Gwapong Humble 8

423 44 8
                                    

Dear Diary,

Ang hirap talaga maging GWAPO.

Bukod sa habulin ka nang mga tao, habulin ka pa ng mga ASO!!!

 

Takbooooooo!

 

Epic talaga tong pangyayari ngayon. Hindi pa man natirik ang araw ganto na! >.<

Pag minamalas ka nga naman.. T__________T

 

Your Humbleness,

Dudong

—-

*MESSAGE SENDING FAILED!*

 

Kung bakit kasi walang signal sa loob ng bahay. Azarrr!

Eto yung nakakainis na part kapag nagtetext ka tapos biglang magmemessage sending failed. Kaurat diba?! Lalo na kung ang haba haba nan g tinext mo. Ang haba ng oras na ginugol mo para itype ang bawat letra sa phone mo, wala naman palang kwenta dahil hindi din pala nag-send. Umay yun! Tapos pinag-isipan mo pa yung sasabihin mo? Umay lalo!

Pero wala naman akong magagawa kundi mainis lang.

So ang ginawa ko, lumabas ako nang bahay, Wala din kasing signal kahit sa baba sa loob ng bahay. Walang kwentang sala, kusina, banyo o kung ano pa man! Letse! Kaya kahit nakakatamad na lumabas, kahit nakakatamad nang bumaba, kahit nakakatamad nang magsuot nang sando at nang short, kailangan kong gawin. Wala kasi akong short pag natutulog. Presko kasi mag-brief. Minsan nga ini-imagine ko sa sarili ko kung pano kaya pag naging pornstar ako? Kaso hindi naman pwede, gwapo lang ako pero hindi macho. Tsk tsk!

Tignan mo nga naman ang pisteng naidulot nang walang signal sa bahay. Kung pwede lang sanang lagyan ko ng bintana yung kwarto ko, ginawa ko na siguro. Nakakainis na network yan! Hindi pa magsara. Hehehe. Lahat na sinisi ko. Badtrip kasi! Nakakatamad mageffort.

Nasa baba na ko nang bahay. Nakasando na ko at nakashort. Hindi naman kasi pwedeng walang sando kasi baka hulihin ako ng pulis. May mga nagroronda din kasing tanod samin. Baka pati si Aling Buding na tomboy naming tanod mainlove sakin pag nakita akong nakatopless. Uhmmmmm.. RAPSAAAAA!!! Pero ayoko naman mabahiran ng dumi ang pagiging Wholesome ko. At lagi kong tinatandaan na dapat HUMBLE LANG!

 

*Sending Message*

 

In 3...

2..

1...

 

*MESSAGE SENT!*

 

Laking tuwa ko talaga nung nagsend yung pinaghirapan kong itext sa kaibigan ko. Nagpalipas lang ako ilang sandali. Ninamnam ko ang bawat simoy ng hangin. Ang sarap sobra! Ang lamig nang simoy nang hangin. Gabi na kasi. Ayy actually madaling araw na. Hindi ko na namalayan kanina kasi busy ako sa paggawa ng mga assignments at projects ko. Sinipag ehh.. Hehe.

Diary ng Gwapo (Pero Humble!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon