Gwapong Humble 12

309 38 0
                                    

Dear Diary,


Alam mo ba kung anong isda ang pinaka-GWAPO?

Ehh di, SELF FISH!

 

Diary, sinabihan nila akong SELFISH! Shit!

 

—-


Lunes na naman. Ito 'yung pinaka-nakakatamad na araw. 'Yung kailangan mong gumising ng maaga kasi papasok ka. Pero ako hindi ko naman kailangan gawin 'yun kasi pang-hapon naman ako. Tsaka lagi naman akong late magising. Hehe.


"POTCHOIIIIII! POOOOOOOTTTTTTCCCCCCHOOOOOIIIIIII!!!!"


Daily routine ko na 'yan sa umaga. Pagkagising na pagkagising hahanapin ko agad si Potchoi. Hindi pwedeng hindi ko agad ko siya masisilayan. Maya-maya lang ay lumapit na siya at humarap sa akin. Binuhat ko siya na parang baby tapos hinarot-harot. Nang mapagod na kami pareho, binaba ko na siya para makakain.


Ohh diba ang sweet? We;;.. Ganyan ako magmahal. Ganyan magmahal ang Gwapo pero Humble. Hoho.

"Ma? Anong ulam?" Pumunta akong kusina at tinignan sa lamesa kung anong ulam.


"Uhmmmmmm saaaaraaaaapppppp!" Napa-pikit pa ko sa sobrang tuwa ko nang Makita ang ulam. Paborito ko kasi 'yung ulam na niluto ngayon ni Mama. Adobong baboy.


"Niluto ko 'yung paborito mong ulam. Ohhh tawagin mo na 'yung kapatid mo at kakain na."


Agad naman akong tumayo at pumunta sa kwarto ng kapatid ko. Good mood yata ako ngayon. Nagsimula na kaming kumain. Kasabay namin si Potchoi kumain. Nasa may paanan ko siya sa bandang kanan.


May inabot sakin si Mama na kapirasong papel. "Ohhh ayann.."


"Ano 'to Ma—?"


"Ticket daw 'yan sabi ni Jaypee." Si Jaypee 'yung kaibigan kong tambay sa Boso-Negro Café.


"Ano raw 'to? Anong gagawin ko dito?" taking-taka naman akong pinagmamasdan ang ticket. May nakasulat lang na *GATE PASS* tapos logo ng Boso-Negro Café.

"Pumunta ka raw mamayang gabi sa Boso-Negro Café. May laban daw kayo."


Laban? Wala akong natatandaang may laban kami ngayon. Isa pa, matagal ko na silang di nakakasama. Mag-iisang lingo na rin yata ang lumipas nang huli ko silang makalaro. Nagtatampo na nga sila sakin kasi puro na lang daw si Potchoi. Kaibigan ko rin naman daw sila. Pero ayoko na kasing maadik si LOL! Wahhhhhh!!!!!


"SHOCKSS!!!" Nasapo ko na lang bigla ang forehead ko. Medyo napa-Arayy naman ako. Napalakas ko yata.


"Ohhh bakit? Naano ka dyan?" napatingin sakin 'yung kapatid ko pati si Mama.


"AANIVERSARY NGA PALA NG BOSO-NEGROOOOO!" wika ko kasabay nun ay panla-laki ng mga mata ko.


Diary ng Gwapo (Pero Humble!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon