Chapter 18

10 3 0
                                    

CHAPTER 18

SA baba ng tree house ay naabutan niya si Zyair na nag-ayos ng basket. Pasimpling sinilip niya ang laman niyon. She can’t be wrong; it must be their lunch. Banayad niyang tinapik ang balikat ng binata para kunin ang atensyon nito. He smiled as he turned to face her.

Gaya ng nais nito ay sinuot niya ang mga damit, kung damit bang matatawag iyon. Ang kaniyang pasa ay tinapalan ng waterproof na concealer, hoping they’ll do their job perfectly. Bukod doon ay nagdala rin siya ng shawl. Sana lang ay umayon sa kaniya ang pagkakataon.

Zyair glanced at her for a moment. Nasa mga mata nito ang pagkabigla at amusement. He didn’t know, Shivani would be this stunning and beautiful. Iwinawagay-way ng hangin ang mapula nitong buhok. Kagaya ng una niya itong masilayan sa kanilang Villa, tila may dumaklot sa kaniyang puso nang matitigan ang dalagitang si Shivani. The innocent youngster. Kahit titigan niya ito nang matagal ay hinding-hindi siya magsasawa. And that moment, Zyair promised to himself; Shivani will be his, even if it takes forever.

Hindi niya makalimutan ang unang sandaling nasilayan niya ang dalaga sa kanilang Villa. She was holding a bunch of fresh flowers from their garden. Naglalakad itong mag-isa sa pasilyo at tila may hinahanap. It was only two meters apart, they stop and glanced at each other. Parang huminto sa pag-inog ang oras. Pareho silang nakatayo sa gitna ng pasilyo habang nakatitig sa isa’t isa. Zyair was intrigued by this young lady. Gusto niyang sitahin ito dahil sa walang pasabing pamimitas ng bulaklak sa kanilang harden. But he found no word to utter.

“Kuya, nasaan po si ma’am Cath? Ibibigay ko lang po sana itong pinamitas kong bulaklak.”

But there’s no response from him. Instead, he went back to his room and locked it. His heart was pounding loud and fast. Nabibingi siya sa ingay na ginagawa ng kaniyang puso. Hindi niya maintindihan kung kinakabahan ba siya o nagagalit. He was sweating! For goddamn sake, he was nineteen at ngayon niya pa nadama ang kakaibang bagay na iyon. Though he had a fair share of girls. Katunayan ay kahihiwalay niya pa lamang sa bagong kasintahan at naroon siya sa Villa para magbakasyon at makalimot. Pero wala pang isang araw ay nakadama na naman siya ng silakbo ng damdamin.

Nang araw ding iyon, nalaman niya kay Carlos ang tungkol kay Shivani. And she was twelve for heaven’s sake! Gusto niyang kalimutan ang tungkol kay Shivani subalit nang sumasapit ang bakasyon ay araw-araw niya itong hinahanap at hinihintay sa mansyon. Hoping that she would be there, holding a bunch of flowers again. Only to find out na hindi na ito nagpupunta roon dahil nag-resign na sa trabaho si Edgar at Celeste. He had the urge to find her, at mula sa malayo ay pinagmamasdan niya itong namumulot ng shell sa Concha Marina kasama ang kapatid na si Brielle.

He smiled at the thought that his sister has a connection with that young red hair. He kept his distance, though every day his love had grown strong. Kaya isang araw naglakas-loob siyang kausapin si Edgar. Subalit kabaliktaran ang nangyari.

“Zy, napapansin kong iba ang tinging ipinupukol mo sa anak ko. Alam ko ang ibig sabihin ng mga tinging iyon. May gusto ka sa anak ko,” ani Edgar. Naroon sila sa bangka nito habang tinatanaw si Shivani na nagtatahi ng lambat kasama si Celeste.

Humugot ng malalim na hininga si Zyair bago magsalita. “Kapangahasan man kung ito’y aking sasabihin, subalit mahal ko po ang anak niyo. Sir Edgar, alam kong malaki ang agwat ng aking edad subalit hindi po iyon naging hadlang para umibig kay Shivani. Hindi niya po alam, at naghihintay rin po ako ng tamang pagkakataon para sabihin sa kaniya,” buong tapang na wika ni Zyair.

