Kreme Dianne's POV
Nandito ako ngayon sa lockers hallway at hinihintay si Paulina, classmate ko at isa rin sa naging kaibigan ko dito sa Ausbern. Nagmessage kasi ito sa akin na sabay raw kami pumasok sa last subject namin ng hapon. May inayos lang raw siya saglit sa accounting.
Dahil sa inip ay binuksan ko nalang muna ang locker ko't inabala ang sarili sa pag-aayos ng laman no'n. Natigil ako sa kalagitnaan ng ginagawa nang makaamoy ako ng isang mabangong amoy malapit sa akin. Napapihit tuloy ako paharap sa likuran ko kung saan ko naamoy ang bagay na iyon.
Tumaas ang kilay ko nang makita ang isang babaeng pamilyar ang mukha. Hindi naka-ayos ang necktie ng uniform niya ngunit mas lalo lang naman iyong nakadagdag sa lakas nang alindog ng babaeng kaharap ko ngayon. Bagsak ang mahabang wavy blonde hair nito. Nakatitig lang rin ang mapungay nitong mga mata sa akin habang may pilyang ring ngiti sa labi.
"Ano po–" hindi na natapos ang sasabihin ko nang bigla ako nitong idiin sa lockers kasabay nang paghalik nito sa akin sa labi. Nanlalaki ang mga matang napatitig ako sa babaeng nakapikit ngayon habang nakahalik sa sakin. Dahil sa gulat ay naitulak ko ito kasabay nang pagpapakawala ko ng isang malakas na sampal sa pisngi niya.
Hindi makapaniwala ang mukha nitong napatitig sa akin. Nanginginig naman ang mga kamay kong napakuyom sa galit rito.
"Why did you slap me?" parang tangang tanong nito na obvious naman ang sagot.
"M-Malamang! Nanghahalik ka basta basta!" tsaka ako umatras palayo sa kaniya. Doon ko naman napansin na may iba na palang mga estudyante na nakikiosyoso sa aming dalawa.
"Aw. Don't you like it?" tsaka siya ngayon ngumiti na para bang wala siyang ginawang kabastusan sa akin kanina. Hindi ko malaman kung anong isasagot sa kaniya. Medyo nadi-distract kasi ako sa mukha nito. May kahawig kasi ito pero hindi ko lang talaga mapunto kung sino. Parang kamukha kasi nito si–
"What's happening here?" lahat kami ay napatingin sa taong dumating. Agad akong tumakbo palapit dito tsaka siya hinawakan sa braso. Napatingin naman ito sa akin.
"Morgan.." kagat labi kong sambit at tila pa yata nagiging emosyonal.
Nakita ko naman na lumambot ang ekspresyon ng mukha ni Morgan nang makita ang itsura ko. "What's wrong?" malumanay na tanong nito sa akin.
Bago sumagot ay humarap ako sa babaeng nanghalik nalang sa akin ng basta basta kanina. Pagalit ko itong idinuro. "Siya kasi Morgan, binastos niya ako. Bigla niya nalang akong h-hinalikan kanina"
"Wait.. Hold on. It's just a kiss, ok–"
"Stop. Let's talk in my office after class" sambit ni Morgan habang nakatitig na ngayon sa babaeng mukhang dismayado sa sinabi ni Morgan sa kaniya.
"Come on, Kreme.." hila sa akin ni Morgan paalis sa lugar na iyon pero bago pa man kami makalayo'y narinig pa namin ang pag-angal ng babae.
"Morgan, come on. It's not new–"
"Just do what I told you to do, Lux Margaret" tsaka na ako nito tuluyang hinila paalis doon.
Napadpad kami sa loob ng office ni Morgan. Nakatalikod ito sa akin habang hawak pa rin nito ang kamay ko. Hindi ko alam kung ano ang iniisip niya. Nahihiya tuloy akong magsalita sa ngayon. Pero hindi rin naman nagtagal nang humarap ito sa akin. Nahigit ko naman ang hininga nang makita ang kabuuan niya. Nakasuot siya ng designated uniform nila sa student council at naka-high ponytail rin ang blonde nitong buhok.
Napakaganda talaga..
"Ayos ka lan–" natigilan ako nang hawakan nito ang pisngi ko't dahan dahang hinaplos ng hinlalaking daliri ang labi ko na para bang may binubura mula rito.
Pumikit ito saglit at nang makamulat ay hinila ako nito palapit sa lamesa niya't binuhat ako para ipaupo doon.
"Morgan.." nabibigla namang sambit ko.
Agad ring pumwesto si Morgan sa pagitan nang mga binti ko habang ako naman ay napakapit sa magkabilang balikat nito.
Muli siyang humawak sa pisngi ko't hinaplos rin ang labi ko gamit ang daliri niya. Titig na titig naman ito sa bibig ko.
"She's Lux Margaret, Kreme and she's my cousin.." paninimula niya na naging dahilan para gulat akong napatitig rito.
Kaya naman pala kako parang magkahawig silang dalawa. At pareho pa talagang dilaw ang buhok nila.
Pero tila naman ayaw ng sistema kong tanggaping pinsan ni Morgan ang babaeng walanghiyang iyon dahil napakalayo ba naman ng ugali niya kay Morgan na mabait at may respeto sa ibang tao.
"And I'm mad at her for kissing you" umangat ang mga titig nito sa mata ko dahilan para mapalunok ako. "because I want to be the only one to kiss you, Kreme"
Hindi ko naman alam kung ano ang sasabihin dito. Basta matagal din kaming nagtitigan bago niya ako hinila para yakapin. Akala ko nga'y hahalikan niya ako gaya nang mga nababasa o napapanood ko sa mga romantic story or movies.
Hays. Hindi nga pala talaga wattpad o telenovela ang nangyayari sa totoong buhay..
–
Nandito na kami ngayon sa bahay. Pinapakain ko si Raegan habang si Morgan naman ay busy sa pagwa-water change ng aquarium niya. Tapos na rin kaming nag-dinner ni Morgan sa labas kanina bago kami umuwi dito sa bahay.
Matapos ko sa mga gawain ay naisipan ko na munang umupo sa sofa upang pagmasdan si Morgan na naglalagay na ulit ng bagong tubig sa aquarium niya.
Maya maya'y napansin yata ni Morgan na pinapanood ko siya kaya huminto ito sa ginagawa. Nagpunta siya saglit sa kusina at nang makabalik ay diretso itong naglakad hanggang mahinto siya sa harap ko. Napatingala naman ako rito dahil nga sa nakaupo ako ngayon sa sofa.
Hinawakan nito ang magkabilang pisngi ko atsaka yumuko upang dampian ako ng halik sa labi na siyang ikinatigil nang sistema ko.
Lumayo ito ng kaunti para titigan naman ako sa mata. "Are you tired? Do you want to sleep now?" hindi ko alam pero parang ang lambing nang pagkakatanong nito sa akin. Hindi ko tuloy napigilan ang sariling mapangiti dahil sa kilig na nararamdaman ko.
Kainis ha..
Bagkus naman na sumagot ay hinila ko ito sa batok para halikan sa labi. Unti-unti rin akong tumayo nang hindi pinuputol ang halikan para hindi siya mahirapan sa pagyuko. Di rin nagtagal nang lumayo kami nang bahagya sa isa't isa. Hinihingal din kaming nagtitigang dalawa. Napakagat ako nang labi nang bigla itong ngumiti sa akin.
"You're so beautiful, Kreme.." bulong nito para tuluyan na akong mapangiti na naman.
Nakakainis 'to.. Nakakakilig pumuri eh.
"He, ewan ko sayo. Doon ka na nga.." kinikilig kong tulak sa kaniya palayo. "Tapusin mo na 'yang ginagawa mo para makatulog na tayo" natatawang sabi ko tsaka muling umupo ulit sa sofa. Agad naman itong lumapit ulit at saglit na hinalikan na naman ako sa labi.
"But wait for me, ha? Don't sleep here" tukoy niya sa sofa kung saan madalas akong nakakatulog kakaantay sa kaniya kapag may ginagawa siyang importante.
"Oo na nga eh. Go na.." nangingiting taboy ko pa.
Napailing naman ito bago tinuloy ang ginagawa niya kanina. Naisipan ko nalang rin na manood na muna sa cellphone habang hinihintay siya. Nagbabakasakaling malaban ang antok na nararamdaman ko sa mga oras na ito.
–
Sorry for grammatical and typo errors. Thanks for reading. Lovelots <3
YOU ARE READING
Morgan Reign Ausbern (FILIPINO GXG)
Fanfiction"Ladies and gentlemen. I want to present to you our last girl for tonight. She's not just an ordinary girl because she's a pure and untouched young lady. Everyone wants a virgin, am I right?" narinig ko ang hiyawan ng mga tao. "Let's start the aucti...