Chapter 11 : Shopping

82 4 0
                                    

Dianne Kreme's POV

Nakatitig lang ako ngayon sa dad ni Morgan. Para ba kasing may kakaiba dito nang makita niya ako. Maging si kuya Akihiro na family driver nila Morgan ay para ring ilag sa akin at nagmadali pang pinasibad ang sasakyan paalis sa harap ng bahay nila Morgan kanina.

"Sigurado ka bang gusto ako ng dad mo, Morgan?" hindi ko naiwasang ibulong kay Morgan na nakaupo sa tabi ko ngayon sa loob ng office room ng dad niya dito sa bahay nila. Pinasunod niya kami kanina matapos magbatian pagkarating niya dahil daw may sasabihin itong importante kay Morgan.

"Yes. He's just always like that, composed and serious but I assure you that he likes you for me" sabay hawak nito sa kamay ko. Tumikhim ang dad ni Morgan kaya napatingin kami rito.

"I just wanted to tell you that me, your Aunt Andrea, and Aunt Lyvhie are going to sponsor your team building this year" tumaas ang dalawang kilay ko sa sinambit ng dad ni Morgan. Wow naman.

"Really?" parang normal na tanong ni Morgan at para bang hindi na nagulat pa. Tumango naman ang ama nito sa kaniya.

"Thank you, Dad. I will also message Aunties to thank them later" tumayo rin ito para yakapin ang Daddy niya.

"Where will it be held, Dad?" tanong oa ni Morgan nang makabalik ng upo sa tabi ko't muling hawakan ang kamay ko.

"At your Aunt Andrea's property"

"Oh, you mean at El Paraiso?" tumango naman ang Dad ni Morgan.

OMG! Yung sikat at mamahaling resort ni Ms. Andrea yung tinutukoy nila. Jusko. Matagal ko ng pangarap pumunta doon, wala lang talaga akong pera dati atsaka pamasahe palang papunta ro'n 'di ko na afford eh.

Hindi na rin naman kami nagtagal pa sa bahay nila Morgan dahil busy yata lahat ng tao doon. Na kahit pa sobrang yaman na nila'y masipag pa rin sila magtrabaho.

"Bakit tayo nandito, Morgan?" takang tanong ko matapos nitong makapagpark sa parking lot nitong mall.

Inalis nito ang seatbelt ko't sandaling dinampian ng halik sa labi bago lumayo sa akin tsaka nagmamadaling lumabas ng sasakyan upang umikot para pagbuksan ako ng pinto. Ilang beses naman akong kumurap kurap habang nakatitig lang kay Morgan na nakalahad na ang kamay sa nakabukas na pinto sa side ko.

"We'll buy beachwear for our team building next week" Hala! Next week na pala iyon?

Dahil sa sobrang pagka-excite dahil isa sa dream place ko iyon ay masaya kong tinanggap ang kamay ni Morgan para tulungan ako nitong bumaba ng sasakyan na kung tutuusin ay kaya ko naman mag-isang gawin.

Nakahawak si Morgan sa kamay ko habang naglalakad na kami rito sa loob ng mall. Ang totoo niyan ay balot na balot si Morgan ngayon dahil kailangan niyang itago ang identity nito sa mga tao dahil baka bigla siyang dumugin dito. Minsan talaga may disadvantages din kapag sikat at kilala kang personalidad eh.

"Parang masisilipan naman ako diyan, Miss" nakangiwi at nahihiya kong sabi habang nakatitig sa kulay pulang two piece na hawak nito ngayon. Si Morgan naman ay tahimik lang na nakatayo sa tabi ko.

"Hindi naman ma'am, ganito po talaga ang two piece. Kung gusto niyo ma'am, ito nalang medyo malapad ang tela" mabuti naman at nagtatagalog sila dito kahit napaka-elegante ng boutique nila kasi baka dumugo ilong ko kung e-english'in nila ako.

Kung si Morgan kasi nage-english, okay lang kasi naiintindihan naman niya kahit nagtatagalog ako. Mahirap dito sa mga shop na ganito baka pati empleyado hindi makaintindi ng tagalog. Ewan nalang talaga.

Morgan Reign Ausbern (FILIPINO GXG) Where stories live. Discover now