With my signal, Matthew went on and get my car from where he parked it earlier at sumakay nga ako kay Anton.
Tumigil lang ako sa pagiyak ng makaupo ako sa passenger seat ng Montero niya. Marahil ay sa hiya na para akong batang inagawan ng candy kung makangalngal eh kusang naubos ang luha ko.
He also opened his backseat door at tila may kinuha doon. Nang bumalik siya sa bukas kong pinto ay nakita kong inabot niya sakin ang isang gray na hoodie.
Agad kong naintindihan ang gusto niyang mangyari. Parang tumayo pa ang balahibo ko sa batok ng makita kung pano bumaba ang mga mata niya sa katawan ko at mariing sinuri ang suot ko.
He unzipped the hoodie and handed it again to me. "Wear this." he said as I saw his jaw clenched from staring at my clothes.
I really felt confident wearing this outfit when I got out of our mansion and I even shushed dad who is protesting about my outfit pero ngayon, parang nagsisisi ako na ito ang suot ko. Sa paraan niya ng pagtitig, hindi ko mabasa kung ano ang iniisip niya habang ineestima ang damit ko.
Suminghap ako at kinuha ang hoodie sa kamay niya. Agad ko iyong sinuot ng hindi siya nililingon pero alam kong pinapanood niya akong magbihis. Halos awatin ko ang sariling mapapikit ng malanghap ang bago ng hoodie na mukhang kakapit sa katawan ko.
The way he sent my butterflies to panic mode made me swallow hard. Parang tambol ang puso ko sa pagkabog.
I successfully had my arms slipped into its sleeves pero masyadong mahaba iyon. Hirap kong mahawakan ang zipper kaya siya na ang nagtaas noon hanggang dibdib ko. I felt all the hair in my body rose.
Hindi pa niya tuluyang sinasarado ang pintuan dahil siya ang nagayos ng seatbelt ko pagkatapos kong masuot ang hoodie. Halos mabali ang leeg ko sa pagyuko dahil sa lapit ng mga mukha namin. Labis na naghuhuramentado ang dibdib ko at mas uminit ang pakiramdam ko ng dumampi ang kanyang kamay sa may leeg ko ng hilahin ang seatbelt. I can even feel his breathing on my shoulders.
"Are you hungry?" I heard him asked softly. Mahinhin lang akong umiling. Tipid sa kilos dahil nahihiya parin sa inasal kanina.
"How about a hot chocolate? To help you sleep?"
Nakagat ko ang labi at naengganyo sa inalok niya. Nanuyo din ang lalamunan ko sa labis na hikbi kanina. Pero dahil parin sa hiya ay nanatili akong walang imik.
"Hmm?" He waited for my answer at dinungaw ako. I can't help but inhale his manly perfume. I can feel blood rushing through my cheeks. Mas dumiin ang kagat ko sa ibabang labi at mas tumungo pa.
He tried to find my gaze and when he did, he smiled softly. "Let's get your hot chocolate."
I curled my lips para sa maliit na ngiti. Nang makuntento sa naging tugon ko ay sinarado na niya ang pinto ng passenger seat at agad umikot para sa driver's seat.
Kinuha kong pagkakataon ang sandaling iyon para huminga ng malalim at mapahilamos sa mukha ng palad. Wala naman nakong luha at hindi naman ako pawis pero pakiramdam ko eh ang haggard ko. I suddenly felt conscious lalo na at tinititigan niya sa malapitan ang mukha ko.
I cleared my throat and comfortably rest my back on his passenger seat ng makapasok siya. Tuwid lang ang tingin ko sa daan kahit na kita ko sa peripheral ko na nilingon niya ako.
Inistart niya ang engine at nabuhay ang aircon kaya agad akong nakaramdam ng ginhawa dahil sa kapal ng tela ng hoodie at sa nakatago kong kamay na di umabot sa laylayan ng sleeves nito. Para tuloy akong inaantok. I leaned on my headrest and shut my eyes for a bit.
The night exhausted me. Kung alam ko lang.. hindi na sana ako umalis pa ng bahay.
Narinig ko ang SUV ko na bumusina at dumaan sa harap namin. Naging hudyat iyon para magsimulang magpatakbo si Anton. Umikot naman ang sasakyan ko at sumunod samin.
YOU ARE READING
Will you choose me? (Montecarlo Heir #2)
RomanceThis is a Trans x Man story. The second generation will be the second installment to Montecarlo Heir Series. ----------------------------------------------- R18 This is a work of fiction. Names or the characters, businesses, places, events and inci...
