Chapter 9 : You're unbelievable

112 5 0
                                    

Kreme Dianne's POV

"Raegan, baby ko, come here na. Kailangan mo nang mag-breakfast." tawag ko sa anak ko, yes tama kayo nang rinig, tinuturing ko ng anak ang pusang si Raegan. Isa na akong certified fur mommy ng napaka-cute na si Raegan Mae. "Reagan Mae, dalian mo na. Tara na dito. Papasok pa si Mama sa Univ." muling tawag ko rito matapos maayos ang kainan nito sa kusina.

Napatayo ako't nagtatakang namewang. Ang tagal naman yatang lumapit ng anak ko rito. May problema kaya? Sa pag-aalala'y agad akong nagtungo sa ilalim ng hagdan dahil nandoon ang cat condo o cat tree ni Raegan.

Agad na bumungad sa akin ang buntot nitong nakalabas mula sa loob ng tinutulugan nitong box condo niya o kung ano mang tawag dito. Dahan-dahan naman akong lumapit para hindi siya mabulabog, mukhang tulog na tulog kasi.

Nasilip kong nakapikit ito at talagang natutulog nga. Gusto man sana siyang huwag guluhin o gisingin dahil pwede naman siyang kumain sa iniwan kong pagkain niya sa kusina dahil alam naman na niya iyon pero hindi ko napigilan ang sariling huwag siyang haplusin ngunit gano'n nalang din ang pagkunot nang noo sa nahawakan.

Teka? Bakit parang sobrang init naman ng anak ko?

Wala akong choice kundi ilabas si Raegan sa tinutulugan niya't kargahin ito para mas mapakiramdaman pa. "Hala ka baby ko, nilalagnat ka yata" tsaka ko ito niyakap at hinalikan nang marahan sa ulo. Naawa ako nang sobra dahil maski pagbukas ng mata'y hindi niya magawa.

"Raegan naman, pinapakaba mo si Mama. Mulat ka naman ng mata oh" kausap ko pa rito.

Aba. Hindi pwede ito. Kailangan ko na yatang isugod sa vet si Raegan Mae.

May pera na rin naman akong hawak ngayon pwede ko na siyang dalhin doon mag-isa. Bahala na sa magagastos. Parang hindi ko kakayanin kapag mawala sa akin si Raegan. Nasa coma na nga si Mama tapos maho-hospital din itong anak ko.

"Why aren't you dressed yet, Kreme? Aren't you going to Univ. today?" napatingin naman ako kay Morgan na nakatayo na ngayon sa paanan ng hagdan at nakabihis na rin ng school council uniform niya.

Nandiyan na pala siya. Hindi ko man lang namalayan na bumaba pala siya ng hagdan dahil sa sobrang pag-aalala ko kay Raegan.

"Hey.. What's wrong?" malumanay nitong tanong bago naglakad palapit sa akin. Sandali din nitong sinulyapan si Reegan na yakap-yakap ko.

"Morgan.." muling bigkas ko sa pangalan nito sa garalgal na boses. Nagiging emosyonal na naman ako. Madami na kasing posibiladad ang pumapasok sa utak ko.

Hinawakan ako nito sa braso at marahan iyong hinaplos gamit ang hinlalaki niya. "Calm down, Kreme.." pagpapakalma nito sa'kin "And tell me what's wrong?" kita ko ang pag-aalala nito sa napakaganda niyang mukha.

Kainis. Nag-aalala na nga ako't lahat lahat tapos nagagandahan pa rin ako sa kaniya.

"Si Raegan Mae kasi nilalagnat yata. Kailangan ko siyang dalhin sa Vet. Clinic baka kasi kung ano nang mangyari sa kaniya" dahil sa sinabi ko'y napatitig siya kay Raegan Mae.

Saglit itong tumingin sa wristwatch niya tsaka ako pinakatitigan nang matagal sa mukha na tila ba nag-iisip ng malalim. Maya-maya'y binitawan na ako nito at kinuha ang carrier bag ni Raegan maging ang baunang pagkain at tubig ng pusa tsaka muling lumapit sa akin.

"Let's go, Kreme. Let's take her to vet." binuksan din nito ang nagsisilbing pinto ng carrier at minomosyon sa akin gamit ang mga mata niya na ipasok ko na ro'n si Raegan Mae na agad ko namang ginawa habang puno nang pag-aalala at pagkalito ang isipan sa ngayon.

Morgan Reign Ausbern (FILIPINO GXG) Where stories live. Discover now