Chapter 22

6 3 0
                                    

CHAPTER 22

NANG hapon ding iyon ay dumiretso na sila sa San Lazarus Hospital kung saan siya magpapa-confine. Nasa emergency suite si Shivani habang nasa nurse station naman si Brielle at inaayos ang mga kakailanganin niya. May dalawang nurse ang lumapit sa kaniya, may dala itong thermometer at ilang aparato.

“Ma’am, check lang po namin ang vitals niyo,” mahinhing wika ng isa. Nagsimulang kinabitan si Shivani ng aparato para suriin ang kaniyang blood pressure. As she expected, mababa ang kaniyang dugo. Kinabitan rin siya ng dextrose sa kaliwang kamay. She bit her lip and firmly shut her eyes. Nakailang tusok na ng karayum ay hindi parin mahagilap ang kaniyang ugat. The nurse tried the vein connected to her thumb finger, doon ay may lumabas na dugo.

Ilang sandali pa ang lumipas ay bumalik ito na may dalang plastic bag na may lamang dextrose, kasunod nito ang isang nurse at health worker na lalaki tulak-tulak ang wheelchair.

Shivani smiled bitterly. For the next following days, makukulong na siya sa kaniyang kwarto, at hindi na niya muling masisilayan ang pagsibol ng araw sa silangan. Hindi na niya maamoy ang maalat na hangin mula sa karagatan. Hindi na niya makikita ang mga ibong lumilipad sa himpapawid.

For the time being, she’ll be imprisoned. She heaves a deep sigh bago sumakay sa wheelchair. Nagsimula nitong itulak ang sildyang de gulong nang marinig nila ang boses sa entrance ng hospital.

“Shivani!”

“Henry?” nagtatakang-tanong ni Brielle. “Why you’re here?” dagdag nito.

Imbes na sugutin ang tanong ng dalaga ay nagtanong ito pabalik. “Am I not supposed to be here?” bumaling ito ng tingin kay Shivani. It was as if the question was meant for her.

Bago sumagot ay tiningala ni Shivani si Brielle. Napansin niya ang pagdaan ng pait at sakit sa mga mata nito habang nakatitig kay Henry. Naiintindihan niya iyon. “H-Henry, maaari bang si Brielle na muna?”

Napakurap ng ilang beses ang binata bago humakbang paatras. He only made one step. “Alright, I fully understand…” anito sa mahinahong tinig. Pagkuwa’y ngumiti ito. “If you need help, don’t hesitate to call me,” dagdag nito bago tuluyang lumabas sa exit. Nang mawala ito sa kanilang paningin ay narinig niya ang pagbuntong-hinga ni Brielle.

“Tara na po,” muni ni Brielle.

Muling itinulak ng lalaki ang wheelchair paakyat sa ikatlong palapag ng gusali. Pumasok sila sa eksaktong silid kung saan rin siya na-confine nitong nakaraang linggo. Sa bintana ay tanaw niya ang nagkulay-abong kalangitan. Palubog na ang araw, at nakatitiyak siyang nasa laot na si Zyair at Sir Carlos. Silently, she prayed for their safety.

“Dito po muna kayo for monitoring,” muni ng nurse bago muling lumabas sa silid. Nakaayos na rin ang kaniyang higaan. Si Brielle ay nag-aayos rin ng gamit sa mini closet na naroon.

Lumipas ang ilang saglit ay nakatitig parin si Shivani sa kisame. Bukas ang lahat ng ilaw sa silid maging ang maingay na electric fan. Habang naghihintay sa kaniyang doktor ay nagsalita si Brielle. She almost forgets her.

“I can’t imagine my life living here, Shivani. Naiisip ko pa lang ay nanlulumo na ako, tiyak na hindi ko kakayanin.”

Mapait na ngiti ang namutawi sa bibig ni Shivani. “But you have no choice but to bear it in order to survive, Brielle. I’ve been here seven years ago, that moment I also said that to myself. Akala ko nga hindi ko kakayanin but I survived…” may luhang tumulo sa kaniyang mata kaya agad niya iyong pinunasan. “But I am here again,” aniya.

Inabot ni Brielle ang kaniyang kanang kamay at pinisil, offering her comfort and assurance. “See, you’ve been here kaya alam kong kakayanin mo. Shivani, kayanin mo ‘to para sa’kin, kay Zyair at sa lahat ng nagmamahal sa’yo.”

San Lazarus Series #2: Maybe, One DayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon