Gwapong Humble 16

297 28 13
                                    

Dear Diary,

Kapag nakatalikod, James Reid. Kapag naka-side view, Daniel Padilla.

Kapag humarap. Puta! Edi WOW! Duke Dominique Dimagiba izdatchuuu!?

 

Dear Diary, mananalo ba ko sa contest? Kasi kung hindi, 'wag na lang kaya akong tumuloy?

Baka kasi matalo ako dahil over qualified ang ka-gwapuhan ko. Sa tingin mo Diary, hindi kaya?

 

SUPPORT! (—/\—)

—-

Umaga pa lang nag-ayos na ko ng gamit. Nagpa-gising ako kay Mama ng maaga. Baka kasi 'pag late na ko nagising, kulangin ako sa oras. Marami pa naman akong dapat asikasuhin ngayon. Inuna ko na munang ayusin 'yung mga damit na kakailanganin ko sa event. Formal lang naman tapos casual, kasi 'yung costume na kay Mr. President pa. Siya na da mag-uuwi para hindi na ko mahirapan.

"Kuya, kasali ka pala sa contest ng Nutrition Month sa school niyo?" tanong ni Utoy habang nagli-ligpit ako ng gamit.

Paano niya nalaman? E wala naman akong pinag-sabihan nun sa bahay naming, kahit si Mama. Tsaka ayoko nang ipaalam, humble nga lang ako. Ayokong masyadong nae-expose ang kagwapuhan ko.

Wala na kong nagawa kundi umamin kay Utoy. Malalaman din naman nila ngayon kasi ang dami kong dala. "Oo. Bakit?"

"Wala lang, kung same school lang tayo kuya, susuportahan kita. Sana Manalo ka! Syempre makikita nila pogi din 'yung kapatid mo. Hehe" Tuwang-tuwa niyang pagkasabi. Magkahawak pa ang dalawang kamay niya na akala mo nag-dadasal.

Mahina akong napatawa pero sandali lang. Hindi ko alam kung matutuwa ba ko sa kapatid ko o maiinis. Nangarap na naman nang gising si Utoy. Tulog niya kaya no!? Baka magka-muta pa siya. Syempre mas gwapo ako sa kanya. Tsaka hindi siya papasa sa Q and A portion. Hindi ko siya dina-down ah!? Concern lang ako sa kanya. Baka kasi ma-disappoint lang siya. Buti pa ko humble lang!

Pagkatapos ko kumaen ay nag-sipilyo na ako at agad na umalis. Hindi ko na pinaliwanag pa kay Mama kung anong gagawin ko sa mga dalahin ko at kung anong oras ako uuwi. Basta sinabi ko lang aalis ako, kailangan ko ng pera, late ako makaka-uwi. Tapos! Boss ehh. Kaso joke lang! Walang katotohanan ang mga sinabi ko. Nagpaalam ako ng maayos na male-late ng uwi dahil nga may sasalihan akong pageant. Hindi na din ako nag-abalang humingi pa ng pera dahil alam ko na ang manyayari. Katakot-takot na machine gun ang maririnig ko na naman galing sa kanya. Para pa namang nagpi-fliptop 'yun si Mama, nagra-rhyme lahat ng mga banat. Angas no?!

May pera pa naman akong isangdaan mula sa naipon ko. Naks! Oo nag-iipon na ko. Mula nang hindi na ko naglalaro ng LOL sa Boso-Negro Café. Nami-miss ko nan gang tumambay dun kaso pinipigilan ko lang. Alam mo naman, pag napadpad ako dun, hindi ako tatantanan ng mga tambay dun. Lalo na sina James at Karl. Mas masahol pa kay Hudas 'yung dalawang 'yun kung mangunsinti.

Napag-isip-isip kong mag-pagupit muna bago pumasok sa school. Medyo hindi na kasi maganda ang tabas ng buhok ko. Mahaba na kasi. Natatakpan 'yung gwapo kong mukha ng mga bangs ko. Kaya nga nagtataka ako kung bakit nakikita parin nila ang ka-gwapuhan ko sa kabila nang mga buhok na tumatakip sa mukha ko. Ewan ko ba! Kung ibang tao ang nasa kalagayan ko, baka hindi nila kayanin.

Diary ng Gwapo (Pero Humble!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon