NOELJAN POV:
Magkatabi kaming nakahiga ngayon ni Damina Lovily sa bahay wala dito ang anak namin na si Lovily dahil kinuha mona ng parents nito.
Namimiss na daw nila ang apo nila eh pumayag naman kami ni Damina Lovily.
Napatingin ako sa babaeng mahimbing na natutulog sa tabi ko. Natatawa naman ako dahil nakanganga pa siya habang nakaharap saakin.
Hinalikan kona lang ang noo nito at mas nilapit pa sa katawan ko.
" Hmm Anong oras na Noeljan? Inaantok pa kami ni baby eh" nakapikit na tanong niya.
" Maaga pa Damina Lovily baby alas singko palang ng umaga, matulog pa kayo na baby" sagot ko sa kanya sabay halik sa noo nito at sa baby bump niya.
Tatlong buwan na din pala ang lumipas simula nung nag proposed ako sa kanya .
Halata na din ang tiyan niya dahil sa matakaw siyang kumain haha
" Okay tulog pa tayo Noeljan baby hmm" inaatok na wika nito at bumalik na sa pagtulog.
Dahan dahan ko naman siyang kinumutan . Mahina lamang ang aircon dito sa loob ng kwarto pero ngayon na may baby na kami ay baka malamigan sila.
Hanggang ngayon hindi pa din ako makapaniwala na magiging asawa kona ang babaeng pinapangarap ko.
Sinusundan ko siya palage. Kahit subrang busy ako sa trabaho bilang CEO ay nagbibigay talaga ako ng oras sa para mapuntahan siya.
Nalaman na din niyang ako ang taong nagbigay sa kanya ng rosas, iyong sukli galing kay manong at iyong libreng pagkain . Alam ko kaseng paborito iyon ni Damina Lovily kaya nag iwan na talaga ako para kahit nasa trabaho ay maging masaya siya dahil nakakain niya ang nga paborito niyang pagkain.
Pano niya nalaman? Hindi ko naman sana sasabihin na sa kanya pero nag-away kase kami noong nakaraan at na-open ko sa kanya ang bagay na iyon.
" Ikaw iyong taong nakasunod saakin? Patay na patay ka talaga saakin Noeljan iba ka talaga " nakangisi pang-aasar niya saakin biglang namula naman ang buong mukha ko kaya tinakpan ko ito.
" Huyy nahihiya kaba sa mga pinaggagawa mo Noeljan?" nakangisi tanong nito saakin.
" Tsk kase naman Damina Lovily eh" nakasimangot ko sagot sa kanya.
" Eh noong unang kita natin bakit namumula iyong mga mata mo? Nakadrugs kaba ?" nagtatakang tanong niya saakin nanlaki naman ang mata ko dahil sa tanong niya.
" What ? Bakit naman ako magda-drugs Damina Lovily kung sayo palang adik na adik na ako" nakangisi kong sagot sa kanya dahil siya naman ngayon ang namula.
" Eh bakit nga? Wag mo nga akong pakiligin gusto kong mangangat Noeljan, gusto mo?" pagbabantang tanong naman niya sakin.
" Kagat na Damina Lovily baby baka gusto ni baby ang balat ko" nakangiting sagot ko sa kanya sabay tapat ng braso ko sa bibig nito.
Parang lumiwanag naman ang mata nito dahil sa sinabi ko at mabilis niyang kinagat ang braso ko.
Gusto kong maiyak sa sakit dahil last time na ginawa niya ito ay naging malaking sugat.
Grabe pa ang iyak niya dahil daw sa kanya naging sugat iyon. Hindi ko talaga siya maintindihan, naging isip bata siya nasabi nga saakin ni Christian na dahil daw iyon sa pagbubuntis nito.
Kaya simula noon kahit anong gusto ni Damina Lovily at ni baby ay binibigay ko kahit naging sugat sugat ang braso ko basta maging masaya at healthy lang silang dalawa.
" Hindi ako nakadrugs noh. Umiyak ako dahil nagselos ako dun sa kaklase mo na kinausap mo tapos ngumiti kapa sa kanya" nakasimangot kong sabi dito natapos niyang kagatin ang braso ko.
" Seloso ka talaga" mahinang wika niya sabay halik sa labi ko tumungon naman ako sa kanya.
END OF SPECIAL CHAPTER
@Cjoy_Wp
2023

BINABASA MO ANG
SPARE ME, BILLIONAIRE (COMPLETED)
RomanceWARNING: THIS STORY HAS MATURED CONTENT ( R+18 ) SYNOPSIS: Most of the people say that we must "Preserve your virginity till the moment you'll get married. That's the most precious gift you will give to your husband after wedding." Mga salitang pa...