Chapter 9 ✅

646 23 11
                                    


Chapter 9

DAMINA LOVILY POV:

Hihiga na sana ako sa higaan ng may kakaiba akong napansin sa labas ng pintuan.

Anino ba yon? Sa gantong oras may tao pa ?Nagtataka kong tanong sa sarili ko.

Kaya dahan dahan akong bumangon at walang ingay na sumilip sa bintana upang makita kong ano ang nakita ko.

Pagsilip ko palang ay nakita kona agad ang isang anino ng lalaki na may binubuhos na kung ano sa labas ng bahay namin .

Malakas ang kutob ko na isa iyong gasolina kase sinong tanga naman ang magdidinig ng bahay hindi ba? Haha joke joke joke tumawa kayo sa joke ko .

Nagdahan dahan akong bumalik sa loob ng kwarto para kunin ang wallet at keypad na cellphone ko Incase of emergency lang .

Nagtytype palang ako kay nanay ng bigla na lamang bumukas ang pintuan at pumasok ang isang familiar na lalaki.

" Tingnan mo nga naman ang swerte ko at wala ang lalaki boyfriend mo !" nakangisi niyang sabi sabay mabilis na lumapit sakin at hinawakan ang balikat ko.

" Ano ba? Hindi ba ikaw yong kasama ng lalaking magnanakaw noong nakaraan? Bakit ka bumalik wala akong pera ? Ano ba?" sabi ko sa kanya sabay pilit na tinatanggal ang mga kamay na nakahawak sa balikat ko.

" Oo ako nga at talagang gaganti ako sa lalaking yon pero bago yon ikaw mona ang uunahin ko mukhang napagsawaan ka naman na ng lalaki na iyon kaya ako naman ngayon" nakangisi niyang sabi sabay pilit na pinupunit ang damit ko.

" Ano ba ? Wala ang lalaki na iyon dito sa bahay namin bakit ba ako ang binalikan mo eh hindi naman ako ang pumatay sa mga-- " napatigil ako sa pagsasalita ng bigla niya akong iuntog sa kanto ng higaan ko.

Nahilo ako sa ginawa niyang iyon pero nilalabanan kopa din ang nararamdaman kong sakit para lang makawala sa lalaking ito.

" Aba't malakas ka din ah pwesto itong sayo kanina pa ako naririndi sa kakadaldal mo ah pwede ba TUMAHIMIK KA AT MAGUGUSTUHAN MO ANG GAGAWIN NATIN" sigaw niyang sabi sakin sabay suntok sa tiyan ko , namilipit ako sa sakit na natanggap ko .

" Please parang awa mo na lage nalang kanito ang nangyayari sakin wala naman ako ginawang masama eh" umiiyak kong  sabi dito.

Pero parang wala lang sa kanya ang sinabi ko dahil natanggap niya na ang damit at dahan dahan na sanang aalisin ang short ko ng biglang bumukas ang pintuan .

" Sinasabi ko na nga ba tama ako ng hinala sayong hayop ka" sigaw ng babaeng kararating lang at pinagsusuntok ang lalaking nasa harap ko ngayon.

" Aba't sumunod kapa talaga dito , sawa na ako sayo hindi mo man lang ako mabigyan ng anak tatlong taon na taong mag-asawa" sagot naman ng lalaki sabay alis sa pagkakadagan sakin at hinawakan ang kamay ng babaeng asawa na umiiyak dahil sa masakit na sinabi niya dito.

"Akala ko ba naiintindihan mo ang setwasyon ko . Asawa kita eh dapat alam mo kong anong hirap ang sakit ang nararamdaman ko ng malaman kong hindi na ako mabubuntis " umiiyak niyang sabi sa asawa at natumba na lamang mabuti at nakahawak ang lalaking asawa .

" Ate may dugo sa legs niyo! " mahinang sabi ko dito sabay naman na napatingin ang dalawa sa tinuro ko.

" Ang anak natin h---indi " halos magsisigaw niyang sabi sa asawa .

"Buntis k--a? may baby na t---ayo?" halos hindi makagalaw na sabi ng lalaki sa asawang babae.

" Oo sabi ng doctor sakin himala daw ang pagbubuntis kong ito  isu-surprise sana kita eh ! pero ako pa ang nabigla sa ginagawa mo ngayon" umiiyak na sabi ng babae.

" Kailan na nating umalis lumalaki na ang apoy sa loob ng bahay namin , Kuya ano bang ginagawa mo buhatin mona ang asawa mo para madala sa hospital para masave ang baby niyo" kahit nanghihina ako ay dahan dahan akong tumayo at lumapit sa dalawa.

" Hindi ako aalis dito gusto kong mamatay kasama ang anak ko ,lumabas na kayo kong gusto niyo pang mabuhay pero ako hindi na siya ang buhay ko ang pangarap ko alam kong hindi na siya aabot pa sa hospital kaya gusto ko kasama ko siya hanggang sa huli " mahina ngunit matatag at seguradong sabi ng babae .

" Umalis kana iligtas mo ang sarili mo , patawarin mo ako sa ginawa ko sayo ngayon . Kung maibabalik ko lang sana ang lahat kasama ko sana ang magiging anak namin ng asawa ko kaya dito lang din ako sasamahan ko sila hanggang sa huli " sabay yakap sa asawang babae na nahiwatay na sa tabi nito dahil sa madaming dugo na nawala dito .

" Kuya baka maligtas pa sila ate" mahinang sabi ko dito pero tiningnan niya lamang ako ng malungkot at tumulo ang luha niyo.

" Lumabas kana habang may oras kapa , iligtas mona ang sarili mo hindi kita matutulungan dahil mas kailangan ako ng asawa ko ngayon kahit sa huling sandali lamang ay maramdaman niyang sobra akong nagsisisi sa ginawa ko ngayon " mahinang sabi nito at niyakap ng mahigpit ang asawang babae na wala ng buhay sa tabi nito.

Wala na akong nagawa at dahan dahang lumabas sa nasusunog na bahay saktong pag labas ko sa pinduan ay ang pag wasak ng apoy sa buong kabahayan kaya napadapa na lamang ako at dahan dahang gumapang para maiwasan ang init na dulot ng sunog.

Kahit hinang hina na ako at nahihilo ay pilit kopa din nilalabanan ang lahat ng ito dahil iniiisip ko si nanay na nag aantay sakin .

" N--nay! " huling salitang nasabi ko at dumilim na ang lahat ng nasa paligid ko.

Itutuloy...

 

#According to GOOGLE
#LEARNING

If a Fire Starts:

Know how to safely operate a fire extinguisher

Remember to GET OUT, STAY OUT and CALL 9-1-1 or your local emergency phone number.

Yell "Fire!" several times and go outside right away.


Notes:  Please visit ang read my one-shot stories on my Wattpad.

Thank you so much i hope na suportahan niyo din ako sa ibang mga gawa ko .

@Cjoy_Wp
2023

SPARE ME, BILLIONAIRE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon