Chapter 23

7 3 0
                                    

CHAPTER 23

SHIVANI was peacefully watching a video in her phone. Si Brielle naman ay natutulog sa pang-isahang kama para sa mga watcher. Hindi agad ito nakatulog kagabi dahil sa paninibago. Maging siya ay pasado alas dos na ng madaling araw nakaidlip. Nanibago rin ang katawan niya sa ibinigay ng gamot ng doktor. Hindi rin siya gaanong nakakapagpahinga dahil sa maya’t mayang paglabas-masok ng ilang nurse para e-monitor siya. Istrikto sa oras. Iyon din ang kaniyang binabantayan bukod sa paubos na niyang dextrorotatory glucose. Isang bag pa lamang niyon ay ramdam niya ang pagbigat ng kaniyang timbang.

She sighed in relief dahil sa wakas ay dumating na ang kaniyang rasyong pagkain. Kanina pa siya nagugutom at hindi niya makuhang gisingin ang kasama. Mahimbing itong natutulog, nakasabog pa sa mukha ang buhok nito.

Dahan-dahan siyang gumalaw para bumaba sa kama. Dala ang balabal sa kaniyang kamay at lumapit kay Brielle. Maingat niyang kinumutan ang dalaga at inayos ang buhok nito. Maghuhurumentado ito kung malalamang hindi siya maayos at maganda kahit natutulog. She smiled at the thought. Brielle was being extra careful in her looks dahil ayaw nitong madatnan ng doktor sa ganoong itsura. And she’s doing her a favor.

“Shivani Quezada,” tawag ng lalaking nutritionist nadala ng kaniyang pagkain. She nodded and went back to her bed. Sinipat niya ang food pack at ang papel na naka-tape roon. Kung hindi siya nagkakamali ay pawang organic ang dapat niyang kainin. Nag-aalala siyang baka makadagdag iyon sa bayarin sa ospital. Mahal pa naman ang mga organic na gulay at karne sa isla.

Ingat na ingat siyang kumakain nang biglang tumunog ang kaniyang cell phone na nakalimutan niyang e-mute. Huli nan ang maabot niya ito para e-silent. Nagpupungas-pungas na si Brielle at napalinga sa paligid.

“Sorry,” she mouthed. Sinipat niya ang cell phone at halos mawalan ng kulay ang kaniyang mukha nang mabasa ang pangalan ng caller. “Si Zy, video call!” untag niya.

Dali-dali namang lumapit siya Brielle para balutin ang leeg ni Shivani ng balabal. Inayos nito ang kaniyang buhok in a messy way para magmukhang nasa bahay lang siya. She cleared her mouth bago pindutin ang answer button.

“Hi!” masiglang bungad niya sa kausap.

“Hey, red hair. Nasa Tap Tea pa ba kayo ngayon?” tanong nito. Tantiya nila’y naglalakad ito kaya magulo ang video ng binata. Kapansin-pansin rin ang ilang sasakyan sa background nito.

“Nasa bahay, kumakain, nag-movie marathon,” sagot ni Brielle at pinakita pa ang hawak nitong chicharon na hindi pa nabubuksan. “Tapos na yata ang meeting, kumusta naman?”

“Well, your brother did it again. It was a success kaya tutungo kami ni Papa sa restaurant, we’re celebrating. Sayang nga eh, dapat nandito kayo so that I can take you to everywhere you want, lalo na si Shivani…” nagkatinginan sila ni Brielle. May kung anong dumaang ekspresyon sa mga mata nito.

“Oh siya, pupunta lang ako sa kwarto para bigyan kayo ng privacy,” paalam nito. Napailing si Shivani nang tinutotoo nga ni Brielle ang lumabas ng silid. Sinadya pa nitong lakasan ang pagbukas-sara ng pinto. Knowing that in her apartment, maliit lamang ang espasyo, kaya malapit lamang ang kwarto sa salas at alam ni Zyair iyon.

Pagkuwa’y ibinalik ni Shivani ang atensyon sa kausap. Sadya niyang inilapit sa camera ang mukha para hindi nito maaninag ang kaniyang background. She even formed a wide smile on her lips. “Nako, isang araw lang na hindi tayo nagkita, na-miss mo na ako agad,” panunudyo niya.

Hindi parin pumapasok sa kotse si Zyair. “Is it my fault to miss you this much? Milay-milya ang layo natin sa isa’t isa and I’m worried for both of you. Ang bilis ng oras dito sa Manila, naninibago ako.” May bahid ng lungkot ang boses nito.

San Lazarus Series #2: Maybe, One DayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon