Chapter 5

7 4 3
                                    

CHAPTER 5

“Shivani, pinapatawag ka ni Sir Zy sa kaniyang kwarto. Bilisan mo raw,” wika ni April. 

Makahulugan niyang tiningnan ang kaniyang kasamahan sa kitchen bago lumabas sa area. Abala ang lahat sa ginawang preparasyon para sa conference meeting ng Villeza Group of Company. Ang Papa ni Zy ang chairman—naikwento sa kaniya ni Zy iyon matapos ang briefing. 

Tapos na kaninang umaga ang pagpupulong, hindi niya nagawang masulyapan ang Papa nito sapagkat abala siya sa kusina. Maging si Zy ay hindi niya nakita. Siguro ay kasama ito sa meeting dahil parte ito ng korporasyon, maging si Brielle. 

Ngayong ipinatawag siya nito ay hindi siya mapakali. Nasa harap siya ng pinto ng silid nito, nag-urong sulong ang kaniyang isipan sa gagawin. Sa lahat ba naman ng lugar ay bakit sa silid pa nito? Kinakabahan siyang di mawari.

Humugot ng malalim na hininga si Shivani bago kumatok. Narinig niya ang boses ni Zy mula sa loob. She took another deep breath bago tuluyang pihitin ang siradora ng pinto. “Sir, pinatawag niyo raw po ako,” aniya. Bumungad sa kaniya ang magara at malinis na silid ng binata. Kumpara sa ibang silid ng villa ay mas malawak ito dahil may sarili itong sala set, king sized bed at built in closet. Sa study table ay nakapatong ang naka-off na laptop at cell phone. Sa tabi ng study ay may mini-bookshelf na puno ng libro. 

Hinanap ng kaniyang mata si Zy subalit palagay niya ay nasa banyo ito dahil naririnig niya ang lagaslas ng tubig. Inaliw na lamang ang sarili sa pagtingin sa tatlong kuwadro na naka-display sa ibabaw ng bookshelf. Pawang birthday pictures ang mga iyon, ang una ay 30 years old ito, pangalawa ay noong 21, at ang nakaagaw sa kaniyang pansin ay ang isang larawan ng batang si Zy, sa likod nito ay may banner na nakalagay na 12.

“You're here, kanina ka pa?” 

Nagitla si Shivani sa tinig na nagmumula sa kaniyang likuran. As she turned to him, agad niyang tinakpan ang mukha gamit ang kaniyang mga palad. For pete's sake, he was topless! 

“What's wrong?” Nalilitong tanong ng binata. Nang matanto ang kaniyang kalagayan ay agad siyang bumalik sa banyo at nagbihis ng pormal. Nagsuot lamang siya ng itim na slacks at pinarisan ng baby blue long sleeve na polo. “I'm sorry for being indecent.” Puno ng sinsiridad ang kaniyang tinig. Subalit sa nakikita niyang hitsura ni Shivani ay gusto niyang matawa. “Nakadamit na ako,” dugtong niya.

Saka pa lamang ibinaba ni Shivani ang kamay. “Ano po ba ang kailangan niyo at pinatawag niyo ako rito?” pormal rin ang pakikipag-usap nito.

“Right,” tinungo nito ang closet at may dinampot na dalawang paper bag. Inabot iyon sa kaniya. “Wear them, we have a party to attend.”

Sinipat ni Shivani ang laman ng paper bag. Ang isa ay kaswal na damit at ang isa naman ay sapatos. “Pero maraming gagawin sa kitchen,” aniya.

“Mas importante ito. Don't worry, walang bawas ang sweldo mo.”

Nag-aatubili parin siya. “Kahit na, staff niyo ako rito kaya—”

“You'll be my date tonight, be a darling.”

Alanganing ngiti ang ipinukol niya sa binata. Nakita ang ang pagiging desidido nito. Aangal pa ba siya? Ngayon lang siya inanyayahan sa date. “Sandali, pumayag ba akong maging ka-date mo?” Gusto niya lang subukin ang pasensya nito.

“Do I need to ask permission?” Mariin siyang tinitigan ni Zy. Gusto niyang matakot sa ginagawa nito subalit umaayaw ang isang bahagi ng isip niya. She really found him amusing. “You'll be my date and that is final.” 

She raised her chin in defiance. “Pagbibigyan kita ngayon, pero sa susunod na gagawin mo ito ay hindi na ako papayag. You have to ask permission first, lalo na kung naabala mo ang trabaho ko!”

San Lazarus Series #2: Maybe, One DayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon