Chapter 21

6 3 0
                                    

CHAPTER 21

MULA sa veranda ay tahimik na pinagmamasdan ni Shivani ang pagsikat ng araw. Hawak-hawak niya ang nangangalahating tasa ng kape at panaka-nakang sinisimsim iyon. Kung tutuusin ay pareho lamang ang itsura ng araw palubog man o pagsikat, it was just the connotation is different. Tinatamasa niya rin ang pagkakataong nasisilayan ang araw at ang magandang tanawing iyon.

Para bang nasa ilalim siya ng napakagandang panaginip. If wishes do come true, sana matupad ang hiling niyang huwag nang magising sa katotohanan at mananatili siyang nakakulong sa paraisong iyon kasama si Zyair.

Speaking of, hindi niya nasilayan ang nobyo nang bumaba siya sa kitchen para magtimpla ng kape. Nilingon niya ang silid ng binata. Tantiya niya’y tulog pa ito. She shrugged her shoulder. Pagkuwa’y kinapa niya ang cell phone sa bulsa ng kaniyang walking short at sinipat ang text messages mula kay Henry, reminding her the schedule of her chemotherapy. Agad niyang binura ang mga iyon at ibinalik sa bulsa ang cell phone.

“Shivani?” boses ni Zyair mula sa kaniyang likuran.

Hindi kaagad makakibo si Shivani. She composed herself bago humarap sa binata. “Zy, good morning,” magsila niyang bati sa binata. Kapuna-puna ang bihis nito and she started to wonder. “Ang aga mo namang maligo, may lakad ka?”

He bit his lips and took a step forward. “I have something to tell you, pero bago ‘yan, mag-breakfast muna tayo. I prepared a continental dish.” Umakbay ito sa kaniya at giniya pababa sa dining hall. Kinuha nito sa kaniyang kamay ang mug at pinaghila ng upuan. The same spot last night. Kasama rin nila sa hapag si Carlos.

“Good morning, po…” bati niya. Bumati rin ito. It’s still six in the morning subalit bihis na bihis ang dalawa. May lakad sigurong pupuntahan. “Si Brielle po?” puna niya.

Zy cleared his mouth bago magsalita. “Nauna nang bumalik sa sentro…” sagot nito.

Shivani sighed in dismay. Umiiwas ang kaniyang kaibigan, nahahalata niya iyon. Kailangan niya itong makausap, maghahanap lang muna siya ng tyempo. 

Nagsimula na siyang kumain nang magsalita si Carlos. “Ipahanda mo na ang sasakyan, aalis na tayo in a few minutes.” Tumayo ito at nagtungo sa Cabana. Kanina pa niya napuna ang pagiging tahimik nito. Hindi rin ginalaw ni Carlos ang kaniyang pagkain at panay ang tingin sa telepono.

Umangat ang tingin ni Shivani kay Zyair. Kunot-noo niya itong tinitigan, at naghihintay sa sasabihin ng binata.

“May kailangang ayusin roon sa Manila…” he said formally.

Ibinalik ni Shivani ang tingin sa pagkain, subalit nawalan na siya ng gana. Sa tabi ng plato ay naroon ang kaniyang instant coffee na nanlalamig na. Dinampot niya iyon at uminom. She can’t hide her disappointment. Ang akala niya ay makakasama niya ulit si Zy sa buong maghapon. Kay bilis nga naman ng panahon.

“Finished your food, and prepare yourself. Isasama kita roon,” dagdag nito na halos ikalundag ng puso ni Shivani sa pagkabigla. Napaawang ang kaniyang labi at wala sa loob na itinuro ang sarili.

“Isasama mo ako roon?” ulit niya.

“Yes,” he reprimanded.

Tumayo ito kaya tumayo na rin si Shivani at sinundan ang binata. “Sure kang isasama mo ako? Baka makaabala lang ako sa gagawin niyo. At saka mukhang importante iyan, maaari bang dito nalang ako?”

Hindi siya pwedeng maisama sa lakad na iyon. May schedule na siya sa chemo at hindi siya dapat tumapyas. Buhay niya ang nakasalalay roon.

Zyair turned his back instantly and gazed at her. “Anong gagawin mo rito? Mangingisda mag-isa? No, you’re coming with me and it’s final. Ayokong maiwan kang mag-isa rito sa isla. Besides, sasama si Brielle and you girls can have your lady thing in Manila.”

Umakyat ito sa hagdan at sumunod si Shivani. Kailangan niyang mag-isip ng mga palusot! “Eh naiwan sa apartment ni Brielle ang mga gamit ko!”

“Dadaanan natin,” sagot ni Zyair at pumasok sa sariling silid. Napapadyak na lamang si Shivani. Paroo’t parito ang kaniyang lakad. Nag-iisip ng kung ano-anong pwedeng idahilan. She bit her lip at nagmartsa patungo sa kaniyang silid.

“Hindi pwede ‘to!” ungos niya at nagtipa sa keyboard ng cell phone. Ilang ring muna bago sagutin ni Brielle. “Bree, kailangan ko ng tulong,” naghihesterya niyang saad.

“Anong tulong? May masama bang nangyari?” anito mula sa kabilang linya.

“Ano kasi, si Zyair isasama ako sa Manila, eh bukas na ang schedule ng chemo ko. Anong gagawin ko?” sinadya niyang hinaan ang boses, naging maingat baka marinig ng kung sinuman ang nasa labas ng silid.

“Sama ka papunta rito sa apartment, ako na ang bahala sa’yo,” and she ended the call.

“Shivani?”

Humugot ng malalim na hininga si Shivani bago ito pagbuksan ng pinto. Pilit na ngiti ang iginawad niya sa binata. “Z-zy.” 

He extends his hands, reaching for her. “Let’s go.” Hinila siya nito pababa ng hagdan. Shivani put her mind at ease dahil alam niyang may plano si Brielle. Sa loob ng van ay naroon si Carlos, ginawaran siya nito ng ngiti.

“You’re finally coming back to Manila, after a long year, Shivani…”

Nagkabuhol-buhol ang dila ni Shivani. She can’t find an exact word to response, dahil wala naman talaga siyang planong bumalik roon lalo na ngayong may sakit siya. Mas importante iyon. Tahimik lamang siya at naupo sa back seat. Mabuti na lamang at nasa passenger seat si Carlos at si Zyair ang nagmamaneho.

Wala pang isang oras ay narating na nila ang apartment ni Brielle. Nasa labas ito ng gate at naghihintay. Ibinaba ni Zyair ang wind shield at sumungaw roon.

“Bakit hindi ka pa bihis?” tanong nito. Ngunit bago ito sumagot ay binuksan ng dalaga ang back seat at bumaba roon si Shivani. Nalilitong tiningnan ni Zyair ang dalawa. “What’s this?”

Kiming na ngumiti si Brielle. Mahigpit nitong ninawakan ang kamay ni Shivani. “We’re sorry to inform you na hindi kami sasama ni Shivani ngayon sa inyo. May event kasing gaganapin sa Tap Tea and I need Shivani’s help. Pwede naman kaming sumunod na lang sa inyo next week.”

Bumaling si Zyair kay Carlos na noon rin ay nakatingin sa kanila at nakikinig. “Let them be, Zyair. Mahuhuli na tayo sa meeting kung kakastiguhin pa natin iyang kapatid mo,” pinal nitong wika at ibinalik sa Ipod ang pansin.

Mabigat na buntong-hinga ang pinakawalan ni Zyair. Pinasadahan nito ng tingin si Shivani at bumaba. Bahagya siya nitong hinila palayo. Mahigpit nitong hinawakan ang magkabila niyang kamay at malamlam siyang tiningnan. “Aasahan kita sa Manila, Shivani. Maghihintay ako,” anito sa malalim na boses. Ginagap nito ang kaniyang ulo at dinala sa labi ng binata. He gently kissed her temple.

Kusang pumikit ang mga mata ni Shivani. All of a sudden, she felt nothing but assurance and comfort. Nawalang parang bula ang kaniyang pag-aalala na kani-kanila lang ay lumukob sa kaniyang pagkatao.

“Ingat kayo ni Sir Carlos, at saka tatawagan ka rin namin ni Brielle,” aniya at matamis na ngumiti.

Matapos niyon ay bumalik si Zyair sa van. They bid their good byes and left. Hinatid-tanaw na lamang ng dalawa ang papalayong sasakyan hanggang sa mawala na ito sa kanilang paningin.

Saglit na katahimikan ang bumalot sa paligid. Naroon sa puso ni Shivani ang katuwaang hindi na niya kailangang itago ang nararamdaman. Hindi na siya mag-aaksaya ng oras para itago ang mga pasa sa kaniyang katawan. Subalit may bahagi ng puso niya ang nasasaktan. Kay dali namang bawiin ng tadhana ang kasiyahang nadama niya.

“Be strong, he’ll be gone for months and so,” untag ni Brielle. Napabaling ng tingin si Shivani para kumpirmahin ang narinig. “Take that time to treat your illness, Shivani. Tutulungan kita, sasamahan kita…” Sandali siyang tinitigan nito at mapait na ngumiti. “Hindi ko natulungan si Ate Monique sa kaniyang problema noon dahil wala akong alam ay ayaw niyang ipaalam, but now that I have this chance to help you, umaasa akong hindi mo ipagkakait iyon.”

San Lazarus Series #2: Maybe, One DayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon