Dianne Kreme's POV
Kakadating lang namin ngayon dito sa El Paraiso at ang masasabi ko lang ay sobrang ganda. Napakaganda niya. Kamuntikan pa nga akong maiyak nang maka-apak ako sa buhangin dito habang nakatitig sa ganda nang alon ng dagat.
"Are you ready?" pukaw ni Morgan sa atensyon ko habang inaayos ko pa ang suot kong maong shorts at sando. Medyo tirik kasi ang araw sa labas para hindi masyado mainit.
Napatitig naman ako kay Morgan dahil sa suot nito. Naka-maong shorts din siya at naka-off shoulder shirt, iyong kaliwang balikat lang ang kita. Naka-messy bun ang blonde niyang buhok at nakasuot din ng sunglasses.
'Hot mo naman' sambit ko pa sa isipan.
"Bakit?" tanong ko nang mapansing nakakunot ang noo nitong nakatingin sa akin.
"That's too sexy" tukoy nito sa suot ko. Nakatuck-in din nga pala ang sando ko sa maong shorts kaya siguro sinasabi niyang sexy dahil kitang kita ang hubog ng katawan ko ngayon.
Hindi na naman tuloy nakaiwas ang sariling hindi pamulahan ng mukha. "Hindi naman eh" turan ko naman. "Tara na nga. Ang dami mo pang napapansin diyan" hila ko sa kaniya palabas ng hotel room namin.
Nandito nga pala kami para sa team building ng Ausbern University students. Unang araw naming ngayon pero imbis na magpahinga muna ay naisipan namin ni Morgan na mag-ikot ikot na dahil nga sa sobrang excited akong libutin itong dream place ko.
Wala naman akong narinig na reklamo kay Morgan kaya tuloy ang lakad naming dalawa. Tuwang tuwa naman ako habang sinusulit ang oras ngayong araw para libutin itong El Paraiso. Sa sobrang ganda parang ayaw ko ng umuwi pa.
Kumuha rin kami ng mga litrato ni Morgan pero halos ako lang din ang naging laman ng mamahaling cellphone niya dahil sa pagmamadali at pagka-excite kong gumala ay nakalimutan ko ang akin sa hotel.
"Dito tayo. Dalawa tayo magpicture" hila ko kay Morgan sa tabi ko sa ilalim nitong punto ng niyog. Sana naman walang mahulog na bunga habang nagpi-picture kami.
"One.. Two.. Three.. Smile!" hiyaw ko habang hawak ang cellphone ni Morgan pero imbis na ngumiti ay humarap ako dito para halikan siya sa pisngi.
Bahagyang lumaki ang mata nito sa gulat at dahan dahang tumingin sa akin. Ngumiti lang ako dito at tinignan ang litrato. Mas lalo lang akong natuwa nang makita ang cute na reaction ni Morgan.
"Oh" abot ko sa cellphone nito at parang wala naman siya sa sariling kinuha iyon mula sa'kin dahil nakatitig lang ito sa mukha ko. "Huwag mo ide-delete 'yan ha" tsaka ako natatawang tumakbo palayo sa kaniya para magpunta sa medyo mataong lugar kung nasaan ang mga nagtitinda ng souvenirs and accessories.
"Kuya, magkano po ito?" tanong ko sa presyo isang couple bracelet.
"No tagalog, just english" sambit ng mukhang intsik na lalaking may-ari nitong stall. Napangiwi naman ako. Nakalimutan kong pangmayaman pala itong isla na ito.
"Ah. Ano. How much is this po?"
"Just seven hundred pesos" sambit ng lalaki.
Jusmiyo naman. Sobrang mahal naman para lang dito. Ano ito gold? Joke lang pero kasi parang ang overprice naman. Kung sa tabi ko lang ito nabili, paniguradong eighty o isang daan ang presyo nito.
"Here.." sulpot ni Morgan sa tabi ko't inabutan ng isang libo ang lalaki. "Keep the change" agad naman akong hinila palayo ni Morgan doon matapos niyang makabayad.
"Bakit? May problema ba?" takang tanong ko dahilan para mahinto siya sa paglalakad.
Humarap ito sa akin tsaka inalis ang pagkakasuot nito ng sunglasses niya sa mata't ipinatong iyon sa ulo niya. Baka ang pagkadisgusto nito sa mukha. Teka? Galit ba siya? Dahil ba iyon sa paghalik ko sa pinsgi niya?
![](https://img.wattpad.com/cover/353239004-144-k595762.jpg)
YOU ARE READING
Morgan Reign Ausbern (FILIPINO GXG)
Fanfiction"Ladies and gentlemen. I want to present to you our last girl for tonight. She's not just an ordinary girl because she's a pure and untouched young lady. Everyone wants a virgin, am I right?" narinig ko ang hiyawan ng mga tao. "Let's start the aucti...