sa kotse. Si Brielle lang ang kaniyang kasama. It would have been better kung sana ay siya na lamang mag-isa. Hindi siya makakahanap ng tyempong magpunta sa opisina ni Doc Joesen. Siguro ay ipagpaliban na lang muna niya ang check-up. She will prepare herself sa anumang sasabihin ng espisyalista. Isa pa ay naiwan niya ang pera sa bag na ipambabayad niya sa check-up, she’s hoping na sapat na ang kaniyang naipon. Hindi rin maaaring manghiram siya sa kaibigan, magtataka ito.

San Lazarus Series #2: Maybe, One DayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon