Chapter 19

9 3 0
                                    

CHAPTER 19

SHIVANI never thought that she enjoyed spending her time with Zyair. Hinamon niya ito sa pamimingwit, at hindi siya nagpatalo. Dati pa man ay isinasama siya ni Edgar sa laot para mamingwit, and used that as her advantage.

Napasuntok siya sa hangin nang maramdamang may kumagat sa pain niya. “Pang-tatlo na ‘to!” she proudly say. Siya na rin mismo ang nagtanggal ng hook sa bibig ng isda. “Isang kilo na, pwede nang ulamin,” patuloy niya.

Zyair shrugged his shoulder and stared at her with amusement. Kung ang ibang babae pa ang sinama niya sa laot ay tiyak na magtitili sa takot. Even Monique who scream out loud, nang minsang sumama sa kanila ni Brielle na mamingwit. Panay ang duwal nito nang ihinto ang makina ng pumpboat. Shivani did the otherwise, nai-enjoy nito ang ginagawa.

“Sir Edgar trained you well,” muni niya at sinipat ang kaniyang maliit na timba. Isa pa lamang ang laman subalit Malaki iyon kumpara sa nahuhuli ni Shivani.

“Ano pa at naging anak ako ng mangingisda.”

May nahimigan siyang lungkot sa boses nito. He wanted to take back what he said subalit nauntol iyon nang ngumiting muli si Shivani. Nakahuli na naman ito. “Alright, you never let me win,” aniya at kinuha sa kamay nito ang pamingwit. “Let’s go back to shore, masiyado nang mainit dito sa laot,” patuloy niya habang tinatanggal ang hook sa bibig ng isda.

PASADO alas dos na ng hapon nang makabalik sila sa baybayin. Dala-dala niya ang box na may lamang isda. Nauna siyang nagtungo sa villa para lutuin ang mga iyon.

“Ay nako, Shivani naman, ako na diyan at baka masugatan ka.” Binawi ni Lilet ang kutsilyong hawak niya. “Kapag nalaman ito ni Sir, ay talagang mapapagalitan ako,” patuloy nito at hiniwa ang isda.

“Gusto ko sanang ipagluto ng hapunan si Zy,” aniya.

Nahinto sa paghihiwa si Lilet at tumingin sa kaniya. “Sabi ko na nga ba. May something sa inyo, eh. Napaka swerte mo, iba kung magmahal si Sir,” at pinagpatuloy nito ang ginagawa. “Sa mga kapatid nga, kaya niyang ibigay ang mundo, sa kasintahan pa kaya?”

Shivani was enticed with what she heard. She wanted to know more about Zyair. Sa mga kwento pa lamang ng iilan ay humahanga na siya, paano pa kaya kung masasaksihan niya iyon.

She was about to utter a word nang marinig niyang tinatawag siya ng binata. Naglakad ito papalapit sa kanila nang malingunan niya. “Iwan mo muna ang mga isda mo kay Lilet,” anito sa nagbibirong tinig. “Your fish is in good hands,” pagkuwa’y kumindat ito kay Lilet.

“Yes Sir,” nakuha pa nitong sumaludo kay Zyair.

Hinila siya nito papaalis sa kitchen at nagtungo sa kwadra ng mga kabayo. Her heart flip at the excitement she felt. She never been this close to horses. Natatakot siyang kinakabahan habang humahakbang papalapit sa isa sa mga kabayo. Ang unang napansin ng kaniyang mga mata ay ang puting kabayo.

“Want to ride that?” tanong ni Zy.

Ride? Halos lumukso ang kaniyang puso sa tuwa. At last, masusubukan na rin niyang sumakay sa kabayo. Iyon ang panghuling nakalista sa kaniyang bucket list. “Pangarap ko lang ito noon…” muni niya. Hesitantly, she extends her hand. Nanginginig ang kaniyang kamay dahil baka ay kagatin iyon ng kabayo. Ngunit sa pagkabigla niya’y ang kabayo mismo ang lumapit at dinilaan ang kaniyang kamay. It was a simple gesture, yet she fluttered. Napakaamo ng kabayong iyon. “Gusto kong subukan,” dagdag niya.

Inilabas ni Zyair sa kwadra si Moon, iyon ang pangalan ng kabayo dahil pagmamay-ari iyon ni Monique. Nilagyan niya iyon ng renda at tinulungan siyang makasampa sa likod ng kabayo.

“Hold tight,” saka nito tinapik ang hita ng kabayo.

Agad siyang kumapit sa renda nang magsimula itong maglakad. Hindi mapawi ang ngiti sa labi ni Shivani. Walang mapagsidlan ang katuwaang nadarama. This is the life she wanted. Spending her time with no worries, and there’s Zy who spoiled her with everything. Hila-hila nito ang kabayo habang naglalakad sila sa dalampasigan.

They walk for an hour. Hindi rin naman nagreklamo si Moon. Para bang nakikiayon rin ang kabayo sa moment nila.

Narating nila ang mabatong bahagi ng isla. Doon nagpasyang bumaba si Shivani para mamulot ng kung ano-anong uri ng bato at shells na makikita. Itinali ni Zyair si Moon sa sanga ng malaking mangrove.

Mula sa pinagtalian kay Moon ay nakangiting pinagmasdan ni Zyair ang dalaga. She was enjoying. Hindi na mabura ang nakapintang ngiti sa labi nito. As if, he was watching the sunset in the east. Puno ng paghanga at pagmamahal. Who knows, his day would be this special.

Moon whines.

Marahang natawa si Zyair at tinapik ang pisngi ng kabayo. “I’ve finally found the one, Monique…” umingit muli ang kabayo. “Yeah, I know, the long wait is over. Thank you for rooting for me. And I can move one from you at last,” aniya at nilapitan ang dalaga.

“Ayos lang ba si Moon?” pansin ni Shivani. Parehong nilingon ng dalawa ang kabayo, panay ang ingit nito at pinagsisipa ang buhangin. “Napagod yata sa paglalakad,” dagdag niya nang may pag-aalala sa tinig.

“She’s alright…” anito at niyakag siya. “I have something to show you,” he added.

Naglakad sila papalibot sa mabatong bangin. Zyair was assisting her not to fall down or slip. Matutulis ang mga bato, mabuti na lang ay may suot siyang flip flop. “Saan ba tayo patutungo?” she wondered. Panay ang kaniyang paglingon, hindi na niya makita ang pinaglagyan ng kabayo dahil paliko ang bahaging iyon. Ang inalala niya pa ay tumataas na ang tubig at nababasa na ang laylayan ng kaniyang damit.

At last, they stopped. Zyair whispered. “Look up.”

Literal na napanganga si Shivani sa nakikita. The rock formation took her breath away at sa tuktok nito ay may mga tumubong kahoy. Mataas ang kinalalagyan ng mga iyon. Nakamamangha ang tanawing nakikita. It was a treasure of San Lazarus. Noon ay sa mga larawan niya lamang iyon nakikita, pero ngayon, heto at nasa harapan na niya.

“Amazing,” she mumbled.

Gusto pa sana niyang magtagal roon ngunit tumataas na ang tubig, kailangan na nilang bumalik sa baybayin. Umingit si Moon nang matanawan sila. Pareho silang sumampa sa likod ng kabayo habang binabaybay ang dalampasigan pabalik sa retreat house.

Isinandal niya ang sarili sa dibdib ng binata. Feeling his warm skin. Zyair wraps his arms around her waist, pulled her closer. She never thought, this could be such a good thing. Parang ang sarap sanayin ng kaniyang sariling maging komportable sa bisig nito. In every second, she can feel his skin if she wanted. Iyong may nasasandalan siya in her sunny and rainy moments. 

I wished I can stay longer.  Anang isip ni Shivani.

Marahang dumampi ang labi ni Zyair sa kaniyang balikat. “I love you to bits, sweetheart.”

Mariing ipinikit ni Shivani ang kaniyang mga mata upang palisin ang namumuong luha. Naroon parin ang takot sa kaniyang puso. At kahit nakatitiyak siya sa pagmamahal ni Zy, ay wala ring kasiguraduhan ang buhay niya. If only she holds her time, she will stay by his side, forever. Pero kailangan niyang bumalik sa reyalidad.

She’s happy and yet, she’s dying.

“Zy…” pansin niya. “Ano ba’ng mas masakit, iyong pinaghahandaan o ‘yong biglaan?”

“What do you mean?”

“Death,” walang gatol niyang sagot.

“Biglaan, katulad ng pagkawala ni Monique…” he sighed inwardly. “Ayokong pag-usapan ang ganiyang bagay, Shivani. I just want us to enjoy the day,” anito sa pormal na tinig.

Siguro nga, mas matatanggap mo kung biglaan ang lahat. Anang isip ni Shivani.

San Lazarus Series #2: Maybe, One DayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon