Gwapong Humble 18

283 27 5
                                    

Dear Diary,

Alam kong nag-tatampo ka, kaya nga heto na ulit ako, sorry na. Marami akong isusulat at ikwkwento sayo, wag kang mag-alala. Babawi ako kahit gayshit 'tong ginagawa ko! Kailangan para may maipasa ako. Hehe. Pero wag na kaya kitang ipasa kay Mrs. Cruz? Confidential na 'to masyado ehh. Sa tingin mo? Yieeee! Kinikilig betlog niya. :">

Magmula 'nung nanalo ako sa Big Night, naging masyado na kong busy sa career ko. Study tapos rehearse na lang ang lagi kong inaatupag. Sunod-sunod kasi ang mga contest na sinalihan ko. Miss ko na si Potchoi, miss ko na mag-laro ng LOL, at syempre miss na rin kita Diary! Na-miss ko maging ordinaryong gwapo. Don't worry, ako parin 'to, your humbleness! Naging famous gwapo lang ako, pero humble parin. Promise!

The title holder of all season. (Parang anak ako ni Vilma Santos)

July: Mr. Healthy Lifestyle 2015

Augost: Lakan ng Wikang Pambansa 2015

September: Mr. Intramurals 2015

Your humbleness,

Dudong

---

Lumipas ang tatlong buwan matapos ang Big Night sa Nutrition Month, mas dumami ang fans ko, mas dumami ang followers ko sa Facebook at nagkaroon ako ng mga posers sa iba't ibang site like Instagram, Twitter at lalong-lalo na sa Facebook kahit ang totoo, hindi naman ako active sa social media. May Facebook ako before, but the last time I checked it, 300 lang ang friends ko 'dun. Kaya nga nakaka-praning 'yung sinasabi nila na ang dami ko na raw followers.

Naipadala na pala ni papa ang iphone 6 ko matagal na. Binigay lang siya ni mama 'nung awarding ng Nutrition Month. Gift daw niya sakin kahit kay papa naman talaga 'yun galing. Pero hindi na ko nag-react pa kasi baka maratrat na naman ako ng bunganga ni mama. Ang mahalaga may iphone 6 na ko. May pang-selfie na ko. Balak ko ngang mag-upload sa Fb nang pictures ko at videos. Kaso naisip ko, baka masyado na kong sumikat. Tama na muna 'yung ditto lang ako kilala sa lugar naming at sa school.

In short, ang laking epekto ng pageant slash contest slash rampahan ek-ek 'nung gabing iyon sa buhay na meron ako ngayon. Given the fact na gwapo naman talaga ako at kinikilala na sa school dati pa, (take note na humble na humble parin), mas naging patok lang ang pangalan ko sa iba't-ibang lugar malapit samin. Sunod-sunod ang pagsali ko ng mga contest kapag may program sa school. Pinipilit kasi nila ako so no choice naman ako. Even makipag-compete sa ibang school, inaalok na rin sakin. Feeling star tuloy ang gwapong si Dudong ninyo. Hehe. Pero lagi kong tinatandaan na dapat humble lang.

Last August, kinikilala akong Lakan ng Buwan ng Wika ngayon taon, katulad rin nang unang sabak ko sa Nutrition Month ang nangyaring flow ng program. Ang kaibahan lang, barong tagalog ang inirampa kong costume at katutubong sayaw ang ginawa kong talent. Sumunod na pagkapanalo ko ay ang ang Mr. Intrams 2015 na mayroon namang swim wear attire at basketball outfit. Buwan-buwan akong nagkakaroon ng title at humahakot ng papuri sa mga audiences. Hindi ko lubos maisip na ang layo na pala talaga nang nararating ko. Siguro maraming naiinis sakin, mga haters, maraming gusto na i-bash ako pero iniisip ko parin na mas maraming nagmamahal sakin. Gwapo ko kasi tapos humble pa!

Akala ko nung una, nanalo lang ako dahil sa tulong ni Ashanti Alex Alyannah Ang-hit, (A for short) pero hindi pala. Siguro nagkataon lang talaga 'yung nangyaring kamalasan sakin 'nung Nutrition Month. Nagawa ko kasing manalo sa dalawang pageant nang wala siya. Mahigit dalawang buwan na ang nakalipas. Bigla na lang siyang hindi pumasok sa school. Walang nakakaalam kung nasaan na si A. Halos wala ngang nakakaalam sa pagkatao niya. May information siya ng address at contact number sa school pero hindi nila ma-contact dahil lagging walang tao sa bahay nila. Nag-aalala ako sa totoo lang. Una pa lang kasi, malapit na talaga ang loob ko sa misteryosong babae na 'yun.

Diary ng Gwapo (Pero Humble!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon