Chapter 10 : This is too much

110 5 0
                                    

Kreme Dianne's POV

"I know what you're thinking, Kreme" putol ni Morgan habang sabay kaming kumakain ng gabihan ngayon. Dahil doon ay napatingin ako sa kaniya.

"You guys are important to me that's why I did that.." paliwanag nito na para bang hindi iyon bigdeal sa kaniya. Well, sa kaniya lang pero sa akin sobrang bigdeal no'n.

Para ngang ang sarap magyabang sa lahat ng umiidolo sa kaniya na handa nitong gawin ang mga bagay na imposible para sa aming dalawa ni Raegan.

Hindi ko naman napigilang mapangiti bago sumubo ng pagkain. Oo na, kinikilig na ako.

"You're smiling" napakagat labi ako para pigilan ang sarili. Lahat nalang ba papansinin niya?

"Masaya lang ako na parang hindi na kami iba sa iyo ni Raegan" huminto ito sa pagkain para pakatitigan ako sa mukha.

Ang ganda ganda mo, Morgan. Utang na loob tigilan mo naman iyang pagtitig mo palagi sa akin. Hindi ko na kasi maintindihan 'tong nararamdam ko para sa'yo sa totoo lang.

"Hindi naman talaga" buhat doon ay nanlaki ang mga mata ko. Nagtagalog siya guys! Nagtagalog ulit siya!

Nakita ko ang pagsilay ng ngiti nito sa labi. Labas pa ang ngipin. Lord, bakit naman noong nagpasabog ka ng kagandahan, pinasalo mo lahat kay Morgan?

"Kreme.." tawag pa nito lalo sa atensyon ko. Hindi ko alam ang kuryenteng dumaloy sa buong katawan ko nang hawakan nito ang kamay ko sa ibabaw ng lamesa.

"I'm starting to like you. No. What I mean is that, I already like you. Gustong gusto na kita and I want this to be real"

Shet. Lord! Sabihin mo na sa akin ngayon kung babawiin mo ba 'tong kasiyahan ko kasi ang lala ng tuwa ko ngayon.

Napahawak ako sa dibdib ko dahil sa lakas ng kabog nito. Pareho din kaming nagulat ni Morgan nang sampalin ko ang sarili para gisingin kung sakali mang panaginip lang ba ito.

"Wh..Why did you do that? Sobra na masakit ba?" hinaplos ng isang kamay nito ang pisnging sinampal ko kani-kanina lang.

Hindi pa rin ako makapaniwalang nakatingin lang sa magandang mukha ni Morgan. Jusko. Hindi pala talaga panaginip 'to kasi ang sakit no'n!

"Teka, Morgan.." lumayo ako mula sa pagkakahawak niya sa akin. Nakita ko naman ang sobrang pag-aalala nito sa mukha. "Seryoso ka ba? Kasi baka naumpog lang pala ulo mo kanina o kaya may mali lang sa pagkakaluto ko sa ulam nati–" natigil ako nang muli ako nitong hawakan sa kamay. Ngumiti ito kasabay din nang pag-aalis ng buhok na tumatabing sa mukha ko para iipit iyon sa likod ng tenga ko.

"I'm serious, Kreme. Gustong gusto kita. I know mabilis lahat but I want us to be real. And I don't want you to think that you're just a woman I got from auction." paliwanag nito.

"Sandali kasi ang bilis-bilis naman" sabunot ko sa sarili. Narinig ko naman ang pagtawa ni Morgan. Shete. Ayoko na. Ang perfect perfect niya sa lahat ng aspeto sa buhay.

Nabibigla na nga ako sa mga pinagsasabi niya, namamangha pa ako sa pagta-tagalog niya, idagdag mo pang tumatawa siya ngayon sa pinaggagawa ko sa sarili ko.

"Hey.. Don't get frustrated about it, Kreme. I'm not rushing you. Hintayin kita." Cute mo magtagalog, kainis ka na.

"Bakit ang bilis mo naman kasi? Pinapakiramdaman ko pa nga lang sarili ko kung ano itong nararamdaman ko sa'yo eh." nahihiyang pag-amin ko.

Morgan Reign Ausbern (FILIPINO GXG) Where stories live. Discover now