Sandaling natahimik si Edgar. Naroon parin ang tingin kay Shivani, subalit tantiya ni Zy ay may malalim itong iniisip. Gusto niyang kabahan sa anumang sasabihin nito, subalit handa siyang tanggapin anuman iyon.

“Ingatan mo ang anak ko,” muni ni Edgar at tumayo.

Zyair was stunned for a moment. Hindi kaagad nag-sink in sa kaniyang utak ang narinig. “Ho?”

Lumingon si Edgar at ngumiti. “Pinalaki kang mabuting tao ng mga magulang mo at alam kong iingatan mo ang anak ko. Ipangako mo sa akin iyan, Zy.”

“Of course, Sir. I promised,” aniya at malgiliw na kinamayan si Edgar. Labis-labis ang tuwang nadama ni Zy sa mga sandaling iyon. It was like heaven answered his prayer. Ngunit ang katuwaang iyon ay agad ring napawi nang mabalitaang lumubog ang San Lazarus 001, kasama sa nasawi ang pamilya ni Shivani. A week after he had Edgar’s blessing. At sa mga panahong iyon ay wala siya para damayan ang dalaga.  Hindi na rin siya muling nakabalik sa isla dahil kasalukuyan siyang nag-aaral sa koleheyo. His schedule was demanding, dahil bukod sa pag-aaral ay katuwang rin siya ni Carlos sa pagpapatakbo ng bagong negosyo sa Manila. 

Naibinta na rin ang mansyon sa San Lazarus, at lahat sila ay naninirahan sa Manila bukod kay Brielle na nag-paiwan sa isla dahil sa may itinayo rin nitong coffee shop—ang Tap Tea. Wala na siyang balita kay Shivani. Hindi niya kinalimutan ang dalaga, he only holds his promise kahit walang kasiguraduhan.

He waited for four years. At sa ikalawang pagkakataon ay nagtagpong muli ang kanilang landas sa port ng San Lazarus. May lambong ang mga mata nito habang dala-dala ang bungkos ng mga bulaklak. Death anniversary ng magulang nito, at naroon ito sa port. Surely, she was there to reminisce the memories of her parents. Matapos ang apat na taon ay ngayon niya lamang nadamayan ang dalaga sa pagdadalamhati. And still, it wasn’t enough. He wants to be close to her, comfort her subalit nanatili ang distansya sa pagitan nila. He stood there, silently watching the seventeen-year-old Shivani.

The time still not right. Again, he waited. Kaya nagpagdesisyunan niyang magpatayo ng beach retreat sa San Andres. Doon na siya nanatili at naghintay. And then he happened to meet Shivani again. He knew, this was the right time.

“Zy, ayos ka lang?”

He snapped as he felt her hands gently squeezed his. “I’m alright. Pasensya na, bigla ko lang naalala ang unang araw na nakita kita sa mansyon,” aniya at ngumiti.

Ikiniling ni Shivani ang ulo niya at malamlam itong tinitigan. Kaya ba pamilyar si Zy dahil miminsan na silang nagkita? “I’m sorry pero wala akong gaanong naaalala, it’s just that I erased some of my memories,” aniya.

Sa basket ay may dinampot si Zy na pumpon ng orchid. Inabot nito sa kaniyang kamay at pinagsiklop iyon. “That’s how we met. It doesn’t matter if you don’t remember me, ang mahalaga ay ang ngayon.” He cocked his head and his smile widened slowly as he leans closer.

Tumaas ang kamay ni Zy patungo sa kaniyang batok at banayad siyang kinabig. Then he bent his head, reaching for her lips. Shivani felt an intense wave of pleasure pass through her body. She responded hungrily. Saglit lamang iyon ngunit napukaw kaagad ang kakaibang damdamin sa pagkatao niya. 

He groaned inwardly as he ended the kiss. Kailangan niyang kontrolin ang sarili. He respected this woman so much, at hindi niya babaliin ang sinumpaang pangako sa yuamong ama nito. Dahil kung siya ang masusunod, he would probably take her.

He held her close against his chest. He breath in the rose scent of her shampoo, tasted the wavey strand of her red hair. It feels so right to have her close, feeling her soft, silky skin.

Atubili niyang pinakawalan ang dalaga. “Tara na, baka maiwan tayo ng bangka,” aniya at hinawakan ang kamay nito.

San Lazarus Series #2: Maybe, One DayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon