Chapter 3 : Her name

194 9 0
                                    

Kreme Dianne's POV

Maaga akong gumising dahil iyon naman ang nakasanayan ko. Sandali akong tumingin sa orasan sa bedside table nitong guest room at nakitang alas sais na pala ng umaga. Agad akong bumangon, naghilamos at nagsipilyo ng ngipin.

Nang matapos ay dagli rin akong lumabas ng kwarto upang magpunta ng kusina. Hindi ko alam kung pwede ko bang gamitin ang mga gamit niya sa kusina dahil balak ko siyang lutuan ng agahan ngayon.

Ayoko namang maging useless sa pamamahay niya. Kung hindi man sex o puri ko ang gusto nito ay okay na sa akin kung gawin ako nitong katulong sa bahay niya, bawi nalang rin sa malaking pera na ginastos nito sakin.

Nahinto ako nang makita ang matangkad na pigura ng babae sa kusina. Busy ito sa pagluluto ng agahan.

"G-Goodmorning.." bakas ang hiya kong bati.

Jusko. Pinapatira niya na nga ako dito sa bahay niya tapos pinagsisilbihan niya pa ako.

Tumigil ito sa ginagawa at nilingon ako. Nakasuot ito ng salamin ngayon pero napakaganda pa rin talaga niya. Naka-messy bun din ang blonde nitong buhok.

Ang hot. Akala mo'y modelong ginupit galing magazine.

Nakasuot ito ngayon ng loose black t-shirt na pinaresan niya ng maikling puting short. Nakapatong rin ang kulay itim na apron sa harapan nito.

"Morning.. Take a seat" tsaka siya muling nagsalang ng itlog sa kawali.

Agad naman akong tumalima at naupo. Pinapanuod ko lamang itong magluto. Binabalot na nga ako ng hiya dahil ako na nga itong pinatitira dito ay ako pa talaga ang pinagsisilbihan ng may-ari nitong bahay.

"Do you want coffee?" kapagkuwa'y tanong niya nang mailapag sa mesa ang plato ng naluto nitong fried egg, tocino, hotdog, at pancake.

May pagtataka sa mukhang tumingin ako sa stove nito. Wala ng ibang nakasalang. Wala ring rice cooker sa kung saan man. So walang kanin?

Hindi ba siya nagkakanin?

Gusto ko man magtanong ay nahihiya naman ako. Baka isipin nito, palamunin na nga ako, nagdedemand pa ako ng makakain. Nakakaiyak naman.

"Hindi ako nagkakape" bagkus ay sagot ko sa tanong niya.

Muli naman itong natigilan at napatitig sa akin. Mannerism niya ba ang pagtigil sa ginagawa at pagtitig sa mukha ng iba?

Nakaka-conscious pa naman. Titigan ka ba naman ng taong may ganyang kagandang mukha at may perfect na pangangatawan, 'di ka ba makakaramdam ng panliliit at hiya?

"Juice or milk?" maya maya ay tanong niya habang nag-aalis na ng apron.

"Gatas nalang... Halla! Ako na!" sambit ko kasabay nang mabilis na pagtayo dahil kukuha na ito ngayon ng gatas sa refrigerator niyang dalawa ang pinto. Ito pa yata iyong klase ng ref na kinakatok at may screen na pwedeng panooran.

Ang yaman talaga ng babaeng ito...

Muli naman itong natigilan at napatingin sa akin. Napalunok ako nang mapagtantong ang lapit pala namin sa isa't isa at halos magdikit rin ang mga kamay sa handle ng ref niya.

Grabe. Napakaganda talaga. Ang kinis ng balat, ang tangos ng ilong, at napakaganda ng mga mata. May ganito pala talagang taong nagi-exist sa mundo ano?

"A-Ako na.." tsaka ako umiwas ng tingin habang namumula ang mga pisngi "Nakakahiya kasi.." mahinang dagdag ko pa.

Bumitaw naman ito at sumandal sa counter top sa bandang gilid lamang ng ref. Muli na naman siyang tumitig sa akin.

Morgan Reign Ausbern (FILIPINO GXG) Where stories live. Discover now