Kabanata 17

1K 60 20
                                        

"Here. Eat first." Inabot sakin ni Amiel ang binuksan niyang hotdog sandwich ko.

"Later." Tipid kong sagot habang umiinom ng lemonade. Ngayon ko lang naramdaman ang sakit ng paa ko ng makaupo ako sa monoblock.

Mabuti at natapos na ang mga estudyanteng huling nagsagot sa booth namin kaya parang halos lahat kami siesta at nagmimiryenda.

Amiel snorted. "Eat, Ria. Kumakain din naman ang mga kasama mo."

I saw Pierce trying hard to make face just to show his annoyance to the guy beside me. Gusto kong matawa sa arte ni bakla.

Dahil nga nagugutom na din ako kanina eh kinuha ko na ang hotdog kay Amiel at kinagatan iyon. Nalilibang kaming magsoundtrip habang wala pang sumusulpot ulit na mga estudyante sa booth namin. Tinanong ng class president namin kung hindi ba daw nagugutom si Amiel dahil siya lang ang walang inorder na pagkain pero umiling lang ito. Tahimik siya na nakaupo sa tabi ko.

Patapos na magmiryenda ang lahat ng nagsimulang daanan kami ulit ng mga estudyante.

"Yo bro! Dito pala booth niyo?" Agad tumayo si Amiel para salubungin ng bro fist ang isang basketball player ng STEM. Sa likod niya ang kanyang kagrupo.

"Huy. Tayo na kayo dali." Senyas ng president namin. I took my last sip on my lemonade before getting our survey form para sa mga matatapos magsagot.

"I want to try this." A familiar tall basketball player noted.

"You can do it. Try our booth po." Pagcheer naman ni Sammie na halatang kinikilig sa mga players ng STEM.

"Anong premyo miss? May kiss din ba sa booth niyo?" Malokong tanong nung isa and the guys laughed in chorus.

"Tsk." Dinig ko ang palatak ng lalaki sa likod ko.

"Ahm.. we have cute prizes po. Mga teddy bears and chocolates. At iba pa. Panghabol sa late niyong valentines date." Hilaw na ngisi ng president namin.

"Sabihin mo ako pwede magkiss." Natatawang bulong ni Pierce kay Rizza na humahagikgik din.

The guys played in our booth and really struggled to answer the questions. Damn.

"Last na. Go mga pogi! Para sa premyo!" Si Rizza.

"Ria dito ka. Ready mo na yung form." I wanted to stand sa gilid pero mas pinalapit ako ni Pierce sa gitna. Lumapit nalang ako dahil nagbibigay din naman talaga kami ng survey. Para to sa grades.

"Ako na." I almost rolled my eyes sa pagpepresinta nanaman nung isa.

I craned my neck lazily. "Ako na. You should go back to your booth. Sayang ang.. free kisses."

I heard him muttered curses pero binalewala ko at ngumiti ako sa mga manlalaro. Out of five questions, tatlo ang nasagutan nila ng tama. Dalawa lang pala. Bonus lang iyong isa dahil malapit ang sagot at pumayag si Pierce nung nagmakaawa yung isang basketball player.

"Ano kaba! Dimo ba tanda iyang nasa gitna? Tinitignan ka. Si Clyde." Hatak sakin ni Pierce at bumulong. Simpleng sinesenyas yung isang matangkad sa harap.

I took a quick glance at the guys playing in our booth. Iyong nasa gitna, nakatingin nga sakin habang nakangisi dahil sa biro ng kasama. Si Clyde nga, yung team captain sa STEM. I didn't bother staring at their faces earlier kaya diko nakilala. I know this guy. He went up to me nung nagbar kami dati.

Aliw na aliw naman sila dun sa binigay na teddy bear ni Penelope. Hinagis hagis pa sa ere nung isang player.

"Here's our survey form po. Pakirate naman ang booth namin and please provide feedback. Doon niyo po ihuhulog sa box kapag tapos na. Thanks." Inabot ko ang anim na pirasong form dun sa player na nakabrofist ni Amiel at siya naman ang nagpasa sa mga kasama niya.

Will you choose me? (Montecarlo Heir #2)Where stories live. Discover now