Gwapong Humble 20

458 36 45
                                    

Dear Diary,

Hindi rin pala okay maging gwapo. Ayoko na! Hindi ko na kaya! :'(

IBALIK NIYO NA LANG AKO SA DATI! T_________T </3

Your humbleness,

Dudong

---

Isang linggo na ang nakalipas. Puro rehearse lang ang ginawa ko sa loob ng isang linggo since excuse naman ako sa klase. Friday ngayon at laban ko na naman mamaya. Dudumugin na naman ako ng mga fans ko neto lalo na sa school. Kalat na kasi 'yung scandal ko, este—'yung mga posters ko sa campus. Alam kasi nilang ako ang representative ng aming school na lalaban sa Manila Next Top Model 2015.

Pero heto ako sa kama, nag-mumuni-muni. Ang laking pressure ng laban na ito para sakin. Maraming nag-eexpect sakin na galingan ko mamaya. Of course, I will, lalong-lalo na alam nila mama at Utoy na kasali ako, hindi katulad dati na hindi ko ini-informed sa kanila. Sinabihan ko 'yung mga kumag na adik sa LOL sa may Boso-Negro Café na suportahan ako mamaya. Pati na rin si Aling Martha kung gusto niyang hindi makatulog dahil maghuhubad ako—ng shirt lang naman. Kapag gwapo tsaka humble, dapat wholesome padin. May bayad ang ticket sa laban pero dahil mahal nila ako, bibili daw sila. Ewan ko lang sa mga tropa kong adik sa LOL. Wala akong tiwala sa mukha nila. Haha. Lahat naman ng gamit ko naka-settle at all prepared na kaya wala na daw akong dapat gagawin kundi mag-relax at magpa-pogi. Nang-iinsulto ba sila? Eh meron naman talaga ako 'nun!

Sinabi din pala ni Alex na galingan ko, so itotodo ko na mamaya. Laban kung laban! Muli kong naalala 'yung sinabi ni Alex na ang layo na daw ng narrating ko. Malayo na ba talaga? Parang Manila hanggang La Presa? O mas malayo pa sa Sagada? Buti pa 'yung ibang tao, 'yung forever na nila 'yung pino-problema nila. Ako nga wala pa 'nun ehh! Nakakainis lang kasi akala ko magkakaroon na pero hindi pala. Paano ko masasabi kay Alex na gusto ko siya noon pa man kung madami siyang problema?

Hinihimas-himas ko lang ang ulo ni Potchoi habang siya ay pinakikiramdaman lang ako. Mukhang marunong maki-simpatiya 'to si Potchoi. Magaling magaling! Subalit ngunit datapwat, ang dami ko parin talagang katanungang hindi masagot-sagot.

Una, bakit siya nasa Boso-Negro Café? Sinong pinupuntahan niya doon? Isa na rin ba siyang bugaw? Hindi ko naman matanong si Aling Martha kasi hindi naman siya ang namamalakad 'nun kundi 'yung malibog niyang asawa na tanging sa Skype niya lang nakakausap. May ibang nag-babantay dun bukod sa mismong computer shop nila sa ibaba. Pangalawa, bakit hindi niya sinabi sakin na kilala niya pala ako matagal na? Bakit hindi ko agad siya nakilala? Well, its been a long time. Madami na ngang nagbago, kahit pa nga sa sarili ko. Pangatlo, bakit pareho silang A ni Dr. A kung magpakilala? Magkaano-ano sila? Masyado bang mahiwaga ang pangalan nila? Sabagay 'nung pageant, nagulantang din ako sa haba ng pangalan ni Ashanti Alex Alyannah or A for short. Pang-apat, magkaano-ano si papa at si Dr. A? Bakit mukhang ang daming alam ni Dr. A kay papa na hindi ko alam? At pang-lima, bakit sobrang gwapo ko? Kailangan ko bang mag-donate sa ibang taong hindi nakakaranas nito?

ANG DAMI!!! GOSHHH! Ayoko na ngang mag-isip. Nakakabaliw lang.

Alas-singko pa naman 'yung laban kaya medyo matagal pa, alas-dose pa lang. Alas-tres kami pinapupunta doon ng principal para hindi daw ako late. Nakakahiya nga namang ma-late ang gwapong katulad ko na magre-represent ng school namin. Oo nga pala, Our Mother of Goodness High School ang pangalan ng school ko. In short OMG High School. Akala mo talaga kung anong nakakagulat sa school naming nu?! Wala naman. 'Yung name lang talaga. HAHA. Ang tagal ko nang di sinasabi kasi sanay naman ako na palipat-lipat ng school. Since elementary yata palipat-lipat na ko. Kaya wala akong matagalang kaibigan eh, puro acquitance lang lahat. Bakit kasi kailangang magpalipat-lipat? Ang hirap mag-adjust. Pagod na pagod na ko. Pero joke lang 'yung last. Walang ganun!

Diary ng Gwapo (Pero Humble!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon