Gwapong Humble 17

274 26 1
                                    

Dear Diary,

Q: What will you do to encourage every students to eat nutritious food?

 

Ang hirap mag-isip ng isasagot ko sa tanong na 'yan Diary. Buti na lang talaga gwapo ako. Dun ko na lang sila dadaanin. Hehe. Goodluck to me!

 

Again, SUPPORT! \m/

—-

Nakarating na ako ng school. Dire-diretso na kong pumasok. Hindi na nga ako sinita ni Manong Guard kahit wala naman akong I.D. dala. Kilala naman niya ako. Sabi niya nga sakin, ako lang daw 'yung namumukod tanging gwapo sa campus. Kapag ganun, umiiling parin ako bilang pagtutol kahit naniniwala naman ako sa sinasabi niya. Hindi ko kasi ugaling maging proud at magyabang. Dapat humble lang diba?

Alas-dose pa lang ng tanghali. Pumunta ako sa CR ng boys para maligo. Wala naman estudyante dun kasi lunch time, so busy ang mga 'yun kumain sa canteen. Nilagay ko na lang sa ibabaw, malapet sa flush ng toilet 'yung bag ko. Inisa-isa ko nang hubarin ang suot ko magmula sa t-shirt, pantalon, hanggang sa butas-butas kong brief na medyo flower na ang garter. Pinagti-tiyagaan ko pa 'tong suutin kasi favorite ko 'tong brief na 'to. Gusto ko nga 'tong suotin sa big night mamaya, kaya lang sabi ni Mama try ko daw 'yung bagong binili niya.

Inilabas ko ang maliit na sachet ng soap and shampoo mula sa bag ko at ibinalik ko naman sa bag ang maruming damit na sinuot ko. Ibinukod ko sa isang plastic para hindi mag-halo-halo. Isinabit ko na rin ang gagamitin kong t-shirt at pantalon sa ibabaw ng pintuan ng cubicle. Mayroon kasing dalwang cubicle sa CR ng boys tapos apat na wall toilet (o kung anuman ang tawag dun). Huli kong inilabas ang ipinagmamalaki kong itim na boxer at pulang brief na bagong-bago made from UK—ukay-ukay.

Nakaramdam ako ng lamig dahil wala na nga akong saplot sa katawan. Sabayan pa ng malamig na tubig na nanggaling sa tumutulong gripo. Nagkuskos na ko ng katawan mula sa itaas paibaba. Sunod kong ginawa ay mag-shampoo ng buhok sa ulo. Naka-dalawang banlaw ako para masiguradong natanggal ang mga libag ko sa katawan pati 'yung buhok na natira kanina.

Okay, I'm done! 10 minutes lang natapos na agad ako. Kaya nagtataka ako kung bakit 'yung mga babae, ang tagal-tagal maligo sa banyo. Ano bang ginagawa nila sa loob ng isang oras? Ako nga, nahimas-himas ko na si junior sa loob ng 10 minutes. Naalala ko lang, sa tuwing aalis kami, ang tagal ni mama sa banyo. Pati 'yung kaklase kong babae dati, ang tagal din naming hinintay dahil ang tagal maligo. Imbes na marami na kaming nagalaan.

Fast forward to 3PM. Finally nakita ko na rin yung mga officers na kaklase ko. Kumpleto sila at gaya ng inaasahan, dala ni Mr. President 'yung costume namin dalawa ni A. In fairness, maganda. Literal na mga gulay ang ginawang pang-design. Iba't-ibang madahong gulay ang nilagay sa pang-ibaba. Bahag-style 'yung sa akin at palda naman 'yung kay A. Tube naman ang pang-itaas ni A at saleko ang sakin, na may mga gulay-gulay rin. May stick naman akong mahaba na may nakatusok na talong sa magkabilaan at koronang gulay naman ang kay A.

"Wow! Astig!" mangha kong sabi habang kinukuha ko kay Mr President 'yung costume.

"Ohh—Ohhh! Wag mo nang kuhanin. Mamaya nab aka masira pa." pinagpa-palo niya ang kamay ko kaya naman agad ko tong iniwas.

Diary ng Gwapo (Pero Humble!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon