Kabanata 13

712 56 19
                                    

Magaalas dos na ng madaling araw ng isa isa ng nagsiuwian ang mga bisita namin. Pagkatapos kong ibigay ang regalo at magpaalam kay daddy ay umakyat nako ng kwarto. He's still up though, drinking in the study.

Nakaupo ako sa edge ng kama at minamasahe ang paa ko habang nagpapatuyo ng buhok. Nakakalat sa sahig ng kwarto ang mga regalo para sakin na hindi ko pa nabubuksan. Ang bigay ni daddy ay nasa dresser ko na.

I groaned in pain before standing up and went to my vanity. Kinuha ko ang stool at naupo sa harap ng kahon kahon na regalo.

Just the usual, people tend to give me expensive gifts. Jewelries, bags, shoes, and designer dresses. Yung mga tanders, they often give me scented candles and fancy bath essentials. Kung minsan, mayroon ding limited edition books na hindi ko naman binabasa.

Hindi ko na inusisa ang ibang regalo matapos magbukas ng tatlo. Binabasa ko nalang ang mga card para malaman kung kanino galing ang mga natanggap. I'm searching though, for a particular Christmas gift.

Sunod kong nakita ang kay Amiel. It's a bracelet from Pandora. The chain is thin and elegant, mayroon ding heart na rose gold ang kulay. Its simple but it looks classy. Hindi din naman baduy ng sinubukan kong suotin kasama ng love bangle ni mommy. Maybe because of its matching rose gold color.

Hinubad ko ito at binalik sa kahon. I tried searching again for another gift. Kasabay yun ng bag na binigay ni tita Elisse so it should be here.

Ito ba iyon?

I picked up a signature Tiffany blue box, tied with a white satin ribbon. Hindi ko sure kung ito nga dahil halos sa lahat ng regalong nakuha ko, ito lang ang walang card o kahit sulat manlang.

I untied the ribbon and opened the box. Sa loob ay may certificate at isa pang pahabang box.

I opened it and it showed me a gold bar bracelet. May maliit itong heart sa magkabilang dulo na napapalibutan ng diamonds. Ang chain nito ay may mas maliliit na diamonds din.

I stared at the bar and read the engraving. It's my.. birthdate.

I'm expecting a name or something but its fine. The only problem is, mas mahaba ang bracelet na to kumpara sa nauna kong sinukat. Sinubukan kong iikot sana ng dalawang beses sa pulso ko sakaling ganun ang disensyo pero hindi naman umabot sa lock nito.

"Sayang. Hindi ko size." Maybe I can return this for resizing?

I stared at the bracelet one more time. If this is from Anton, then he really pays attention to small details about me. I liked that its simple but at the same time symbolic as it has my date of birth.

Anton called me minutes after. He asked me kung nagustuhan ko ba ang regalo niya.

"That's from Tiffany and co, yes?"

He licked his lips before exhaling. "Yes. Do you.. like it?"

I like it. Pero hindi kasya. Maluwag sakin. Ayoko naman sabihin yun at baka maoff naman siya. I'm used to receiving expensive gifts and I always appreciate them. Kahit minsan nakakatanggap ako ng gamit na meron na ako, kinikeep ko padin iyon sa closet. Itong regalo niya, pwede ko namang ipaayos. Not a big deal.

"Y-Yeah.. it looks... nice on me. T-Thank you." I stared at my wrist kung nasan ang bracelet na bigay niya katabi ng love bangle ni mommy. Maluwag talaga iyon that's why I'm conscious all the time kung mahuhulog ba sa kamay ko.

"You're welcome. I'm happy that you liked my gift." He lowly chuckled.

I tried to smile on camera. Stupid. Dapat chineck mo ang size! Payat lang ang braso ko. Hay.

Will you choose me? (Montecarlo Heir #2)Where stories live. Discover now