Chapter 7 : Home

177 6 0
                                    

Kreme Dianne's POV

Humihigop ng gatas akong nakatulala lamang sa labas ng floor to ceiling glass window ng penthouse designed condo unit ni Morgan. Katunayan niyan ay hindi ako nakapasok ngayong araw dahil sa sakit ng buong katawan ko sa nangyari sa amin ni Morgan kagabi. Sinigurado naman ni Morgan sa akin na excuse ako sa lahat ng klase ko ngayong araw.

Ibinaba ko ang hawak na tasa at pinantakip ang dalawang palad sa mukha. Ramdam ko ang pag-iinit ng buong mukha ko nang maalala ang nangyari kagabi.

Inalis ko din ang mga kamay sa mukha nang marinig ang pagbukas ng main door. Hindi ko kita mula dito sa kusina ang taong pumasok pero alam ko namang si Morgan lang iyon. Biglang nataranta ang sistema ko. Hindi ko alam kung paano siya haharapin ngayong araw.

Wala na kasi siya paggising ko kanina. Nakatanggap nalang ako ng message mula sa kaniya na pumasok na ito at na-excused na rin ako sa mga klase ko.

Nakahinga naman ako ng maluwag nang marinig ang yabag ng paa nito paakyat ng hagdanan. Maingat naman akong tumayo at nagtungo sa lababo para hugasan ang baso ng ininuman ko ng gatas. Sa totoo kasi niyan ay hapon na ako nagising. Gutom ako pero gatas ang unang hinanap ng dila ko kaya ito palang ang laman ng sikmura ko ngayon. Ngunit mukhang natagalan ako sa pagmumuni-muni dahil inabot na pala ko ng gabi. Alas syete na rin kasi.

Nagsend din ako ng text kay Morgan kanina kung anong gusto nitong kainin ngayong gabi dahil balak ko sana siyang lutuan pero hindi naman siya nagreply kaya hindi pa ako nakakaluto. Nakakahiya nga na nakauwi na siya pero wala man lang akong maihahain sa kaniya.

Kakabanlaw ko pa lamang ng ginamit kong mug nang may bigla na lamang humawak sa braso ko't pinihit ako paharap dito. Hindi ko na nakita pa ng maayos si Morgan dahil agad ako nitong binuhat paupo sa counter top ng sink. Ipinwesto ang sarili sa pagitan ng mga binti ko kasabay ng mabilis nitong pagsiil ng halik sa akin.

Mapusok iyon. Nananabik at nanggigigil. Mahigpit din itong nakahawak sa magkabilang bewang ko. Dahil sa gulat ay nabitawan ko ang hawak kong mug ngunit hindi man lang siya natinag doon. Niyakap pa ako nito lalo at sinabihang tumugon sa halik niya.

Pumikit na lamang ako't niyakap ito sa batok kasabay nang pagtugon ng halik dito. Medyo kinakapos na ako sa paghinga dahil sa pusok ng mga halik nito sa akin. Hindi ko tuloy napigilang ilayo siya nang bahagya sa akin. Parehong naman kaming hinihingal at nakatitig sa mata ng isa't isa.

"I missed you.." sandaling bulong nito tsaka na naman ako muling hinalikan sa labi. At sa pangalawang pagkakataon ay napapikit na lamang ako't hinalikan siya pabalik. Masuyo at maingat na ang paraan ng paghalik nito sa akin.

Marahan na rin nitong hinihimas ang magkabilang bewang ko na siyang nagbibigay ng kakaibang kiliti sa buong katawan ko. Hindi ko maintindihan ang nararamdam ko ngayon. Nabibingi na rin ako sa lakas ng kabog ng dibdib ko. Hindi pa rin nagsisink in sa akin ngayon na ang nakikita at napapanood ko lamang sa billboards, magazine, television, and social media ay narito ngayon sa harapan ko't hinahalikan ako.

Hindi ko alam kung swerte ba ako o malas na need ko pang umabot sa puntong mapasok sa auction at makuha ng isang sikat na personalidad sa buong mundo..

Ilang minuto rin ang lumipas ng lumayo ito at pinagdikit ang noo naming dalawa. Hinihingal akong nagmulat ng mata. Hinihingal rin ito habang nakapikit. Inilayo ko ang mukha rito para pakatitigan ang napakagandang mukha ni Morgan.

Naka-messy bun ang pa-alon nitong blonde na buhok. Mukhang bagong linis lamang ito ng katawan base sa fresh na amoy niya. Nakasuot na rin ito ng loose brown shirt at gray cotton shorts. Kahit ano talagang isuot niya, mukha pa rin siyang model na ginupit mula sa magazine. Sa totoo niyan ay model naman talaga siya ng magazine, madalas pa ngang nasa front page pero ibang iba siya sa personal. Mas attractive, mas makinis, mas maputi, mas matangkad, at mas sexy.

Morgan Reign Ausbern (FILIPINO GXG) Where stories live. Discover now