KABANATA 1: PAGHANGA

287 14 17
                                        

AUTUMN'S POV

"Susmiyo, marimar ka, Autumn! Hindi ka na naman ba natulog?!" nakapamewang na bulyaw sa akin ni Lily ng makita niya ako sa kusina.

"Good morning din, Lily," humihikab na bati ko sa kaniya saka pumunta sa ref upang kumuha ng tubig.

"Jusko Autumn! Tingnan mo nga yang kapal ng eyebags mo, dinaig mo pa ang call center na night shift sa kapal niyan, eh," komento niya pa habang dinuduro ako ng sandok.

"Masunog yang niluluto mo," saad ko saka umupo sa upuan. "May mga tinapos lang akong chapters kagabi, alam mo na para sa pubhouse," paliwanag ko sa kaniya.

"Then papasok ka pa ngayon sa opisina? Jusko, Autumn, daig mo pa ang may asawa sa pagkayod, eh," pagalit niya sa akin saka pinatay ang kalan. Mukhang luto na ang niluluto niya.

"Lily, I know na worried ka sa akin, but I'm fine. Alam mo naman na may pinag-iipunan ako diba?" pagkumbinsi ko sa kaniya saka tumayo at kumuha ng plato para sa aming dalawa.

"Oo alam ko na breadwinner ka pero hindi mo naman matutulungan ang magulang mo kung mararatay ka sa hospital," asik niya sa akin saka ibinaba ang kakainin namin sa lamesa.

Bumalik na ako sa dining table at inabot sa kaniya ang plato saka umupo, "Chill, I know my body well. Alam ko if kaya ko or not, saka weekends naman bukas. Mababawi ko yung tulog ko," saad ko sa kaniya saka nagsandok ng sinangag.

"Ewan ko na talaga sa katigasan ng ulo mo. By the way, dumating na yung package mo from Amadeus. Hindi ko na itatanong ang laman niyan kasi for sure ay merchandise na naman yan ng The Blazing Star," mahabang wika niya saka nagsimulang kumain.

"Talaga? Ang bilis naman, pero mamaya ko na yun bubuksan pag-uwi ko," masiglang wika ko saka kumain na din.

"Haist, kung hindi lang talaga kita mahal, tututulan ko yang pagiging fangirl mo. Ang dami mo ng gastos diyan," wika niya kaya naman natawa ako.

"Buti na lang at mahal mo ako," natatawang biro ko sa kaniya. "Pero seriously, kaya naman ako nagtatrabaho bukod sa suportahan ang family ko ay para makabili ako ng mga gusto ko, no." dagdag ko pa.

"You mean yung mga official merchandise ng The Blazing Star? Wala naman akong reklamo dun kaso lang girl, yung apartment natin sinasakop na nila. Halos lahat ng gamit natin dito may marka na nila," reklamo niya kaya lalo akong natawa.

"Okay lang yan, ako naman gumagastos. Saka pabayaan mo na, alam mo namang ayan lang kaligayahan ko after a long day of work diba," wika ko saka nagpacute sa kaniya.

"Whatever. Imbes kasi na magkaroon ka ng social life ay mas gusto mo pang magbinge watch ng mga videos nila lalo na yung ano leader nila," wika niya.

"Si Archie myloves? Syempre naman, ayun ang aking pahinga," medyo kinikilig kong wika sa kaniya kaya naman hinampas niya ako ng sandok.

"Girl, wala naman akong kaso sa kilig kilig na yan pero yung piliin mo naman is yung maaabot mo, no," payo niya sa akin.

Ngumiti ako sa kaniya, "ayos lang naman yun kahit hindi niya masuklian personally yung love and support ko sa kaniya. Basta siya yung nagbibigay ng happiness and inspiration sa akin."

"Yeah whatever, kumain na nga tayo at baka mahuli pa tayo sa kanya-kanya nating trabaho," wika niya kaya naman nagpatuloy na kami sa pagkain ng aming agahan.

***

Pasado alas-nuebe na ng makarating ako sa Chasing Dreams Talent Agency kung saan ako nagtatrabaho. Isa ako sa mga freelancer manager na pwedeng kunin ng mga sikat or baguhang artista.

"Oh, nandiyan ka na pala Autumn, alam mo na ba ang latest?" bungad na tanong sa akin ni Sasha. Isa sa mga katrabaho ko rito sa opisina.

"Sandali lang naman Sasha, hindi ko pa nga nalalapag ang bag ko, oh," komento ko saka tinuro pa ang hawak kong bag.

"Sorry na, excited lang naman kasi akong ibalita sa iyo, itong nasagap ko," wika niya. Ibinaba ko muna ang bag ko saka umupo sa working chair ko bago siya hinarap muli.

"Siguraduhin mong maganda yang balita mo, ha," wika ko sa kaniya. Pero ang atensyon ko ay nakatutok sa librong hawak niya. Lihim akong napangiti dahil yung sinulat ko palang libro ang binabasa niya ngayon.

"Yung The Blazing Star may concert dito in 3 months," masayang balita niya sa akin.

Napatayo naman ako dahil sa sinabi niya, "talaga? Sure ba?" sunod-sunod kong tanong sa kaniya.

"Ay sorry po," paghingi ko ng paumanhin dahil pinagtitinginan na kami ng mga katrabaho namin. Mukhang napalakas ata ang sigaw ko.

"Excited yarn?" natatawang komento ni Sasha kaya pabiro ko itong inismiran.

"So ano na nga? Totoo ba?" tanong ko sa kaniya.

"Oo girl. Tutok ka na naman siguro sa pagsusulat kaya hindi mo na alam ang latest. Kagabi lang inanunsyo ng Dream With Me Entertainment yung concert," paliwanag ni Sasha.

Tumango-tango naman ako, "kailan ang pre-selling ng ticket?" tanong ko sa kaniya.

"In 3 days. Sakto nga lang dahil sahod natin ngayon. Mukhang maca-cancel ang aking vacation sa Boracay dahil uunahin ko ang concert nila," wika naman ni Sasha.

"Sakto may naipon na ako. Make sure na makuhanan mo ko ng ticket ah," paalala ko kay Sasha.

"Oo naman girl, alam ko namang co-fairy star kita kaya kukuhanan kita. VIP ticket ba?" tanong niya sa akin. Tumango naman ako.

"Okay guys, listen up! We have a client."

Napunta ang atensyon naming lahat kay Mr. Gutierrez dahil sa announcement niya. Tinapik pa ako ni Sasha at sumenyas na babalik na siya sa upuan niya. Tumango naman ako kaya umalis na ito. Seryoso akong nakikinig sa paliwanag ni Mr. Gutierrez ngunit ang isip ko ay nasa paparating na concert na ng The Blazing Star nakatutok.

***

"Oh bakit tulala ka diyan?" tanong sa akin ni Lily.

"Andyan ka na pala," malungkot na wika ko sa kaniya saka pumunta sa ref para kumuha ng tubig at painumin siya.

"Pasado alas-siyete na kaya ng gabi. Nakapagluto ka na?" tanong niya sa akin.

"Hindi pa, pasensya na," paghingi ko ng paumanhin sa kaniya saka inabot ang baso ng tubig sa kaniya.

Ininom naman niya ito saka hinawakan ang leeg ko, "ayos ka lang ba? Maysakit ka ba?" tanong niya sa akin.

"Wala naman," sagot ko sa kaniya.

"Eh anong problema?" tanong ni Lily sa akin saka umupo sa sofa. Sumunod naman ako sa kaniya.

"May concert kasi yung The Blazing Star," panimula ko. Kumunot naman ang noo ni Lily.

"Oh? Eh bakit parang di ka masaya? Tagal mo ng pinag-iipunan yun kung sakali diba?" tanong niya sa akin.

"Tumawag si mama sa akin sa probinsya. Nasira yung bahay namin dahil sa bagyo, kailangan ko magpadala doon," malungkot na pagkwento ko sa kaniya. Tila naman nagulat siya sa sinabi ko.

"Ayos lang ba sila?" tanong niya sa akin. Tumango naman ako.

"Oo, pero sira ang bahay at palayan namin. Kaya pinadala ko na sa kanila yung naipon ko," wika ko.

Hinawakan naman ni Lily ang kamay ko, "magkano ba yung ticket? Papahiramin na lang kita," wika niya.

Umiling naman ako, "wag na. Alam ko namang short ka din dahil bayaran na ng tuition ng kapatid mo ngayong buwan," pagtanggi ko sa kaniya.

Tumayo na ako sa sofa, "pwede bang ikaw na lang muna magluto? Sumama kasi pakiramdam ko," mahinang wika ko sa kaniya.

"Sige, magpahinga ka muna. Tatawagin na lang kita once luto na ang hapunan natin," wika niya sa akin.

Tumango na ako saka naglakad papunta sa kwarto ko. Pagpasok ko ay tumambad sa akin ang mukha ni Archie kaya naman mapait akong napangiti.

"Mukhang hindi pa ito ang tamang panahon para magkita tayong dalawa," mahinang bulong ko kasabay ng pagpatak ng luha ko.

ITUTULOY!

CDS #4: Loving You From AfarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon