This chapter is dedicated to galesarceno at SyneaMoonWrites for their unwavering support on this story 😊
****
AUTUMN'S POV
"Ano ba yang suot mo?" nakapamewang na bungad sa akin ni Lily pag labas ko pa lamang ng kwarto ko.
Tiningnan ko naman ang hitsura ko mula sa repleksyon ko sa salamin sabay sabing, "bakit? Ano bang mali sa suot ko?"
Lumapit naman ito sa akin saka ako inikot pagharap sa kwarto ko, "ime-meet mo yung future talents mo kaya dress appropriately," wika niya saka bahagya akong tinulak.
"Wala namang mali sa suot ko. Simplicity is the new trend ika nga," pagtatanggol ko naman sa sarili ko.
"Ang dami mo pang sinasabi, magbihis ka na doon. Isa sa malaking boyband sa mundo ang makikita mo kaya umayos ka," paalala naman sa akin ni Lily.
Wala na akong nagawa kung hindi pumasok sa kwarto ko. Hinubad ko na ang suot kong jeans at blue short-knitted T-shirt ko. Pagkatapos ay pumunta na ako sa aking cabinet upang maghanap ng isusuot. Natulala lamang ako roon ng ilang minuto bago ko pagpasyahan na suotin yung green dress ko. Simple dress lang naman ito tapos may ribbon lang paikot sa baywang ko. Nagpalit na rin ako ng sapatos, sandals na ang ipinares ko sa suot ko.
"Ayan, perfect!" nakangiting pahayag niya habang pumapalakpak pa. Pero kitang-kita ko sa mata niya ang lungkot
Nakangiting lumapit naman ako sa kaniya saka siya niyakap, "thank you for everything, Lily."
Mukha naman nagulat ito sa sinabi ko dahil sa kabog ng dibdib niya, "ano ka ba?! Gusto ko lang yung best para sa iyo," saad niya. "Tama na yang drama mo, need mo ng umalis at baka mahuli ka sa meeting mo," dagdag niya pa kaya naman binitawan ko na siya.
"What do you want to eat later? I'll buy food na lang for us," tanong ko sa kaniya.
"Bahala ka na," nakangiting wika niya. "Good luck sa meeting mo," masiglang pagpapalakas niya ng loob ko.
"Bye-bye," paalam ko.
Kumaway naman ito kaya naman naging cue ko na iyon para umalis. Paglabas ko ay naghihintay na pala yung taxi na binook ko kaya sumakay na ako kaagad upang makarating na ako sa venue. Pagkatapos ko kasing tawagan si Ms. Shina tungkol sa desisyon ko ay nag-set agad ito ng meeting para makausap ako. At gaya ng naisip ko, andito nga sa Pinas ang The Blazing Star kaya kasama sila sa makikilala ko mamaya.
***
"Oh you are here na," bungad na wika ni Ms. Shina ng makita niya ako. Tumayo ito at bumeso sa akin kaya ganun din ang ginawa ko.
"Pasensya na po ngayon lang. Medyo traffic," paghingi ko ng despensa. Ngumiti naman ito sa akin.
"Don't say sorry. Halos kararating ko lang din naman," nakangiting wika niya saka hinawakan ang kamay ko. "Let's take a seat," aya niya saka hinila ang kamay ko. Tahimik naman akong sumunod sa kaniya habang inililibot ko ang mata ko sa buong lugar.
"Wala pa sila. Naglibot pa ng kaonti since bukas ay aalis na tayo," rinig kong wika ni Ms. Shina kaya naman nagulat ako.
"Bu-bukas na po agad?" hindi siguradong tanong ko pagkatapos ko siyang lingunin.
"Yes.... May problema ba?" tanong niya sa akin. "May mga activities na kasi sila next week kaya need na nilang bumalik. And as their new manager, need mong sumama na sa kanila," mahabang lintiya niya saka umupo sa upuan. Itinuro naman niya yung bakanteng upuan sa harap niya.
BINABASA MO ANG
CDS #4: Loving You From Afar
Romance"Ang mahalin siya sa malayo ay kaligayahan na ng puso ko. Mahirap mang makuntento dito ay ayos lang para sa pinakamamahal ko." - Autumn Gale Revierra Si Autumn Gale Revierra ay isang manunulat na ang tanging hangarin ay maabot ng kaniyang mga akda a...
