KABANATA 13: KRITISISMO

28 4 0
                                    

AUTUMN'S POV

"Eww, low class naman yung pinalit nila kay Ms. Shina"

"Wala na ba budget management kaya ganiyan lang ang kinuhang kapalit?"

"Bakit naman ganun? #JusticeForTheBlazingStar"

"Balik ka na lang sa pagiging writer, mhie. Hindi 'to fiction,"

"Ano kayang hipnotismo ang ginamit niya kay Ms. Shina kaya pumayag 'to?"

"Awit na yan? Yan na yung papalit kay Ms. Shina?"

"Guys, eyes here. I did research about her. Talent manager pala siya kaso lahat ng talents niya iniiwan siya. That speaks a lot about her. I am worried about our boys."

"Autumn—"

Mabilis kong pinahid ang mga luha ko nung marinig ko ang boses ni Ms. Shina kasunod ang pagbukas ng pinto ng kwarto ko. Tinago ko na rin ang phone ko sa unan ko sapagkat pinagsabihan na nila ako na huwag na lang muna akong mag-social media dahil sa nangyayari.

"Ba-bakit po?" tanong ko na hindi tumitingin sa kaniya.

Narinig ko naman ang pagbuntong-hininga niya at naramdaman ko ang presensiya niya na papalapit sa akin. Ilang araw na rin ang nakakalipas nung ipakilala ako bilang bagong manager ng The Blazing Star at ilang araw na rin akong umiiyak dahil sa matinding hatred at bashing na nararanasan ko ngayon. May mga gabi nga na iniisip ko na lang na sana panaginip na lang itong lahat kasi okay naman na ako na nakasama sila kahit maikling panahon lang.

"How are you?" tanong niya saka ko naramdaman amg paggalaw ng kama ko.

I managed to smile pa rin sa kaniya, "I will be fine," di-tuwirang tugon ko sa katanungan niya.

Inabot naman niya ang kamay ko saka marahan itong himaplos. "You know, you can talk to me right?" malambing na paalala nito sa akin.

"Ganto po ba talaga ka-kahirap?" napapaos na tanong ko sa kaniya saka malayang sumagana ang mga luha ko na nag-unahan na naman magbagsakan.

Umusog papalapit sa akin si Ms. Shina saka ako niyakap ng mahigpit. Hinayaan ko lamang siyang hagurin ang aking likuran habang parang batang umiiyak sa balikat niya.

ARCHIE'S POV

"How is she?" rinig kong tanong ni Radcliff kaya ibinaba ko ang phone ko at nilingon ko ang tinatanong niya.

"She fall asleep habang umiiyak sa balikat ko," malungkot na saad ni Shina saka umupo sa tabi ni Preston.

"Tingin niyo ba magiging okay lang si Ms. Autumn?" tanong naman ni Dylan sa amin.

"Paano kung mag-quit si Ms. Autumn?" tanong din ni Zach.

Napabuntong-hininga na lamang ang lahat saka namayani ang malungkot na katahimikan sa paligid.

"Wait, saan ka pupunta?" tanong ni Nathaniel nung makita niya akong tumayo at nagsimulang maglakad.

"Doing what the leader is supposed to do," tipid at seryosong tugon ko saka dinampot ang susi ng sasakyan ko na nasa countertop table.

"Teka, sasamahan kita," huling rinig kong bulalas ni Shina bago ako makalabas ng sala.

***

"Seryoso ka ba na haharap ka sa kanila?" tanong sa akin ni Shina habang tinatanggal ko ang seatbelt ko.

"May iba ka pa bang suggestion?" tanong ko sa kaniya saka tinanaw ang building ng management namin.

"Ano bang plano mo?" tanong sa akin muli ni Shina.

CDS #4: Loving You From AfarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon