Kreme Dianne POV's
Nakatitig lamang ako sa repleksyon ko sa salamin ng vanity dito sa loob ng maliit na kwarto. Tila ba sinusuri ko ang kabuuan ng katawan ko mula rito. Hapit na hapit sa akin ang kapirasong saplot na tumatakip sa buong pagkatao ko. Makintab ang labi ko dahil sa kulay pulang lipstick at mamula mula ang pisngi dahil sa blush on na inilagay ng make-up artist nitong club.
Napakagat ako ng labi at mahigpit na ipinagsiklop ang dalawang kamay. Kinu-kwestyon ko pa rin ang sarili kung bakit ako napunta sa ganitong sitwasyon. Ngunit ito lamang ang nakikita kong paraan para kumita ng malaking pera sa isang gabi lang.
Malaki ang pagkakautang ko sa may-ari nitong club na si Sir Froilan. Halos mag-aapat na buwan na si Mama sa hospital. Na-comatose ito matapos mabundol ng hindi pa nahuhuling driver. Sobrang hirap tanggapin ang sinapit ng mama ko dahil hanggang ngayon ay wala pa ring lead kung sino ba ang nakabangga sa kaniya. Wala kasing cctv sa lugar kung saan siya nabangga kaya naman ay isa iyon sa rason kung bakit hindi namin makuha ang hustisya sa nangyaring ito kay mama.
Mahigit kumulang kalahating milyon na ang utang ko kay Sir Froilan. Naka-admit kasi sa hospital si mama para mapanatili siyang buhay habang hindi pa ito nagkakamalay. Ang mahal ng hospital bills ni mama at iba pa niyang mga kailangan kaya naman wala akong choice kundi umutang ng napakalaking pera kay Sir Froilan. Sa totoo lang ay hindi ko iyon kayang kitain sa isang linggo lang. Isang linggo lang kasi ang naging palugit sa akin ni Sir Froilan para mabayaran ang mahigit five hundred thousand pesos na utang ko sakanya.
Ayoko namang magtrabaho rito gabi gabi para kumita ng pera. Ayokong gamitin ako ng iba't ibang tao. Isa akong birhen at wala pang karanasan sa pakikipagtalik. Ngunit sa panahon ngayon, hindi ka na rin talaga makakapagdalawang isip pang kumapit sa patalim para lang magkapera. Sa isip ko'y malaking halaga ang magiging kapalit ng iisang taong gagalaw sa akin. Siguro naman ay mas kakayanin iyon ng sikmura kong gawin sa isang tao sa loob ng dalawang buwan kumpara sa iba't ibang tao gabi gabi na walang katapusan.
Pinigilan ko ang maluha dahil masisira ang make-up ko. Ang goal ngayon ay kahit maka-isang milyon ako dahil 50% ang ikakaltas sa akin ni Sir Froilan, na kung sa ganon ay mabawi nito ang mahigit kalahating milyon na ipinautang niya sa akin.
Muntik naman ako mapatalon sa kinauupuan ko nang may kumatok sa pinto ng munting silid o dressing room nitong club kung nasaan ako ngayon.
"Kreme? Mag-ayos ka na at susunod ka na sa auction!" rinig kong sambit ni Anthony, ang head organizer nitong auction at siyang kanang katiwala din ni Sir Froilan.
"O-Opo!" sagot ko sa malakas na boses para marinig ako nito mula sa labas ng pinto.
Wala na rin naman akong narinig pang sumunod na sinabi nito. Muli kong sinulyapan ang itsura ko sa salamin kasabay ng mapait kong pag-ngiti sa sarili.
Kayanin mo 'to, Kreme dahil wala ka namang ibang choice para mapabuti ang kalagayan ng mama mo.
Dagli kong isinuot ang makintab na kulay itim na half face mask sa mukha kasunod nang pagsusuot din ng black robe para takpan ang katawan kong itim na lingerie lamang ang suot.
Agad na rin akong lumabas ng dressing room at nagtungo sa likod ng malaking kurtina. Alam kong sa harapan lamang niyan ay ang mga taong maya maya ay pagkakaisahan akong makuha ngayong gabi.
"Relax, Kreme.." pagpapakalma sa akin ni Thelma, isa sa staff nitong club na siyang kaibigan ko rin at nagpakilala sa akin kay Sir Froilan. Malaki rin ang utang na loob ko kay Thelma sapagkat kung hindi dahil sa kaniya ay paniguradong wala na ang mama ko ngayon. Kapag talaga sinuwerte ako sa buhay ay hinding hindi ko siya makakalimutan.
YOU ARE READING
Morgan Reign Ausbern (FILIPINO GXG)
Fanfiction"Ladies and gentlemen. I want to present to you our last girl for tonight. She's not just an ordinary girl because she's a pure and untouched young lady. Everyone wants a virgin, am I right?" narinig ko ang hiyawan ng mga tao. "Let's start the aucti...