Gwapong Humble 7

492 47 27
                                    

Dear Diary,

 

Pag may problema ako, iniisip ko na lang POGI ako.

 

Your Humbleness,

Dudong

—-

Nasa lamesa lang ako ngayon sa kusina. Kumakain. Naiistress kasi ako. Sabi kasi nila kapag naiistress at gusto mong mawala yan, ikaen mo lang nang matatamis. Ang problema, may problema na naming dumagdag imbes na wala! Alam mo kung ano? WALA KAMING PAGKAING MATAMIS! Letse! Kaya eto ako ngayon, pinapapak ang siomai na dala nang kapatid ko kagabi pa.

Stress ngayong week. Dami talagang pinapagawa sa school. Ang dami pang bayarin. Kaya bang pagsabayin lahat yun? Hindi naman kami superhero diba? Napapagod din kame. Tao lang din kame. Mga studyante. Ang dapat lang sguro na ginagawa naming sa school ay mag-aral lang. Hindi yung bigyan kami nang kung ano-anong project o kaya sssignments. Minsan wala pang kinalaman sa subject. Asar diba?! Ang sarap magreklamo sa mga ganung teacher. Kaso wala ehh.. Ikaw lang ang mapapasama pag nagbalak ka pang magreklamo. Baka ikaw pa ang pag-initan sa klase. Kaya ako? Go with the flow na lang.. Kung san sila, dun ako..

Ganun naman siguro talaga ang buhay, kung saan ka, dun ka lang.. Wag mong ipaglaban yung bagay na hindi ka naman kabilang kasi baka mahirapan ka lang,. Baka masaktan ka lang sa mangyayari. Go with the flow lang! Para atleast alam mo kung pano sasabay. Hindi ka man nauuna, pero hindi ka din naman nahuhuli. Kung tutulan kasi nang tutulan, wala ding mangyayari. S.

"Kuya—Kuya—"

"Ano yun?

"May assignment kame sa Math."

"ihh. Magcomputer ka na lang. Dun mo hanapin yung sagot."

"Pano kuya? Equation kaya yun.."

"Edi maghanap ka nang same equation o kaya account or site na pwede."

"Sige na kuya..."

"Ihhhh......"

"Susumbong kita kay mama!?"

Epal tong kapatid ko, lagi na lang panakot si Mama. Akala naman niya matatakot ako. Wala naman akong ginagawa sa kanya ehh.. Wala nga ako sa mood diba? Kaya nga ako kumakaen para maiwasan yung pagkastress ko diba? Tapos eepal siya! Bwisit!

"Kuya—"

"Anooo!??—"

"Sige na.. Math naman yun ehh!"

Math nga yun! Nakakstress! Buti kung Filipino..

"Kuya—Kuya—!!"

Okay naman sakin ang Math. WAG LANG NGAYON PLEASE! WAG LANG NGAYON!

"Ayoko nga ehh.. Ang kulit!"

Sabay walk-out.

Iniwan ko yung kapatid ko sa kusina. Umakyat ako nang kwarto ko. Ayoko kasi nang nagungulit. Ayoko nga ehh.. Ayoko munang magpakastress. Tutulungan ko na nga siya sana ehh.. tapos malaman-laman ko Math pala! Ayoko nga!

Kinuha ko yung earphone ko tapos yung ipod shuffle ko. Pero shempre walang ganun! Pogi lang ako pero di kami mayaman.. Hehe..

Okay. Soundtrip!

Pinili ko yung isa sa mga paboritong kanta ngayon. Pambansang awit nga daw nang masa.

"Thinking Out Loud"

Diary ng Gwapo (Pero Humble!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon