As I am too excited, maaga akong matutulog para hindi ako hirap gumising kinabukasan. I even shared it to Pierce na bubukod nako sa college.
"Talaga? OMG! Anong meron at napapayag mo si tito? Parang wala ka namang ginawang banal these days." Panguuyam niya sa tawag ko.
"Tangina ka talaga! Well.. I didn't expect him to actually allow me. Siya mismo ang nagbanggit sa dinner kanina."
Nakanguso naman itong nakatingin sa itaas na animo nagiisip. "Hmmm. Okay. Kaso bawal sleepovers? Pero pwede naman ang bisita diba?"
"I guess so. If may groupworks siguro. Baka pwede akong magpapunta ng kaklase."
"Eh pano iyan di tayo classmate? Basta iinvite moko. Gusto ko makita. Magpipicture lang ako pang IG story." Hagikgik nito kaya napailing ako. Baklang social climber na ito!
"Fine. Sige na matutulog nako. I'll see you tomorrow night."
"Okidoks. Good night baks." Malandi pa itong nagflying kiss kaya umasim ang mukha ko.
"Ang chaka. Good night." Humabol pa ang middle finger niya sa screen bago ko tuluyang mababa ang video call.
I fell asleep shortly after at kinabukasan nga ay ang ganda ng gising ko. I'm excited for today! Who would've thought na papayag si dad na bumukod ako!
I checked my face in my bathroom mirror pagkabangon ko. I brushed my teeth and I combed my hair with my fingers before I decided to go downstairs. Mamaya na ako magaayos o maliligo. It's around seven o'clock. Maaga din namang nagigising yun si daddy.
Pagkababa sa living room ay namataan ko agad sa may entrance si dad kausap si Matt. Agad akong tumakbo para yumakap.
"Good morning! Let's have breakfast na." Nakangiting aya ko kaya naputol ang usapan nila.
Dad chuckled and patted my head. "Well, someone woke up on the good side of the bed."
"Sa labas lang ako sir. Good morning ma'am Ria."
Ngumiti lang ako kay Matt at habang si dad naman ay giniya nako papunta ng hapagkainan.
Gulat na mukha ni manang ang sumalubong samin pagkapasok ng dining area. Nilapag niya ang plato ng fried rice at hotdog sa mesa.
"Oh Ria. Ang aga mong nagising." Tila di makapaniwalang sabi ni manang.
"Miracle do happens, manang." I glared at dad na nakikisali. Natawa naman ang huli.
"Naku himala nga kung ganoon sir. Siya upo na kayo. Wala kang eskwela anak, may plano ba kayong mag-ama?" Si manang. May dalawa pang kasambahay na sumulpot para sa malamig na tubig at sa isa pang ulam.
"Yes! We'll visit my-"
"I'll just take my daughter out, manang." Inunahan ako ni dad kaya napakunot ang noo ko. He didn't specify where we are going. Well, I don't mind since I don't think it's necessary. Tila may ibang naisip naman ang matanda ng lumingon para sa sagot ni daddy.
"Ahh.. ehh sige. Oh siya. Iwan ko na kayo. Magsabi kayo pag may kailangan ha. Issa lika na muna kayong dalawa." Tawag ni manang sa mga nakababatang kasambahay.
Pinanood ko si daddy na naghahalo na ngayon sa tasa ng kape. He seem really anxious lately. I wonder why. Is it because of work?
Maaga na din siyang umuuwi nitong mga nakaraan. Before, he would stay pa kahit ilang oras kay mommy after work. Pero since last week eh mas nauunahan niya pa ako umuwi.
I sighed. Saglit akong nilingon ni dad kaya agad ko lang siyang nginitian at nagsimula nadin kumain.
I took a shower after breakfast at nagayos na para sa alis namin. I wore a high-waist denim pants and a low neck crop top. I did my skincare routine. I also put on tinted sunscreen and I set it with baby powder. I don't feel like wearing anything on my lips kaya naglipbalm nalang ako to keep it plump and moisturized. I put on my sneakers after fixing my face. Naririnig ko na din ang pangalawang katok ni manang dahil nagtatanong na ang daddy.
YOU ARE READING
Will you choose me? (Montecarlo Heir #2)
RomanceThis is a Trans x Man story. The second generation will be the second installment to Montecarlo Heir Series. ----------------------------------------------- R18 This is a work of fiction. Names or the characters, businesses, places, events and inci...
