Kabanata 16

956 48 26
                                        

Love.

I don't know what to feel really. Nagkakagulo ang loob ko sa endearment na iyon. Hindi ako pinatulog dahil para akong lutang.

Matapos kong laruin sa kamay ay tinago ko na sa pulang box nito ang hikaw na bigay ni Anton. Suot ko na ang hikaw ni Amiel. Nahihilig akong magsuot ng hikaw ngayon so I guess there's nothing wrong with wearing his valentines gift. We are dating anyway. Humiga na ako sa kama at natulog na.

"CR lang ako." Paalam ko sa kasamang grupo after maglunch. Kasama parin namin ang boys dahil kay Amiel, at syempre itong si Pierce at Penelope.

Amiel is waiting outside habang si Pierce eh nagcr naman sa panlalaki. Pumasok din kasunod ko si Penelope.

I went to the cubicle to relieved myself. Nang matapos umihi ay lumabas na ako at naghugas ng kamay. Kinuha ang kit sa bag at nilabas ang toothbrush at toothpaste.

Nagsisipilyo nako ng makarinig ako ng pagflush at pagbukas ng cubicle ni Penelope. Agad kaming nagkatinginan sa salamin. Dumiretso siya sa isa pang sink. Dalawang pagitan ang distansya sakin. Sinusuklay niya ang bangs niya at inayos ang suot na salamin.

We heard loud chattering sa bagong papasok ng CR pero agad ding natahimik. It was Clarisse and her bitchy friends. Great! I'm surrounded by Amiel's admirers here.

"Hmp." papansing arte ni Clarisse kahit kita sa salamin ang sarkastikong ngiti. I almost rolled my eyes. Tumabi siya sa kasunod kong sink habang ang isa niyang kaibigan ay nasa katabing sink naman ni Penelope sa kabila. Parehas silang naglabas ng make up at nagretouch. Iyong isang kasama nila ay pumasok ng cubicle.

"You're so pretty talaga friend. I'm sure hindi makakagetover sayo ang ex mo." Obvious na parinig ng katabi niyang friend na squammy.

Gusto kong matawa. Really? Sa kapal ng makeup mo sa face? You're putting another layer of powder? And you're pretty? Hah!

I spit the fluoride and wiped my mouth. I washed the toothbruh in the faucet bago isa isang binalik sa kit ang mga gamit.

I took time to scanned my face in the mirror. There's no need to retouch dahil sunscreen lang ang nalagay ko kanina and hindi ko siya dala. Naglagay lang ako ng liptint dahil nabura na nung kumain kanina.

"Of course. It's just his new flavor of the month. I'm sure mamimiss din ako non. Anyway, he still prefer be with real women like me." With emphasis on the word real, and her poor sentence construction, Clarisse responded to her friend.

That's your blow? Funny. If I can recall, you were his flavor of the month.

Sinukbit ko na ang bag sa balikat at naglakad na palabas ng muling magparinig si Clarisse.

"Ganun talaga ang mga desperada. Trying hard maging babae. Kadiri." Mas kadiri ka. Pinagpasahan ng mga lalaki ng basketball team. You were no match for me. Anak ka lang ng corrupt na barangay captain. Hindi ko sure pano mo naafford na pumasok sa school na to.

I caught Penelope's stares pero binalewala ko. Iniwan ko ang mga babae ni Amiel sa banyo.

Dahil halos lagi nga kaming magkasama ni Amiel. I expected this. Nung nakaraan, iyong ex niyang lower year naman ang masama ang tingin sakin at nagbubulungan. I don't mind. Let them talk shit. They're just bitter.

I went out of the comfort room and saw Amiel waiting outside. Nakasandig ang isang paa sa sinasandalang pader habang nakapamulsa. Andun din si Pierce na parang tuod at hindi kinikibo si Amiel. Agad umayos ng tayo si Amiel ng makita ako. Lumapit siya sakin.

Gusto ko ng umalis pero antagal ng pinsan ni Pierce. Hindi naman na gaganda ang isang iyon.

My ears were filled with annoying laughter. Hindi ko na nilingon dahil alam ko naman na kung sino.

Will you choose me? (Montecarlo Heir #2)Where stories live. Discover now