Chapter 5 : Ginger Cat

189 8 7
                                    

Kreme Dianne's POV

Muli akong tumingin sa mamahaling touchscreen na cellphone na hawak ko para tignan ang oras. Isa ito sa bigay sa akin ni Morgan dahil hindi siya natutuwa sa de-keypad kong cellphone. Maingay daw kasi kapag nagta-type. 

Nangingiti naman akong napa-iling. Naalala ko kasi ang unang beses niyang nakita ang cellphone ko. Sinuri niya pa iyon hanggang likuran na akala mo'y ngayon lang siya nakakita no'n.

Tinanong pa nito kung nakakapag-message o tawag ba iyon. Syempre sabi ko 'oo'. Hiningi ko pa nga ang number niya para mai-text at matawagan ko siya. Swerte ko nga that time dahil hindi pa nae-expired ang load ko. After ko siyang matawagan ay nailing lang ito no'n, hanggang nga sa sinabi niyang hindi niya raw gusto ang de-keypad kong cellphone dahil maingay iyon noong nagta-type na ako ng ite-text sa kaniya.

Kinabukasan din no'n ay may deliver na package sa bahay. Bagong cellphone at laptop na binili pala niya para sa akin. Sinabi ko sa kaniya na huwag na siyang gumastos dahil may limang milyon naman akong nakuha galing sa auction pero sabi lang nito ay huwag ko raw iyon galawin at ipang-gastos ko nalang raw sa pagpapagamot kay mama.

Sobra sobra pa sa five hundred thousand na utang ko ang nabayaran ko kay Sir Froilan. Stable na rin ang pagpapagamot ni mama sa hospital.

Noong nakaraang araw ay tinawagan ko si kuya at kinumusta ang kalagayan ni mama, maging sa kung ano na ang sitwasyon nilang tatlo nila papa. Nagpadala kasi din kasi ako ng pakunti-kunti kila kuya para di sila maghinala. Natuwa pa nga si kuya at papa sa naging balita kong nakakapag-aral na ako ulit. Syempre hindi ko sinabi kung ano talaga ang totoong nangyari kung bakit nagkaroon ako ng perang panggastos sa kanila. Sinabi ko lang na nakahanap ako ng trabaho na malaki ang sweldo at nakapasok ako sa scholarship ni Mayor.

Nakokonsensya man sa pagsisinungaling ay wala naman akong ibang choice. Hindi rin ako nagsisisi sa pinasok ko dahil napakaswerte ko sa puder ni Morgan. Sa tagal kong nasa pangangalaga niya ay never niyang pinaalala ang nangyaring auction sa akin sa club.

Parang wala talaga siyang interes o pakialam sa kung ano ba talaga ang dapat ginagawa sa aming mga babaeng nakukuha sa lugar na iyon. Never ko rin siyang nakitang nagalit. Meron lamang itong RBC o resting bitch face pero mapagtatanto mong wala talaga siyang emosyon sa napakaganda niyang mukha.

"Magfive-thirty na pero bakit wala pa rin siya?" mahinang sambit ko matapos makita ang oras sa screen ng mamahaling cellphone na hawak ko.

Napasulyap din ako sa mamahaling sasakyan ni Morgan sa harap ko. Iba ito kumpara sa makintab na itim na sasakyang ginamit niya sa club. Hindi ko tuloy mawari kung ilan ding sasakyan ang meron siya. Ito kasi ang pangatlong beses na nagpalit siya ng sasakyan papunta rito sa university.

Siya pala ang nagmamaneho ng sasakyan niya kapag papasok sa school pero kapag aalis o pupunta sa kung saan man ay nagpapamaneho o nagpapa-drive ito sa kaniyang driver niya na si kuya Akihiro na mas matanda lang sa akin ng limang taon. Katunayan nga niyan ay magkaibigan na kami ni kuya Akihiro dahil naka-bonding ko ito nang dalawang beses ko siyang sinamahan mag-grocery para sa bahay ni Morgan.

"Sorry if it took me a while to come here"

”Ay pusang gala!" gulat na gulat kong sigaw nang may magsalita sa likuran ko. Nahulog pa nga rin ang hawak kong libro, mabuti nalang hindi ko nabitawan ang mamahaling cellphone na bigay nito sa akin.

Napahawak ako sa dibdib at napatingin sa kaniya. Nangunot ang noo ko dahil naintriga ako sa hawak nito na sa pagkakaalam ko ay isang pet carrier box.

Ngunit muling namilog ang mga mata ko nang may mapagtanto.

Morgan Reign Ausbern (FILIPINO GXG) Where stories live. Discover now