AUTUMN'S POV
Hindi ako mapakali habang nasa upuan ko dahil hindi talaga ako makapaniwalang nandito si Archie sa mismong booksigning. Like, sino ba naman kami para puntahan niya? We are like nobody compared to him.
"Are you okay?" bulong sa akin ni Radley. Tiningnan ko naman siya saka ako ngumiti.
"Yeah, I'm just a bit nervous," bulong ko din sa kaniya.
"Ay mukhang nagkakabulongan na po dito sa gilid natin," usyoso nung emcee kaya napatingin ako sa kaniya.
Marami ang napahiyaw dahil sa sinabi ng emcee kaya naman hindi ko mapigilang mamula sa hiya. Like, bakit kailangan pa yun i-announce? Tiningnan ko naman si Lily na seryoso lamang nakatingin sa akin. Haynaku, sigurado akong nag-ooverthink na yan if may namamagitan sa amin ni Radley.
"Anyways, bago natin simulan ang booksigning ay syempre we want to acknowledge the presence of the one and only Archie Dal Collins," wika ng emcee saka tinuro pa si Archie kaya napatingin ako sa kaniya. Ngumiti lamang siya saka kumaway sa ilang fans. Since andito nga siya ay tight ang security ng venue at ang nakapalibot sa kaniya ay ang kaniyang mga bodyguards.
"Grabe, it is really an honor na makita ang isang Archie sa booksigning na ito!" namamanghang pahayag ng emcee. "Well, as much as we are starstruck to him right now, wag natin kakalimutan ang totoong bida ng araw na ito," dagdag ng emcee saka tumingin sa amin.
"Five great authors of the Writer's Gem Publishing is here with us," masiglang wika niya kasabay naman ang masigabong palakpakan. Hindi ko tuloy napigilang maging emosyonal dahil this day is really a dream come true para sa akin.
"Here," wika ni Radley saka inabot sa akin ang panyo niya.
"Salamat," wika ko saka pasimpleng ginamit ang panyo niya upang magpunas ng luha. Aba, hindi pa nagsisimula talaga ang event kaya kailangan kong pigilan ang pagbaha ng luha ko.
"Okay, bago tayo magsimulang magpirmahan, syempre may mga paandar kami na inihanda para sa inyo. Unang-una na nga diyan ang get to know your favorite artist," wika ng emcee kaya naman kinabahan ako. Aba, hindi kami na-orient na may pa-ganito ngayon.
"So, some of our lucky readers can throw personal questions sa ating mga authors. And syempre, kailangan iyon sagutin ng ating mga authors kung hindi ay iinom sila ng ating mga hidden drinks," paliwanag ng emcee sa mechanics ng mini paandar nila.
"Pero kung ako sa kanila, sagutin na lamang nila ang mga tanong dahil ayaw naman siguro nila magkaroon ng di magandang amoy habang pumipirma sila mamaya," biro ng emcee kaya naman mukhang alam ko na kung ano ang mga hidden drinks. Nagsitawanan naman ang mga naroon dahil sa sinabi nito.
"Okay, let's start na!" wika niya kaya naman seryoso akong napatingin sa harapan.
Nagsimula na ang mga tanungan sa iba't ibang author. Ang naging set-up ay may tatlong tao na magtatanong sa mga author kaya naman para kaming naisasalang sa mainit na kalan dahil medyo mainit din ang mga tanong. Natawa pa nga ako kay Sofie dahil nung tinanong siya if papatol siya sa isang fan ay di siya sumagot kaya pinainom siya ng suka.
"Okay, last question na natin ito kay Mr. Radley kaya take it away girl." Nabalik ako sa realidad ng sabihin yun ng emcee. Last question na pala kaya dapat na ako maghanda dahil ako na ang susunod.
"Hi!" nahihiyang bati nung babae kay Radley. Ngumiti naman si Radley at kumaway kaya halos maglupasay na yung babae sa kilig. Well, kung tutuosin ay pogi naman talaga si Radley at kung hindi lamang siya writer ay malamang nag-artista na ito.
"Gusto ko lang pong itanong if you have special someone right now," wika nung babae.
Biglang tumahimik ang paligid dahil sa tanong na iyon. Maging ako ay nakatutok sa sabihin ni Radley sapagkat hindi ko din alam ang sagot. Napaiwas ako ng tingin ng biglang lumingon sa akin si Radley.

BINABASA MO ANG
CDS #4: Loving You From Afar
Romance"Ang mahalin siya sa malayo ay kaligayahan na ng puso ko. Mahirap mang makuntento dito ay ayos lang para sa pinakamamahal ko." - Autumn Gale Revierra Si Autumn Gale Revierra ay isang manunulat na ang tanging hangarin ay maabot ng kaniyang mga akda a...