Kreme Dianne's POV
Kasalukuyang naririto ako sa loob ng magara at napakalaking penthouse designed na condo unit ng babaeng nakabili sa akin ngayong gabi.
Brown, cream, and white lang ang halos makikitang kulay rito sa loob ng bahay niya. Sandali kong pinasadahan ang itsura ko sa harap ng full-length mirror nitong kwarto. Guest room ito. Dito ako pinadiretso ng babaeng nakakuha sa akin kanina. Hanggang ngayon ay hindi pa ito nagpapakilala sa akin. Ni hindi rin siya nag-alis ng mask nang makapasok kami rito sa bahay niya.
Nagtataka na tuloy ako kung may mali ba sa itsura niya sapagkat parang ayaw nitong makita ko ang kabuuan ng mukha niya.
Hindi naman siguro siya panget ano?
Napakagat ako ng labi sa hiya at kaba. Ipinadausdos ko pababa ang mga palad ko sa suot kong pulang silk nighties dress. Hapit ito sa akin kaya kitang kita ang hubog ng katawan ko. Naramdaman ko naman ang pag-iinit ng mga pisngi ko.
Bakit ba nahihiya akong makita niya akong ganito ang suot ko? Eh kanina nga naka-panty bra lang ako sa club dahil sa suot kong black lingerie..
Napabuntong hininga muna ako bago pumihit patungong pinto. Sinabihan niya kasi akong magkita kami sa dining area nitong enggrandeng penthouse niya.
Oo na, hinampas na talaga ako ng kahirapan dahil sa sobrang yaman niya...
Dahan dahan akong bumaba ng hagdan, maingat kong inihahakbang ang mga paa upang hindi makagawa ng kahit na anong ingay. Tanging aircon at tunog lamang ng aquarium ang naririnig ko.
Isa pa iyan. Pangarap ko talagang makapag-alaga ng isda, kung hindi lang talaga dagdag gastos eh, matagal na akong may ganyan. Kaya naman isa iyan sa paborito kong bagay sa loob ng condo unit na ito.
Nakita ko siyang nakaupo sa isa sa anim na upuan ng dining table niya. Nakatalikod ito sa akin kaya hindi ko kita ang mukha niya. Nakasuot lang rin siya ng itim na silk robe. Mukhang sumisimsim ito ng kape base sa pag-angat ng braso niya at tunog na paghigop sa tasa.
Tumikhim ako nang bandang nasa likuran niya na ako. Napansin ko namang natigilan ito.
"Take a seat" maya maya'y turan nito sa akin.
Nakayuko akong nilagpasan siya at umupo sa kabilang gilid ng lamesa, medyo malayo sa pwesto niya dahil nahihiya ako rito. Isipin mo nalang na ilang oras mula ngayon ay makikipagtalik na ako sa babaeng ito. Hindi man ako handa ay wala akong magagawa dahil binayaran niya na ako sa club kanina. Hindi ko na iyon pwedeng bawiin pa dahil nakasalalay dito ang buhay ni mama.
Hindi pa rin ako tumitingin sa kaniya. Bagkus ay nilalaro ko lamang ang mga daliri ko sa kandungan.
"Look at me. I want to see your face.." kapagkuwa'y rinig kong sabi nito sa medyo raspy at malumanay niyang boses.
Doon naman ako nag-angat ng tingin sa kaniya. Ganoon nalang ang panlalaki ng mga mata ko nang sa wakas ay nakita ko na ang itsura nito.
Kung hindi ako nagkakamali, siya iyong nasa cover ng mga magazine at billboards na nakatirik sa main highways nitong La Sullivan.
Kulang ang salitang dyosa at anghel kung ide-describe ang itsura niya. Mapungay ang mga mata at napagtanto ko pang kulay berde pala ang mga iyon. Heart shaped ang kaniyang mga labi. Napakatangos ng ilong at may natural na makapal na kilay. Bagsak din ang medyo wavy nitong blonde na buhok. Modelong modelo at artistang artista ang datingan niya para sa akin.
"Are you okay?" putol nito sa paghanga ko sakanya.
Napatikhim ako't napayuko.
Nakakahiya ka, Kreme ano ba?
YOU ARE READING
Morgan Reign Ausbern (FILIPINO GXG)
Fanfiction"Ladies and gentlemen. I want to present to you our last girl for tonight. She's not just an ordinary girl because she's a pure and untouched young lady. Everyone wants a virgin, am I right?" narinig ko ang hiyawan ng mga tao. "Let's start the aucti...