Chapter 7

5 4 0
                                    

CHAPTER 7

“So, ano nga ang tipo mong lalaki?” tanong ni Zyair habang nagmamaneho. Tinutumbok nila ngayon ang daan patungo sa lighthouse.

Tinigil ni Shivani ang pagkain ng suman na nabili nila sa daan kanina. Bigla siyang nag-crave niyon. “May takot sa Diyos, unang-una ‘yon sa listahan.” Aniya at muling kumagat ng suman. Kunot-noo niyang binalingan ng tingin ni Zy. “Kasi kapag God fearing ‘yong tao, total package na. Mabait, maalaga, selfless at mapagkakatiwalaan.” Dagdag niya pa.

“Taas ah,” komento ni Zyair.

“Bakit? Nahihirapan kang tumbasan ang standard ko sa lalaki? Kung kursunada mo ako’y tiyak na bagsak kana sa standard ko.” Nasa tono niya ang kasiguraduhang hindi siya nito liligawan. “Ikaw, anong tipo mong babae? Sure naman akong sa gwapo mong iyan ay marami kang naging girlfriend.”

Tumawa si Zy. “Marami talaga? Ano, nasa tatlo pa lang pero flings lang lahat.”

Napanguso siya roon. “Bakit hindi mo seneryoso?” tanong niya pa. 

“Edi sana kasal na ako ngayon.” 

Nagkibit-balikat siya. May punto naman si Zyair doon. She smiled in a mixture of amusement and curiosity. “Bakit hindi kapa magpakasal? Lagpas kana sa kalendaryo eh,” she just wants to make him talk about his personal life. Not that she’s too curious or what. “I’m sure rin naman may handang tumanggap ng pangalan mo.” Pabulong niyang wika ng huli.

“I want it to be you.” Kagyat na napalingon si Shivani kay Zyair. Kinukumperma kung tama ba ang kaniyang narinig. “You heard it right.” Ipinarada nito ang sasakyan sa ilalim ng matanda at malagong puno ng narra. Hindi na niya hinintay na pagbuksan pa siya ng pinto. Pagkababa ay bumungad sa kaniya ang nakakabighaning tanawin ng lighthouse. Ngayon niya lamang nakita ito sa malapitan. Ang lighthouse ay tinayo noong Japanese occupation sa Pilipinas, subalit makikitang inaalagaan parin ang lighthouse dahil bago pa ang pintura nito at malinis ang kapaligiran. Bukas iyon sa publiko kaya may iilang mga turista na naroon.

May matandang lalaki ang naglakad patungo sa kanila. Malapad ang ngiti nito habang kumakaway. “Sir Zy, napadalaw ho kayo. Magtitirik po ba kayo ng kandila?” tanong nito. Nang mamataan siya ay lalo itong ngumiti. “May kasama pala kayo. Tuloy po kayo.” Anito at pinagbuksan sila ng gate.

“Si Mang Tasyo, ang caretaker ng parola.” Pagpapakilala nito. 

Magiliw na inabot ng matanda ang kaniyang kamay. Malugod naman niya iyong tinanggap at nagpakilala. “Napakagandang binibini. O siya, kukuha lang ako ng posporo at kandila.” Anito at naunang naglakad.

“Para kanino?” tanong ni Shivani. Sinundan niya itong naglakad patungo sa bakod na metal, ipinatong nito ang braso sa barandilya at naghugot ng malalim na hininga. Nakatanaw si Zyair sa karagatan. Maaliwalas ang panahon subalit malalaki ang alon na humahampas sa mabatong bangin.

“Kay Monique.” Tumingala ito sa parola, doon may nakapalibot na balkonahe sa pinakatuktok. Agad na nahulaan ni Shivani ang ibig-sabihin ni Zyair. Muli nitong ibinalik ang tingin sa karagatan ngunit natitiyak niyang wala roon ang isip ng binata kundi sa yumaong kapatid. “I never thought she would jump, iba talaga ang nagagawa ng depression.” Muni nito nang may bahid na pait sa tinig. Gusto niyang damayan ito sa pamimighati ngunit hindi niya alam kung paano. Gusto niyang magsalita pero wala siyang maisip na sasabihin.

Lumapit si Mang Tasyo na may dalang tatlong kandila, lighter at parihabang tabla. “Hindi niyo po yata kasama si Ma’am Brielle ngayon. Hindi na iyon dumalaw nang manirahan sa sentro.” Saad ng matanda nang pagbuksan sila ng gate pababa sa mabatong bangin. Walang hagdan kaya sa matutulis na bato sila bumababa. Naunang bumaba si Zy, napakadali lamang para rito ang bumaba dahil patalon-talon ito sa bato. Maling hakbang ay tiyak na matatalisod, kaya napakapit si Shivani sa mga sanga ng mangrove. “Dahan-dahan po,” si Mang Tasyo na umalalay sa kaniya.

“She’s moving on, I guess. Salamat nga po pala dito.” Wika ni Zy nang makababa na sila. Tumango si Mang Tasyo na nanatili nakaupo sa malaking ugat ng mangrove. Nakatuntong sila sa malapad na bato, may bakas roon ng upos na kandila. Basa ang bato dahil sa alon. Nagsindi si Zy ng kandila at itinirik niya iyon sa tabla bago ilapag sa bato. “Sana’y mapayapa na ngayon si Monique at ang batang dinadala niya, maging ang Mama.”

“Nakikiramay ako, Zy.” Aniya.

“Sa batong ito namin natagpuan si Monique, lifeless. Nang malaman ni Mama ang nangyari ay inatake sa puso. We are all devastated dahil hindi namin inakala na tatlong buhay agad ang mawawala sa amin. Sinisisi ko ang sarili ko, at hanggang ngayon kinakain parin ako ng guilt ko. Buhay pa sana sila kung hindi dahil sa’kin.”

“Wala ka namang kasalanan sa kung ano man ang nangyari. Biktima lang si Monique ng maling pagkakataon. At saka, sure akong masaya na siya kasama ang baby niya at Mama mo. Huwag mo nang sisihin ang sarili mo, hindi iyan magugustuhan ng Mama mo. Kung nandito lang ‘yon tiyak na sasabihin niya rin ang mga sinabi ko.”

Binalingan siya ni Zy ng kunot-noong tingin. “How sure are you?”

“Hundred percent sure. Kaya sana pakawalan mo na ang sarili mo. Try to move on, gawin mo iyon for you and for them.”

“What about you? Did you move on?” makahulugang wika ni Zy.

Sunod-sunod na tango ang ginawa ni Shivani. “Naka-move on na ako matagal na pero hindi ibig sabihin niyon ay kinalimutan ko na sila. Hanggang buhay pa ako ay mananatili sila rito.” Sabay turo sa kaniyang kaliwang dibdib.

“Speaking of, may space pa ba diyan for me?” Ikiniling ni Shivani ang ulo. Ayaw niyang umasa subalit pinangungunahan siya nito. “Sana ay mayroon. I am taking my chance on you. Sana ay hahayaan mo ako.”

“Manliligaw ka? Abot mo ba ‘yong standard ko?” aniya sa naghahamong tinig.

“I may not, but I’ll try.”

“Naks! Pero, ipangako mo sa’king hindi mo babaguhin ang sarili mo para lang maabot ang standard ko. It’s up to me naman kung tatanggapin kita or hindi. So, go on. Take your chance, and face the consequences.” Naghahamong wika niya.

Malapad na ngiti ang gumitaw sa labi ni Zyair. Sure, he’ll take his chance at hindi niya hahayaang masayang iyon. “Wala ng bawian iyan,”

Sunod-sunod na iling ang ginawa ni Shivani. “Wala ng bawian. O siya, ipasyal mo na rito sa buong isla ng San Lazarus. Ngayon ko lang kasi maranasang mai-tour ng isang Zyair Villeza.” Nauna siyang umakyat sa pabalik sa lighthouse. Si Mang Tasyo naman ay napailing habang pinagmamasdan ang dalawa.

Umakyat silang pareho sa mismong ilawan ng lighthouse. Mayroong tila balcony na nakapalibot roon. Sinamyo ni Shivani ang mabining hampas ng hangin sa kaniyang mukha. Tanaw niya ang malawak na karagatan. “Ngayon lang ako nakapunta rito, kahit pa dito na ako sa San Lazarus nagkaisip.” Turan niya.

“Why?”

“Busy ako sa study, then, hindi ako pinapayagan ni Tiya Milagros na gumala o maging tour guide man lang. Pagtuntong ko sa koleheyo ay naging working student ako, so, wala akong time gumala. Besides, kailangan ko ng maraming pera para panggatos sa gala.” Paliwanag niya. Almost half of her life hindi niya nakita ang buong isla ng San Lazarus. Kung anong yaman mayroon ang kinalakhang isla.

“Kawawa ka pala,” biro nito sabay tawa.

Naningkit ang mga mata ni Shivani, subalit hindi niya makapa sa sarili ang inis para kay Zyair. “Sana magsisi kang manligaw sa akin, wala akong alam sa mundo at hampas lupa lang ako.” Ungos niya.

“It doesn’t matter to me. You don’t have to know about everything, and you’re not hampas lupa. We have different path and timelines.”

Hindi niya alam kung maaasiwa ba siya o matatawa sa pagiging conyo ni Zyair. Ang arte nitong magsalita ng slang. “Ang cute ng ‘you’re not hampas lupa’ mo, sabihin mo nga ulit ‘yon.” Ginaya pa nito ang accent ni Zyair. She laughs hard.

“Ayoko, pinagtatawanan mo na eh.” 

San Lazarus Series #2: Maybe, One DayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon