Gwapong Humble 11

297 38 1
                                    

Dear Diary,

Masasaktan ako kapag sinabihan nila akong POGI. Truth hurts kasi. Diba Diary? Ikaw naniniwala ka ba sa kasabihang yan?

 

Nga pala Diary, niyayaya ako ni Mr. President na maging representative ng classroom naming. Mode daw para sa Nutrition Month sa school. Sasali ba ko?

 

Gwapo ko no? Ang hirap nang ganto..

 

—-

Magmula nung nagkaroon na ako ulit ng alagang aso na si Potchoi, hindi na ko masyadong naglalalabas ng bahay. Hindi na din ako nakakapaglaro nang LOL na sobrang kinaaadikan ko dati. Noong si Botchoi pa ang alaga ko, kaya nakakapaglaro ako kasi madalas bumubuntot siya sa akin sa Boso-Negro Café. Alam niya na ang daan dun. Parang alam niya nga ang amoy ko. Minsan kasi nagugulat na lang ako nandoon na lalo na kapag matagal na kong wala sa bahay. Tutal bata pa naman si Potchoi at nagsisimula pa lang akong turuan siya, sa kanya muna ang pokus ko ngayon.

Hindi na din ako masyadong nasstress. May kasama na kasi ako matulog, kumaen, at maligo ulit. Oo sabay din kami ni Potchoi katulad nang ginagawa naming ni Botchoi dati. Wala naman akong pake kung Makita niya ang *toot toot* ko. Close naman sila nang alaga kong yun. Haha.

"ANAKKKKKKK! MAY NAGHAHANAP SAYO SA LABAAAAAAAAAAASSSSS!"

Nasa kwarto lang ako, nanonood ng T.V. Tinignan ko ang oras, alas-syete pa lang ng umaga. Sabado ngayon so it means walang pasok? Ehh bakit an gaga-aga may nambubulabog sa bahay namin?

"SINOO DAWWWWW?????" Sigaw ko din kay Mama. Ayoko pang bumaba. Nakakatamad.

"HINDI KO KILALA EHHHHH! BUMABA KA NA LANGGGGGG!"

No choice naman ako kundi bumaba. Ayoko din namang makipagtalo pa kay Mama nang ganto kaaga. Ipapasabi ko na lang kasi sana na tulog pa ko o kaya maaaga akong umalis, basta wag lang niya ko maistorbo.

Paglabas ko sa may pintuan, nakita ko si Mr. President. Teka? Ano nga bang pangalan neto? Basta siya si Mr. President. Hehe. Mahina ako sa pagkakabisado nang mga pangalan kaya nga kung ano lang maisip kong code sa kanila, yun ang tinatawag ko.  Yung mga kaibigan ko nga pare o kaya par o kaya pre na lang ang ginagamit ko ehh. Ayokong magkabisa ng mga pangalan nila. Tsaka oo nga pala, hindi ko nasabi sa inyo, halos lahat sa mga kaklase ko hindi ko kilala. May mga kakilala ako pero iilan lang. Hindi din naman nila ako masyadong kilala sa totoo kong pangalan. Sa Dudong siguro oo, since nung na-eleksyon sa klase nalaman na nila. Kilala lang nila ako sa mukha. Gwapo ko kasi. Pero humble lang dapat tayo.

"Mr. President."

"Mark na lang ang itawag mo sakin Dudong, nakakahiya, nasa labas na tayo ng school, ganyan padin tawag mo sa akin." Pabulong niya sakin sinabi.

Tumawa ako ng bahagya, sabay sabing "Ehh ano naman Mr. President."

"Pasaway ka talaga.. Mark na nga lang.."

Ahh.. so siya pala si Mark Calderon, the President of our class. Pero teka, bigla akong nanumbalik sa katinuan, Bakit nga ba siya nandito?

Diary ng Gwapo (Pero Humble!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon