Gwapong Humble 2

1K 86 38
                                    

Dear Diary,

 

Sorry Diary ha? First page pa lang, puro kadramahan na agad ang maisusulat ko..

 

-namatay yung alaga kong aso na si Butchoi.

-nabutas yung bulsa nang pantalon ko.

-nawalan ako ng singkwenta pesos.

-natalo sa LOL.

 

Pero ang pinakaproblema ko sa lahat eto talaga Diary..

Bakit ang gwapo ko padin?

Pero sila nagsabi nun ahh?

 

 

 

Your Humbleness,

Dudong


—-


Umagang umaga nagtatatalak yung Mama ko. Dinig na dinig hanggang ditto sa kwarto. Nagising ako sa kanya. Hindi sa alarm clock. Pero Thanks na din sa kanya dahil kung aasa ako sa alarm clock ko, mahihirapan lang akong gumising.


"Ano ba yan? Linisin mo na nga yannn!"


Tumingin ako sa alarm clock kong nakaset padin ang alarm hanggang ngayon. Ang agang magbunganga ni Mama. Nakakainis! Sana man lang nagtatalak sya sa oras ng pagalarm ng orasan ko. Ang tagal pa ehh.. Isang oras pa bago mag-alarm. So ibig sabihin maaga pa talaga. Tinignan ko yung labas. Syempre dumungaw ako sa bintana. Medyo madilim pa nga. Mamaya na ko mag-aayos.


Bago ako bumaba ng kwarto. Pinatay ko muna yung alarm ng orasan. Tapos pagbaba ko, ayun nga ang tumambad sakin. Yung Mama kong an gaga-aga naiistress.


"Ma.. Ano bay an? High blood ka na naman?!"


"Ohhh ayannn! Tamang tama gising ka na! Ikaw na gumawa neto.."


"Ano bay an??"


Iniabot ni Mama yung hawak nyang dust pan at broom stick.


"Anong gagawin ko ditto?"


Hindi ako pinansin ni Mama. Oo nice talking! Pag high blood ang isang tao, ang lakas makahawa nu?! Parang gusto ko na din mabadvibes. Ang aga-aga ha? Kundi ko lang talaga mahal 'tong nanay ko, pinagpalit ko na to sa iba. Hehe..


"Kuya kuya, si Botchoi.."


"Ohh anong nangyare?"


"Patay na si Botchoi.."


Patay? Syempre hindi muna ako naniwala. Tulad nang mga nasa pelikula, may ganon din akong dialogue syempre..


"Patay na si Botchoi? Hindi... Hindi totoo yan! Sabihin mong hindi totoo yannnnn!"


Diary ng Gwapo (Pero Humble!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon