Chapter 8
DAMINA LOVILY POV:
Tanghali na ako nagising ng araw na iyon nawala na din ang sakit ko medyo nanghihina nalang kaya napagdesisyonan kong maglakad sa labas at magpaaraw .
Napalingon ako sa gilid ng higaan kong andun pa ba ang lalaking yon pero wala na ito sa tabi ko napansin ko na lamang na may nakahandang mainit na pagkain sa maliit na lamesa sa gilid nito napansin ko din na mayroong nakadikit na sticky note kaya kinuha ko ito at binasa.
Good morning My Damina Lovily
Be good girl habang wala ako dahil alam mona manyayari pag hindi mo ako sinunod right? Ubosin mo lahat itong pagkaing niluto ko for you .
Stay safe and if there something wrong just call me I left my other phone in that table.
See you .
Sincerely,
Noeljan Vergara
Ano ba yan pati sa sulat sweet na sana eh may pagbabanta pa tapos sweet nanaman ang gulo din ng lalaki na to eh .
Pero napansin kong nakalagay na yong kompleto nitong pangalan .
Hindi ko namalayan nakangiti na pala ako habang paulit ulit na binibigkas ang pangalan niya. Napailing na lamang ako at sinumulang kainin ang mga pagkaing niluto niya para sakin.
At lumabas para makalanghap ng sariwang hangin sa labas ng bahay at naglakad lakad na din para magpapawis.
AFTER 5 HOURS...
Naghanda na ako para makapasok sa school 2 days na din kase akong absent kailangan ko ng mag habol sa lessons namin .
Malayo palang ay nakita kona ang bestfriend kong si Biaca Marie nakasimangot ito habang nakalagay sa bewang niya ang dalawa niyang kamay na parang nanay na galit .
Dahan dahan akong lumapit dito na parang bata na takot mapalo .
" Hehe hi bestfriend kong maganda ! Ang ganda ng araw noh Biaca Marie kaseng ganda mo po ," nakangiti kong sabi dito sabay baba ng dalawa nitong kamay sa gilid niya .
" Sus nambola kapa jan pero salamat alam kong maganda ako " sabi niya sabay lagay ng buhok sa gilid ng tenga niya, pabebe style yan haha.
" Madami nabang lessons ang nakaligtaan ko Biaca Marie?" nagaalala kong sabi dito dahil graduating students kami eh ayaw ko naman na maiwan sa graduation at hindi makaakyat sa stage pagnagkataon , oa na kong oa ganon ako eh .
" Oo ang dami na bestfriend kong absent subrang dami "sabi niya habang tinataas ang dalawang kamay para ipakita sakin kung gaano kalaki .
"Ala Biaca Marie pano na yan? Gagawa maba ako ng special project?" taranta kong sabi dito habang maluha luha na.
" OA mo naman bestfriend joke joke joke tatlo na yan matawa ka dapat ah hahahaha " sabay tawa nito sakin with hampas pa sa balikat ko.
"Aray ah Aray mas masakit pa hampas mo Biaca Marie nagawa mo pang magbiro loko ka talaga tara na nga at 5 minutes nalang start na ng klase" mahinang sabi ko dito at nauna ng pumasok sa room namin .
Sinabi niya sakin na wala naman ginawang masyado binigyan lang sila ng notes para may copy na kami next lesson dahil gumagawa at inaayus ng mga teachers namin yong grades kaya wag daw akong OA.
Medyo late nako nakauwi bumili pa kase ako ng kailangang project advance ko ng binili para maganda (bakit ba trip kong bilhin na eh haha).
Pagdating ko sa bahay ay wala ang maski anino ng lalaking si Noeljan (buti naman) nasa kona lang sa sarili ko.
Nagluto nalang ako ng hapunan ko at sinulat yong mga notes na kailangan ko next lessons namin pinahiram sakin ni Biaca Marie yong notes niya buti nalang hindi siya tamad haha.
Maya maya pa ay may narinig akong kaluskos agad akong kinabahan at dahang dahan lumapit sa bintana upang silipin kong ano yon.
Wala naman akong nakitang kakaiba pagsilip ko baka ligaw na hayop lang sabi ko sa sarili ko at bumalik na sa inuupoan ko kanina at muling nagsulat.
KINABAHAN...
Maaga akong nagising para maglinis sa loob at labas ng bahay mamayang 9 am pa naman next na klase ko.
Nagsimula kong ligpitin ang higaan ko at sinimulang linisin ang kusina, nilipat ko ng mga pwesto ang ibang gamit para maiba naman pagumuwi si nanay.
Nilinisan ko din sa labas ng bahay gunawa ako ng simpleng gulayan para if ever wala akong pera ay dito nalang ako kukuha healthy pa (right ang galing ng naisip ko).
8:15 ako natapos sa mga gawain ko, buti nalang at may gulayan ng ginawa si nanay nilipat ko lang yong iba para mas dumami sila at maayus ng lumaki .
Napangiti na lamang ako pagkatapos kong makita ang resulta ng ginawa ko .
Pagkatapos ay pumasok na ako sa loob ng bahay at nagluto na para baon mamaya sa school during lunch break .
MEANWHILE...
Mabilis ang lakad ko para maabutan ang jeep buti nalang at hindi na pinuno ang sasakyan na to kase dati talaga hindi aalis hanggat hindi kayo magsiksikan sa loob.
Grabe naman kase yon like hello hindi po pare-parehas ang katawan namin at lalong hindi kami sardinas para magsiksikan sa loob .
Haha joke
Pagdating ko ay sakto na kasabayan ko si Biaca Marie na pumasok sa loob ng room namin .
"Damila Lovily subrang excited nako graduation na narin next month! " sabi niti at nagtatalon na parang bata sa gilid ko sabay hawak sa kamay ko.
" Ako din Biaca Marie college life na tayo next school year! " nakangiti kong sagot dito .
Subrang daldal talaga nito natatawa nalang ako sa mga kwento niya.
Pag talaga hindi mo pinapansin ang oras ay ang bilis bilis nitong lumipas noh? pansin niyo din ba reader's?
Graduation na namin next day .
Sa wakas graduate na ako ng senior high school. Nasa byahe na din si nanay baka mamayang madaling araw ay nandito na iyon sa bahay.
Maaga akong natulog ng araw na iyon ng biglang...
Itutuloy....
![](https://img.wattpad.com/cover/345307470-288-k632453.jpg)
BINABASA MO ANG
SPARE ME, BILLIONAIRE (COMPLETED)
RomanceWARNING: THIS STORY HAS MATURED CONTENT ( R+18 ) SYNOPSIS: Most of the people say that we must "Preserve your virginity till the moment you'll get married. That's the most precious gift you will give to your husband after wedding." Mga salitang pa...