Kreme Dianne's POV
Masaya akong inililibot ang paningin sa paligid nitong Ausbern University. Ang dating pinapangarap kong paaralan ay napapasukan ko na ngayon. Halos magdadalawang linggo na rin nang magsimula akong mag-aral dito. At sa mahigit dalawang linggo ay marami akong nalaman tungkol dito sa university at nakasalamuhang ibang mga estudyante.
In fairness nga sa mga nag-aaral dito ay mas marami pa ring magaganda ang ugali sa kabila ng taas ng estado nila sa buhay. Hindi ko rin alam kung dahil lang ba matagal din ako huminto sa pag-aaral kaya marami ng advanced at upgraded na lessons at kagamitan dito sa Ausbern o maging sa iba pang paaralan dito sa bansa.
Ngunit sa tinagal ko dito ng dalawang linggo ay may lugar na akong pinakapaborito at iyon ay ang tinatawag nila ditong 'cat's paradise'. Park ito dito sa loob ng unibersidad na maraming pusa. Kapon at vaccinated raw lahat sila doon. Ang pagkakatanda ko'y nasa 20 plus ang pusa ngayon na naroon.
Natutuwa ako kasi maliban sa pagiging advanced at updated nitong Ausbern ay unique din ito sa pagiging animal friendly dahil sa pagkakaroon ng cat paradise dito sa loob ng unibersidad.
Mangiti ngiti kong niyakap ang libro sa dibdib at naisipang magpunta roon dahil wala naman akong klase. Lahat ng pusa doon ay agad ng napamahal sa akin ngunit may partikular na isang pusa ang mas umagaw sa atensyon ko magmula noong una akong nagpunta roon.
Una siya sa umakyat sa inuupuan ko at ikiniskis ang sarili sa akin. Babae siyang pusa at short hair ang stripe na ginger niyang balahibo. Halos lahat naman ng pusa doon ay short haired cat lang, mukhang mga stray cat sila dati.
Pagdating ko doon ay may iba ring mga estudyante na nakikipaglaro sa mga pusa. May iba naman gusto lang talagang magrelax at pinapanood lang ang mga pusang naghahabulan at kalat na natutulog kung saan man nila mahanap ang komportableng pwesto.
Hinaplos ko ang ibang pusang lumalapit sa akin habang inililibot din ang paningin sa paligid.
Nasaan na kaya si Raegan?
Tukoy ko sa babaeng ginger cat na pinakapaborito ko. Raegan ang ipinangalan ko sa kaniya halinsunod sa pangalan ni Morgan Reign. Napangiti ako. Hindi naman siguro niya malalaman na sa kaniya ko pinangalan ang pusa ano?
Halos thirty minutes na ako ditong nakaupo pero wala pa rin talaga si Raegan. Nagsisimula na akong mag-alala. Muli kong iginala ang paningin sa paligid. Marami din namang ginger na stripe ang kulay pero siya lang kasi ang babaeng ginger na stripe ang balahibo dito.
Nagsisimula na ring uminit ang mga mata ko. Bumibilis na rin ang pintig ng puso ko sa kaba't pag-aalala. Marami na ring pumapasok sa isip ko kung bakit hindi ko siya makita.
Pinili ko na munang tumayo at maglibot sa paligid. Malaki din naman itong park kaya baka tulog lang ito sa likod ng mga halaman. Sinilip ko din ang cat house nila pero wala talaga siya.
Nanginginig ang kamay kong muling iginagala ang paningin sa kabuuan nitong park. May ilang din nagtatakang nakatingin sa akin. Nakatayo ba naman ako sa ginta nitong park.
Lumapit ako sa ibang care taker nitong park at mga pusa. Kilala na rin naman nila ako dahil sa loob ng dalawang Linggo ay palagi akong nandito at nakikipag-usap pa minsan sa kanila. Tinanong ko sila kung nakita ba nila si Raegan pero hindi raw nila nakikita simula pa kaninang umaga. Alam din nila si Reagan dahil iyon ang bukambibig ko sa kanila.
Nauubusan ng pag-asang naupo ako ulit. Kagat ang labing nag-iinit ang gilid ng mga mata ko hudyat na maiiyak na ako. Kung hindi ko mahanap si Raegan at hindi ako matulungan ng ibang care taker dito ay isang tao lang ang naiisip kong makakatulong sa akin.
Agad akong tumayo at mabilis na nagtungo sa lugar kung nasaan ang taong makakatulong sa akin. Binati ko lahat ng taong nasasalubong ko. Marami din akong naging kaibigan dito sa university dahil friendly akong tao.
Kumatok muna ako sa pinto at hinintay ang pahintulot ng taong nasa loob. "Come in.." pagkarinig ko no'n ay mabilis na akong pumasok sa roon.
Nakita ko namang naka-high ponytail ang blonde niyang buhok at may suot siyang reading glasses. Prente siyang nakaupo sa harapan ng lamesa niya, suot ang maroon na unipormeng para talaga sa kanilang mga school council officers.
Ang hot niya pero...
"M-Morgan.." paninimula ko sa garalgal na boses. Namumuo na rin ang luha ko sa mata.
Nakita ko naman ito takang napatayo at naglakad palapit sa akin.
"What's wrong?" tanong nito sa malumanay na boses nang makahinto siya sa harapan ko.
"S-Si Raegan kasi nawawala.." dagdag ko pa at tuluyan na ngang tumulo ang mga luha ko sa pisngi.
Umiling naman ito tsaka pinunasan ang pisngi ko gamit ang punting panyo galing sa bulsa niya.
"Who's Raegan?" takang tanong niya pa matapos mapunasan ang luha ko sa mata.
Nanginginig ang labing sumagot ako. "Iyong pusa sa cat's paradise na ikinu-kwento ko sayo sa bahay"
"Oh.. You're crying because of that? It's just a cat, Kreme.."
"Anong it's just a cat?! Hindi, Morgan! Napamahal na sa akin ang pusang iyon. Hindi ba meron kang isda sa bahay mo, dapat hindi lang isda ang mahalaga sa'yo kundi lahat ng hayop sa mundo!" napaatras ito sa pagsabog ko sa harapan niya.
Nanlalaki ang matang napatakip ako ng bibig nang mapagtantong nataasan ko ng boses si Morgan.
Lagot. Mukhang magagalit na siya sa akin..
Nagsalubong ang perpektong kilay nito pero agad ding naghiwalay nang huminga ito ng malalim. Hindi siya nagsalita bagkus ay tumalikod ito sa akin para bumalik sa pagkakaupo niya sa lamesa niya.
Walang emosyon ang mukhang tumitig ito sa mukha ko na para bang may malalim na iniisip. Nakaramdam naman ako ng takot, kaba, at konsensya.
Dagli akong lumapit sa harap ng mesa niya. "M-Morgan, sorry. Hindi ko sinasad-"
"Tell me what the cat looks like" nangunot ang noo ko sa putol niyang iyon sa paghingi ko ng tawad sa kaniya.
Titig na titig ang berde niyang mga mata sa akin. Muli na naman akong nakaramdam ng pagiging conscious sa sarili.
Bakit ba kasi ang hilig hilig niyang tumitig?
"Come on, Kreme. Tell me the appearance of the cat that you were saying earlier"
"S-Seryoso ba?" tumango naman ito.
Umayos ako ng tayo at mas lalong hinigpitan ang yakap sa librong dala ko. Umiwas din ako ng tingin bago nagsalita rito.
"Uhm.. stripe siya na ginger ang balahibo. Babae siya at yellow ang collar sa leeg" sandali naman akong sumulyap sa kaniya matapos kong magsalita.
"Okay.." maikling sagot niya tsaka pa tumingin sa suot nitong relo sa pulsuhan niya. "You have class in ten minutes, Kreme. So go to your class now, let's just meet at five pm in the parking lot later"
"P-Pero paano 'yong pusa-"
"I'll handle it. Pumasok ka na."
"Sigurado ka?" tumango lang naman siya sa akin.
Hindi na rin ako umangal pa at umattend na nga ng klase ko. May tiwala naman ako sa kaniya. Alam kong paninindigan nito ang sinabi niya.
Please naman, Raegan ko, magpakita ka na sa akin..
–
Sorry for grammatical and typo errors. Thanks for reading. Lovelots! <3
YOU ARE READING
Morgan Reign Ausbern (FILIPINO GXG)
Fanfiction"Ladies and gentlemen. I want to present to you our last girl for tonight. She's not just an ordinary girl because she's a pure and untouched young lady. Everyone wants a virgin, am I right?" narinig ko ang hiyawan ng mga tao. "Let's start the aucti...