Gwapong Humble 6

458 48 9
                                    

Dear Diary,

Assignment.. Assignment..

SUNTUKAN!

Ayun si palaka..

Walang kaawa-awa..

Abukaka-abukaka..

Siyang PALAKAAA!!!

Ajuju, I hate this Diary.. Ajujuju :(

Your Humbleness,

Dudong

---

"Copy your Assignment.."

Si Mam. Science na naman, last subject as usual. Hindi ako sanay sabihin yung apelyido niya kasi masyadong mahaba. Baka magkamali pa ko nang spelling malagot pa ko. Kawawa nga yung kaklase ko ehh, minsan nasulat niya sa notebook yung apelyido ni Mam na mali, ayun nagkaron nang misa sa loob nang isang oras. Yung isa ko pang kaklase, nakita lang na mali yung pagkakasulat sa apelyido niya sa exam, ayun bagsak na!

Ganyan katindi si Mam Science.

Kaya ako? Ayoko nang naglalagay nang apelyido lalo na pag sa kanya. Mahirap nang magkamali. May kahihinatnan ka! Kaya kung ako sayo, bago mo isulat yung spelling nang apelyido niya, magtanong ka muna sa limang tao, dalawa sa tabi mo. Sa kanan at sa kaliwa. Isa sa likod at isa sa harap. Tapos huli mong tanungin sarili mo. Ehh wala ehh, anaknangtinapa! Pag nagtanong ka naman kay Mam Science baka malintikan ka ulit nang bongga. Sasabihin niya sayo..

"Ilang beses na tayong nagkakasama, mali mali padin kayo! Hindi nyo padin alam yung tamang spell nang apelyido ko. Tatanga-tanga ba kayo?"

Parang ang sarap sabihing..

"Miss, mahirap po talagang i-spell yung apelyido niyo. Kahit nga ipronounce ang hirap ehh.. Kayo po yung tatanga-tanga, aasawa-asawa kayo nang ganyan ang apelyido ehh.."

Hahahaha. Ang hard diba? Kaso mabaet naman ako kaya walang ganun! Behave lang ako sa klase bukod sa pogi points yun, humble pa ko. Alam ko na naming gwapo ako ehh.

"Dudong erase the board."

"Ma'am?"

"I said erase the board."

"Hala???"

Inabot nya pa sakin yung eraser. Edi wala na kong palag. Nakakainis naman, saying yung gwapo points ko kung pagbuburahin lang din naman ako ng blackboard.

"Mam wag na si Dudong!" 'yung katabi kong kaklase ang nag-salita.

"Oo nga Mam." Sang-ayon nang lahat.

Tumingin naman si Mam sa klase pero patuloy padin sila sa pagtutol.

"Mam ang gwapo gwapo ni Dudong tapos papalinisin mo?" narinig kong pumalatak 'yung kaklase. Ganyan nila ako kamahal. Hehe.

"Oo nga Mam, wag ganun!" sumingit pa sa usapan 'yung kaklase kong lalake sa bandang dulo.

"So--?"

"Iba na lang po Mam." Muling nag-salita 'yung katabi kong kaklase.

"Sige since ikaw ang nagsabi niyan, ikaw ang magbura.."

"Mam, si Dudong na lang.. Hehe." Gagong 'yun! Ang lakas tumytol, babawiin rin pala. Biglang kamot niya sa batok niya. Balik siya sa pag-susulat kunwari, wala siyang nagawa.

HAHAHAHA! KUPAL 'YUN! Natawa naman ako dun bigla. Eepa-epal kasi hindi naman pala kayang panindigan. Okay naman sakin magbura, kaso ang daming buburahin sa board. Alam mo yung no space for new messages? Ganun! Sobrang dami. Wala yatang pinalagpas na blank space dun sa blackboard. Lahat may sulat. Kahit puro arrow arrow lang naman lahat nang mga yun, tatadtarin niya padin. Nakaktuwa lang sa kanya kasi susundan mo talaga yung kamay niya bawat lapag nun sa blackboard. At pag ginagawa mo yun, ibig sabihin interesado kang makinig sa kanya.

Diary ng Gwapo (Pero Humble!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon