AUTUMN'S POV
"Hey!"
"Ay baklang palaka!" hiyaw ko sa gulat dahil sa boses na narinig ko sa likuran ko. Halos mapatalon din ako sa gula at mabitawan ang hinuhugasan kong babasaging baso.
"What?"
Dahan-dahan akong lumingon sa likuran ko na pinanggalingan ng boses. Lihim akong napalunok nung makita ko ang kunot-noong hitsura ngayon ni Archie.
"What did you just call me?" pag-uulit na tanong niya sa akin.
"Ah eh...sorry, sorry..." natatarantang wika ko saka tumalikod sa kaniya at nanginginig na pinatay ang phone ko. "M-may kailangan ka ba?" tanong ko pagharap ko muli sa kaniya.
"Nothing. Tapos na kami mag-rehearse so I am just checking you out," paliwanag niya kaya naman napatingin ako sa oras sa wall clock.
"Hala, anong oras na pala?!" nawiwindang na wika ko.
Jusko naman Autumn, masyado ka naman kasi atang nag-enjoy maghugas ng plato at mag-concert na hindi mo namalayang alas-tres na. Narinig ko ang pagtawa ni Archie kaya naman napunta sa kaniya ang atensyon ko. Oh sige, ang pogi niya talaga sa malapitan para pa rin talaga akong nanaginip.
"Matunaw ako niyan," sambit naman nito kaya nanlaki ang mga mata ko at mabilis na umiwas ng tingin sa kaniya. Shocks, nakakahiya!
"Pa-patapos na ako, wait lang," wika ko naman sa kaniya saka tumalikod rito upang umpisahan sana na maghugas ulit. Isa pa, ramdam ko ang pamumula ng mukha ko dahil sa nahuli niya akong nakatitig sa kaniya.
"Umakyat ka na doon sa taas at makapag-ayos na, hayaan mo na si Dylan at Zach ang magtuloy niyan," saad naman ni Archie.
"Naku, okay lang. Mabilis na lang naman 'to saka nakakahiya naman kung paghuhugasin ko ang mga boss ko," pahayag ko habang sinasabon ang plato na hawak ko.
"You are our manager, not our maid," sambit niya. "Isa pa, kapag nagtagal ka diyan, male-late kami sa final rehearsal bago kami sumalang mamaya."
Napahinto ako sa pagsasabon ng plato dahil sa sinabi niya. Oo nga naman, shocks, umayos ka nga Autumn!
"True naman sinasabi ni Archie, Ms. Autumn."
Napalingon ako sa pinanggalingan ng boses at nakita kong isa-isang pumasok ang miyembro ng The Blazing Star sa pangunguna ni Zach na siyang nagsalita kanina.
"Hayaan mo na yang dalawang yan ang maghugas. You should change already," malalim at seryosong wika ni Radcliff saka tinuro si Zach and Dylan.
"Hindi, okay lang naman. Patapos na rin naman ako," pagtanggi ko saka ngumiti sa kanila para i-assure na ayos lang talaga.
"Hindi ka mananalo sa mga yan, ngayon, Autumn," natatawang bungad ni Ms. Shina pagpasok niya sa kusina. "Besides, parusa yan ni Zach at Dylan dahil sa pagpapasaway nila sa praktis," dagdag pa niya saka lumapit sa akin.
"Te-teka lang po," natatarantang wika ko dahil sa paghatak ni Ms. Shina sa akin. Nakakaloka, may mga bula pa yung kamay ko.
"I will prefer your manager within 30 minutes kaya mag-prefer na din kayo," huling sabi ni Ms. Shina bago niya ako tuluyang kaladkarin palabas ng kusina.
"Go na, mag-asikaso ka na," saad ni Ms. Shina pagdating namin sa harap ng kwarto ko at bahagya pa nga akong itinulak.
"Okay lang po ba na maghugas sila ng plato?" nag-aalalang tanong ko kay Ms. Shina.
Natawa naman ito sa sinabi ko, "galing sila sa ilalim. Tulad ng iba ay nangarap lang din sila kaya sigurado akong kaya nila maghugas ng plato," paliwanag niya saka ngumiti sa akin. "Huwag ka mag-alala, sa mga susunod na araw ay magde-deep in tayo sa buhay nila para mas makilala mo sila. There are a lot of things na di alam ng fans off-cam," dagdag niya pa saka kumindat sa akin. Tumango na lamang ako dahil sa sinabi niya.
BINABASA MO ANG
CDS #4: Loving You From Afar
Romans"Ang mahalin siya sa malayo ay kaligayahan na ng puso ko. Mahirap mang makuntento dito ay ayos lang para sa pinakamamahal ko." - Autumn Gale Revierra Si Autumn Gale Revierra ay isang manunulat na ang tanging hangarin ay maabot ng kaniyang mga akda a...