KABANATA 6: BEST EXPERIENCE

125 9 5
                                    

AUTUMN'S POV

"Archie Dal Collins!"

Hindi makapaniwalang tiningnan ko ang emcee dahil sa pangalang binanggit niya. Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong maramdaman. I am so happy na makakasama ko si Archie for 1 hour but also flattered sa narinig ko. Kinakabahan din ako dahil baka mahimatay talaga ako mamaya kapag kaming dalawa na lang.

"Wow! Sa lahat ng booksigning event na napuntahan ko, ngayon ko lang naranasan ng makakita ng reader na as in kompleto ang dalang libro ng author na sinusuportahan niya," namamangha pa ring turan ng emcee. "Baka pwede natin tanungin si Sir Archie," dagdag niya saka tiningnan ang staff.

May lumapit namang staff sa kinaroroonan ni Archie saka inabot ang mic rito. Nakangiti naman itong tinanggap ni Archie.

"Good afternoon, Sir Archie," bati ng emcee. "Whoo! Nakakapressure pa lang kausapin ang isang celebrity," hiyaw niya kaya naman may mga natawa. Samantalang ako ay hindi makagalaw talaga kasi ngayon pa lang ay iniisip ko na paano ako aakto mamaya. Kasi kung ako talaga tatanungin, baka mahimatay o maglupasay ako sa saya.

"Question lang po, paano niyo po nakolekta yung books ni Ms. Autumn saka bakit niyo po ito dinala lahat ngayon," tanong ng emcee.

"First of all, good afternoon everyone," bati niya kasunod ay hiyawan at tilian ang umalingawngaw sa loob. Grabe, sobrang sikat niya.

"At first hindi ko naman intentionally kinokolekta yung books niya. It's just that many fan namin and fan din niya ang nagsesend sa akin ng libro niya as a gift, so na-curious ako and started reading her crafts..." pag-amin niya. Pumatak na ang mga luha ko sa saya dahil sa sinabi niya. Alam ko naman na aware ang mga readers ko na super fan ako ni Archie but para umabot sila sa ganoong extent? Mas lalo ko pa silang minahal.

"So when I've heard na pupunta siya, grinab ko na din ang opportunity na makapagpapirma sa kaniya since hindi naman natin alam kung kelan siya ulit babalik dito," paliwanag niya. "Saka by the way, 14 lang dapat ang madadala ko ngayon, buti na lang she let me have the last book yesterday," dagdag niya pa saka tumingin sa akin. Nahihiyang ngumiti na lamang ako habang nagpupunas ng luha.

"Wow! Wala talaga akong masabi kasi parang dream come true sa both sides ang happenings today," namamanghang wika ng emcee.

Umani naman ito ng samu't-saring komento sa mga naroon. Mayroon ngang nakangiti sa akin kanina pero iniirapan na ako ngayon. Hindi ko na lamang pinagtuonan yun ng pansin basta ako masaya ngayong araw.

Nang kalmado na ang lahat ay nagsimula na ang booksigning. Nakakatuwa na makausap ang mga readers at makapagpa-picture sa kanila isa-isa. It is really both an honor and previlage na makapunta sa booksigning event bilang isang author.

***

"We will just have ten minutes break tapos papupuntahin ko na ang mga napiling readers, okay?" anunsyo ni Ms. Blossom sa amin. Tumango naman kami saka nag-umpisang magretouch.

Pasado alas sais na ng matapos ang booksigning event since sobrang dami talagang dumalo na gusto magpapirma. Kaya kahit pagod ay masaya naman ang nangyari.

"Ang swerte mo naman Autumn," komento ni Sofie sa akin.

"Salamat," tanging nasabi ko lang dahil parang nasa alapaap pa rin ako hanggang ngayon.

"Wag mo kalimutang hingan ako ng autograph ah," dagdag pa ni Sofie kaya naman natawa ako.

"Sure, sure. If ever na pumayag siya," sagot ko sa kaniya saka tumingin sa salamin at nagsimula ng mag-ayos.

Maya-maya pa ay may kumatok sa dressing room namin. Sinilip naman ito ni Radley saka binuksan ang pinto at iniluwa noon si Lily. Napaharap tuloy ako sa kaniya,

CDS #4: Loving You From AfarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon