KABANATA 4: UNEXPECTED GUEST

134 9 13
                                    

AUTUMN'S POV

"Saan ka galing? Bakit ang tagal mo?" sunod-sunod na tanong sa akin ni Lily pagpasok ko sa hotel room namin.

Umupo naman ako sa kama ko, "sa bookstore lang," sagot ko habang hinuhubad ang suot kong sandals.

"Himala naman ata na wala kang binili ni isang libro," di makapaniwalang pahayag niya matapos niyang marinig ang sinabi ko.

Napatingin naman ako sa kaniya, "I think I saw Archie Dal Collins," pagkukwento ko sa kaniya.

Nanlaki naman ang mga mata nito, "sigurado ka ba?" tanong niya saka tumabi sa akin. "Hoy, baka mamaya delusional ka na, ha?" dagdag niya pa saka ako bahagyang tinulak.

"Loka," asik ko sa kaniya saka hinampas ang braso niya. "Kaya nga I think kasi hindi ako sigurado," paliwanag ko sa kaniya.

"Eh paano mo naman kasi naisip na baka siya yun?" tanong niya sa akin.

"Kasi may nakasabay ako kanina sa pagkuha ng libro ko, sakto nag-iisa na lang yun," panimula ko.

"Hoy, mala-wattpad yan, ah," natatawang komento niya sa akin kaya naman pabiro ko itong inirapan.

"Tas tinanong niya ako if kilala ko yung author. Syempre nahiya akong sabihin na ako," pagpapatuloy ko.

"Eh teka nga, paanong hindi mo sure? Hindi mo ba siya namukhaan?" pagputol na naman ni Lily sa pagkukwento.

"Heto na nga! Wag mo kasi akong singitan," saway ko sa kaniya kaya naman nagpeace-sign ito sa akin.

"Hindi ko nga sure kasi nakamask, shades at sombrero ito. Naisip ko lang kasi may mga fairy star na sumisigaw na nandun daw si Archie sa bookstore tas paglingon ko sa kausap ko kanina, nawala na," pagkukwento ko. Tumango-tango naman ito.

"Kaso ayun, di ko pa din confirm kasi baka mamaya maysakit lang pala talaga yung lalaking nakausap ko kanina kasi medyo malat siya, eh," dagdag ko pa pero seryoso lamang itong tumingin sa akin.

"Bakit ganiyan ka makatingin?" naiilang na tanong ko sa kaniya.

"Wala naman, iniisip ko lang kung ano ang ginawa mo nung marinig mo na nandun si Archie sa bookstore. It's either hinanap mo siya o pinigilan mo yung mga ka co-fairy star mo," pahayag niya na para bang iniimbestigahan ako. Napalunok naman ako dahil tama ang tinutumbok niya.

"And based on your reaction, it is the latter one," dagdag niya pa kaya naman napaiwas ako ng tingin.

"Pinagsabihan ko lang naman sila," depensa ko kaya naman hinampas ako nito.

"Jusko ka Autumn, tandaan mo na wala tayo sa Pilipinas. Nasa Amadeus tayo ngayon. Paano na lang if inaway ka ng mga yun tas wala ka pang kasama," pagalit niya sa akin.

Napakamot naman ako ng ulo saka siya hinarap, "sorry na nga. Pero nakinig naman sila sa akin," paliwanag ko naman.

"Naku ka! Sa susunod wag kang aalis mag-isa ha," wika niya saka ako hinampas ulit.

"Oo na!" sagot ko sa kaniya saka humiga sa kama ko. Aba napagod naman ako kanina.

"Hay naku! Siguraduhin mong makikinig ka sa akin," wika niya saka umalis sa kama ko. "Oorder na ako ng dinner, anong gusto mong kainin?" tanong niya sa akin.

Napabangon naman ako dahil sa sinabi niya, "hindi ba tayo kakain sa labas? Mukhang masasarap ang mga pagkain sa mga resto rito," tanong ko sa kaniya.

"Chill, we still have 3 days pa naman here sa Amadeus kaya for sure malilibot pa natin ang lugar na ito..." pagpapakalma niya sa akin. "Pero for now, mag-order na lang muna tayo. You still have to rest early tonight. Maaga pa ang first book signing mo bukas," dagdag niya pa. Napangiti naman ako sa sinabi nito. How thoughtful my bestfriend is talaga!

CDS #4: Loving You From AfarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon