Gwapong Humble Last!

161 7 0
                                    

Dear Diary,

Ngayon ko lang na-realized na lahat ng bagay kapag sobra, hindi na maganda. Lahat ng sobra, napapasama na. Katulad ni papa, sa sobrang hangad niya na umunlad kami, mas lalo lang kami nabaon sa utang. 'Yung daddy ni Alex, sa sobrang puno ng galit sa puso niya, hindi rin maganda ang kinalabasan.

And lastly, 'yung pagiging GWAPO ko (pero humble lang!), marami rin akong naapektuhang tao. Thanks at naranasan ko ang maging ganito. Pero hindi parin pala sapat. Kaya ngayon dapat makuntento na ko—sa KAGWAPUHAN ko! Hehe :D

Sorry Ma'am! Walang sense 'tong diary ko. Please 'wag niyo pong ikalat ang lihim ng gwapong si Duke Dominique Dimagiba.

At sa'yo Diary, salamat at nakapaglabas ako ng tae, este—sama ng loob, sakit, at saya kahit panandalian lang. Ang corny! Ang baduy! Yuck! >.<

Your humbleness,

Dudong

---

Dalawang linggo din akong namalagi sa ospital para magpagaling. Masyado kasing malala ang mga tumama sa'kin kaya punong-puno ako ng pasa at sugat sa katawan. Ang sabi ng doktor, magpahinga lang daw ako at uminom ng gamot na nireseta. Pwede naman daw kaming umuwi sa bahay para do'n na lang magpahinga at para hindi na magastos pero ayaw pumayag ni mama. Siya na daw ang bahalang gumawa ng paraan.

Napag-isip-isip ni mama na maghanap na ng trabaho. Ayaw na niya kasing umasa pa kay papa. Alam niyang sobrang nagiging mabigat na ang mga problemang kinahaharap ni papa at nalulungkot siya dahil bilang asawa ay wala man lang siyang maitulong kahit meron naman siyang magagawa pa. Sinabi ni mama sa'kin, madami pa siyang makukuhang oportunities dahil hindi pa naman siya gano'n katanda. College undergraduate naman siya kaya pwede pa rin mai-consider iyon at ang mga working experiences niya no'ng dalaga pa. Napagdesisyunan ni mama na mag-call center na lang para mabilis makaipon. Hindi naman daw graveyard ang pasok doon kaya hindi niya kinakailangang magpuyat. Ipinaalam na daw ni mama kay papa ang plano nitong magtrabaho. Kahit ayaw ni papa ay hindi na niya ito aatrasan pa. Sa katunayan, pumirma na si mama ng kontratra at nagsisimula na siya mag-training doon.

Mabuti na lang magaan na ang pakiramdam ko ngayon. Paano ba namang hindi? E lagi naman akong dinadalaw ni Alex sa ospital. Wala siyang ginawa kundi bantayan ako maghapon. Nag-oonline business na si Alex. Through facebook, instagram and twiiter ay ibinebenta niya ang kanyang mga damit na hindi naman niya naisuot o kaya mga gamit na niregalo sa kanya ng kanyang mga kamag-anak at kaibigan. Gusto rin niyang kumita sa sarili niyang paraan lalo pa't siya na lang mag-isa sa buhay. Ayaw niyang umasa sa uncle niya dahil may pamilya rin ito. Dinadalaw ni Alex ang kanyang daddy tuwing Sabado sa kulungan. Ang balita pa, dadalhin daw ang kanyang daddy sa psychiatrist upang ipasuri ang problema ni Dr. A sa pag-iisip—kung meron man.

Sa loob ng dalawang linggo ay nag-cope up ako ng mga lessons na na-missed ko sa school. Mabuti na lang at nandiyan si Mr. President at Ms. Secretary namin na hanggang ngayon ay lagi kong nakakalimutan ang pangalan. Hehe. Side effect yata 'to ng pagiging gwapo... Hindi maaalalahanin sa pangalan at sa mukha. Nasanay kasi ako na ako lagi ang pinapansin... I mean 'yung kagwapuhan ko. Hehe. Pero hindi ko iyon pinagyayabang ha? Humble lang po.

Sa paglalakad ko papasok ng school, napadaan na ako sa Boso Negro Café. At gaya ng dati ay nakita ko si Aling Martha na naglilinis sa tapat ng bahay nila.

"Ohhh! Dudong ikaw na ba 'yan?" tanong ni Aling Martha at saka tumigil sa pagwawalis.

Kumaway-kaway ako at lumapit naman si Aling Martha sa akin. Sinipat-sipat pa niya ang mukha ko kung talagang okay na ako.

Diary ng Gwapo (Pero Humble!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon